Zea's POVApat na salita. Apat na salitang nagpamanhid sa buong pagkatao ko. Salitang kailanman hindi ko hinangad na marinig kanino man.
Tulala lang ako habang nagbiyabiyahe kami at walang tigil sa pagtulo ang luha ko. Hindi ko alam kung totoo ang sinabi ni Mikaela pero umaasa ako na hindi totoo iyon. Na nagbibiro lang siya at pinagtritripan nila akong dalawa.
Napatakip ako ng mukha ko gamit ang palad ko at napahagulgol nang maalala ko yung yakap at halik na ginawa ni Adonis bago siya umalis. Sana pala hindi ko na siya sinungitan kanina. Sana hindi ko nalang siya pinaalis kanina noong nasa opisina ako.
"Hush now, wife. Please. Nasasaktan ako pag nakikita kang ganyan."
Binaon ko ang mukha ko sa dibdib ni Van habang umiiyak. Hindi ko mapigilan na umiyak lalo na nang sabihin ni Mikaela na--- na wala na ang kapatid ko.
Inalalayan niya akong bumaba ng kotse nang medyo kumalma na ako. Hindi pa alam ni nanay ang nangyari at hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya.
"M-Mikaela..." tawag ko sa kanya nang makita ko siyang may kausap na doktor
"Hindi pa patay si Adonis! Hindi! Hindi siya pwedeng mamatay! Hindi pwede!" sumisigaw na sabi niya habang umiiyak
Nasasaktan ako para sa kanya at sa pagkawala ng kapatid ko. Wala na ba talaga siya?
"Ate Zea! Hindi pa naman tayo iiwan ni Adonis, diba? Hindi niya ako iiwan, Ate! Magsosorry pa nga siya eh kasi inaway niya ako kagabi!" umiiyak na sumbong ni Mikaela
Hinila ko siya at niyakap ng mahigpit. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobrang sakit na.
"Kamag-anak ho ba kayo ng paseyente?" tanong ng doktor na kausap ni Mikaela kanina
"Kapatid po siya ng asawa ko. Kumusta po ang lagay niya?" seryosong tanong ni Van
"I'm sorry, Sir. Tulad ng sinabi ko sa dalaga kanina, ginawa namin ang lahat." malungkot na sabi niya
"Kung ginawa niyo lahat edi sana buhay ang boyfriend ko!" umiiyak na sabi ni Mikaela
Gusto ko ring magwala pero pinilit kong maging matatag para kay Mikaela dahil ako nalang ang masasandalan niya ngayon.
"Boyfriend mo ang pasyente, miss?" kunot noong tanong ng doktor
"Hindi ba halata?! Mukha bang anak niya ako?! Ha?!" singhal sa kanya ni Mikaela
"Miss, nagkamali ata kayo dahil nasa mid-30's ang nasa loob na pasyente." nagtatakang sabi ng doktor
"Hindi ako pwedeng magkamali! Kaya nga nandito ako sa harap ng OR para makita siya eh!" sabi nanaman ni Mikaela
"Miss, sa kabila po yung OR. Nasa ER po kayo." mahinahon na sabi ng doktor
Nagkatinginan kaming tatlo at napatigil sa pag-iyak si Mikaela, ganun din ako. Napatingin ako kay Mikaela na nakaawang ang labi na nakatingin sa sign ng EMERGENCY ROOM.
"Lakihan niyo kasi yang sign dyan! Ate, punta na tayo sa may Operating Room. Pasensya na ate. Nataranta kasi ako kanina." sabi ni Mikaela
Sabay kaming nagpunta sa OR at sakto naman na may lumabas na doktor mula sa loob. Mukhang hinahanap kung sino ang kamag-anak ng pasyente.
"Doc! Si Adonis Montemayor po ba yung nasa loob?" tanong ko sa doktor
"Yes, ma'am. Kamag-anak ho ba kayo ng pasyente?"
BINABASA MO ANG
Taming My Monster Boss
General Fiction"You know me very well, Alexandra. I can shoot you anytime I want. I can kill you with my bare hands. I don't need to hire anyone. But I didn't kill you because I want you to feel the agony I felt before." -Enrique Van Lewis "You are the CEO but I c...