Special Chapter 4

79.7K 1.5K 57
                                    

Tumatawa ako habang kausap ko ang kaklase kong si Gino. Nagjojoke kasi siya at nakakatawa kaya tumawa ako alangan naman na umiyak ako diba? Muntanga pag ganun.

"Zea, andyan na si Enrique." sabi ni Gino kaya napahinto ako sa pagtawa at napalingon sa likuran ko

Napangiti ako nang makita si Van na papalapit samin pero nawala ang ngiti ko nang mapansin ko na nakasimangot siya at ang sama ng tingin niya kay Gino.

"We have to go. May namataan akong magnanakaw." seryosong sabi niya

Napatuwid ako ng tayo at napatingin sa paligid. Magnanakaw? Paano nakalusot sa security ang magnanakaw?

"Asan yung magnanakaw? Hulihin natin! Tara!" pamimilit ko at hinihila siya pero siya natitinag sa kinatatayuan niya

"Wag kang mag-alala, Alexandra. Ako na ang bahala sa magnanakaw na yun para di niya manakaw ang pag-mamay-ari ko." seryosong sabi niya

Hinarap ko siya habang nakakunot ang noo at tinignan siya ng seryoso.

"Ninakawan ka ba ng magnanakaw na yun? Bakit kasi hindi mo ingatan! Sabi ko naman sa'yo, maraming masasamang loob sa mundo ngayon!" panenermon ko sa kanya

"Oo nga naman, Enrique. Ingatan mo kasi." sabi naman ni Gino

Hinarap ko si Gino at nakita ko ang pagngisi nito kay Van. Uh-oh. Don't tell me nag-aaway na sila ng palihim pero hindi ko man lang napansin? Gosh!

"Mauuna na kami, Gino." paalam ko at hinila na si Van

Buti nalang at nagpahila na siya sakin. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse bago siya pumunta sa driver's seat. Halata ang mahigpit na paghawak nito sa manibela at ang galit na ekspresyon niya.

"Van, galit ka ba? Sorry na." paglalambing ko sa kanya

Hindi niya ako pinansin kaya nanahimik nalang ako. Baka kasi mas lalo siyang magalit pag kinulit ko pa siya. Hindi niya ako hinatid sa bahay at dumiretso lang kami papunta sa condo niya. Ganito naman lagi ang set-up naming dalawa eh. Hindi niya ako papauwiin hangga't magkaaway kami at may samaan ng loob.

Nauna akong pumasok ng elevator sa kanya at nakakaramdam ako ng ilang dahil kaming dalawa lang ang nasa elevator tapo di pa kami nag-uusap. Hindi ako sanay na ganito kaming dalawa.

"Van..." tawag ko sa kanya nang nauna siyang pumasok ng unit niya at dumiretso sa kwarto niya

Napabuntong-hininga nalang ako sa inasal niya. Nagtungo ako sa kwarto ko na nandito sa condo niya at nagpalit ng damit. May kwarto ako dito dahil madalas kaming nandito ni Adonis pag nag-aaway sila nanay at tatay. Ayokong lumaki siya sa ganoong pamilya kaya inilalayo ko siya sa environment na ganun.

Nagtungo ako sa kwarto ni Van at kumatok ng tatlong beses pero walang sumasagot. Kumatok ulit ako pero wala pa ring sumasagot. Pinihit ko ang seradura ng pinto at pumasok sa kwarto niya. Naabutan ko itong nakadapa sa kama habang walang pang-itaas na damit. Ilang beses ko ba siyang pagsasabihan na magdamit tuwing natutulog lalo na at bukas ang aircon?

Naupo ako sa tabi niya at hinaplos ang buhok niya. Halatang pagod siya. Exam week nanaman kasi kaya siguradong pagod siya tulad ko. Lahat ng college students petiks lang pag regular days pero pag Exam Week na o Hell Week kung tawagin, palakihan na ng eyebags ang mga estudyante lalo na pag graduating ka at kailangan mong gumawa ng thesis at ilang paper works.

"Xandra...." paos na sabi niya nang maalimpungatan siya at makita ako sa tabi niya na nakaupo

"Gutom ka na ba? Maghahanda ako ng pagkain." masuyong sabi ko sa kanya

Taming My Monster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon