Hindi ko kailanman naisip na maglalakad ako papunta sa altar dahil para sakin sapat na sakin na kasal kami ni Van kahit hindi ako nakapaglakad sa aisle. Pero siguro tama sila, mararamdaman mo ang totoong kahulagan ng salitang kasal kapag nag-lalakad ka papunta sa taong mahal mo.
Pasimple kong nilibot ang paningin ko sa mga bisita namin. Napangiti ako nang masulyapan ko ang anak naming si Azalea na buhat ni mommy.
Mag-tatlong buwan mula nang manganak ako at eksaktong isang taon na mula nang magpropose sakin si Van. Hindi ko alam na inayos na niya pala ang kasal namin nang makalabas ako sa hospital kaya pala kung ano-ano ang pinapatikim niya sakin na pagkain.
Hindi mapigilan na makadama ng lungkot nang maalala ko si tatay. Siya sana ang kasama kong naglalakad ngayon kung hindi lang siya gumawa ng ganoong bagay. At sana nakaattend siya sa kasal namin ni Van kung sumuko siya sa pulis noon.
Inalis ko sa isip ko ang mga alaalang iyon dahil kailangang maging masaya ako sa espesyal na araw na ito. Nakangiti ako habang papalapit sa taong mahal ko na nagpupunas ng mata niya habang nakangiti rin sakin. Pinunasan ko ang basang pisngi ko at sinulyapan si Adonis.
Namumula ang mata nito habang nakatingin sa harapan ng nilalakaran namin.
"Ate, wag ka na kayang magpakasal." mahinang sabi nito na tingin ko ako lang ang nakarinig
Mahina akong natawa sa sinabi niya. Kagabi pa niya ako kinukulit na wag na daw kaming magpakasal ni Van dahil kasal naman na daw kami.
Ngiting-ngiti si Van nang makarating kami sa tabi niya. Nag-manly hug sila ni Adonis. Bumaling sakin si Adonis at niyakap ako ng mahigpit.
"Thank you sa lahat. I love you, Ate. To the moon and back." malambing na sabi niya
Hindi ko mapigilan na umiyak sa sinabi niya. Niyakap ko siya pabalik pero agad din kaming naghiwalay. Natatawa ito habang pinupunasan niya ang luha niyang tumulo.
"Kuya, alagaan mo si Ate ah. Kundi babawiin ko siya at hindi ko na siya ibabalik." pagbibiro nito kay Van
"Makakaasa ka, Adonis." nakangiting sabi rin ni Van
Hinawakan na ako sa kamay ni Van at inalalayan ako papunta sa upuan namin. Nag-umpisa na ang kasal namin ni Van at ramdam ko ang titig niya sakin.
Hindi ko mapigilang maalala yung araw na nagkakilala kami ni Van. It was my first day in their university. Transferee ako noon at second year college na kaming pareho.
"Excuse me! Kuyang nakaputi!" sigaw ko nang makita ko ang isang estudyante. Siya kasi ang unang nakita ko na mukhang matino.
"Kuyang nakaputi!" sigaw ko ulit nang hindi niya ako pansinin
Binilisan ko ang takbo at hinarang siya. Mukhang nagulat pa siya nang makita ako at harangin siya.
"What do you need?" masungit na tanong nito
Ay. Sayang. Gwapo pa naman kaso masungit.
"Kanina pa kita tinatawag." reklamo ko sa kanya
"Hindi ko narinig." masungit ulit na sabi nito
"Sumisigaw na nga ako eh. Sabi ko pa nga, 'Kuyang nakaputi' para marinig mo."
"Miss, lahat dito nakaputi dahil nasa nursing building ka." inis na sabi nito
"Nursing building? Sorry. Di ko alam eh. Transferee kasi ako. Tatanungin ko lang kung saan itong room na ito." sabi ko sa kanya sabay labas ng COR (schedule) ko
BINABASA MO ANG
Taming My Monster Boss
General Fiction"You know me very well, Alexandra. I can shoot you anytime I want. I can kill you with my bare hands. I don't need to hire anyone. But I didn't kill you because I want you to feel the agony I felt before." -Enrique Van Lewis "You are the CEO but I c...