Hindi pa masyadong nagsink in sa utak ko ang mga nalaman ko. Hindi ko matanggap na may ganoong pinagdaanan ang asawa ko. Asawa ko. Parang kailan lang nang hilain ko siya at sapilitang ikasal sakin dahil hindi ako makapaghintay.Buntis siya nang iwan ko siya. Kung hindi ako umalis noon at hinintay ang pag-uwi niya sa condo hindi mangyayari ito. Hindi sana nawala ang anak namin.
Isa pa sa inaalala ko ang kapatid ko na ipapakasal sa anak ni Tito Michael. Napapayag din nila ako sa huli dahil buo na ang desisyon ni daddy. Pero nagtaka ako nang hindi pumayag si Scarlett at para siyang linta kung makakapit sa lalaking co-model niya na kaibigan niya rin.
Nananariwa pa rin sakin ang nalaman ko tungkol sa asawa ko kaya mainit ang ulo ko. Nakadagdag pa sa init ng ulo ko ang sinabi ni Scarlett.
Ang mga katagang inabangan kong lumabas sa bibig noon ni Alexandra. I'm pregnant.
Labis kaming nag-alala sa kanya nang dalhin namin siya sa hospital at pare-pareho kaming natataranta. Mabuti nalang okay lang siya at ang pamangkin ko.
"Enrique, may problema ka ba?" masuyong tanong sakin ni mommy
Naupo ito sa tabi ko at hinaplos ang likod ko. Nakaupo ako sa labas ng kwarto ni Scarlett.
"Mom, I'm married." mahinang sabi ko
Nanlaki ang mata nito at tinignan ang mukha ko kung may bakas ng pagbibiro.
"W-What?" gulat na tanong nito
"Kasal kami ni Zea Alexandra. Kinasal kami 3 years ago."
Napatakip si mommy sa bibig niya at naiiyak na tinignan ako.
"H-Hindi ko alam ang totoong kwento at kung anong rason ng paghihiwalay niyo Enrique pero sana maging responsable ka. Asawa mo pa rin siya." bilin sakin ni mommy
Hindi ako umimik at nanatili akong nakatingin sa sahig. Tumulo ang luha ko nang maramdaman ko ang yakap ni mommy. Ito ang kailangan ko ngayon, yakap ng isang ina.
I'm cold and heartless. I know that. Pero sa industriyang ginagalawan ko, kailangan kong maging pusong bato para hindi ka nila malinlang at matakot sila na banggain ka. Pero malambot ang puso ko pag pamilya na ang pinag-uusapan.
"Mag-usap kayo ng daddy mo, okay? Alam kong matutulungan ka niya." masuying sabi ni mommy at pinunasan ang pisngi ko
Tumango ako sa kanya at gaya ng sabi niya, kakausapin ko si dad. Gabi na nang mapagpasyahan kong kausapin si dad. Nagtungo ako sa office niya na nasa bahay at naabutan siyang seryosong nakatingin sa bintana.
"Saan ba ako nagkulang Enrique?" mahinang tanong nito nang mapansin ang pagpasok ko
"Hindi ka nagkulang dad. Hindi mo lang talaga hawak ang puso at isip ni Scarlett." sagot ko kay dad at naupo sa couch
Humarap siya sakin at seryoso akong tinignan.
"Hindi ko rin hawak ang puso't isip mo, Enrique. Nasa tamang edad ka na rin pero hindi ko maintindihan kung bakit humantong sa hiwalayan ang relasyon niyo ni Zea. Ayokong manghimasok sa relasyon niyo kaya nanahimik ako pero sa nakikita kong itsura mo ngayon, alam kong may malaki kayong problema." seryosong sabi nito
Kinuha ko ang isang malinis na baso sa mesa at sinalinan ng brandy. Nilagok ko ito at sinalinan ulit.
"May anak kami dad." seryosong sabi ko
Nagulat ito sa sinabi ko pero nanatili siyang tahimik. Ito minsan ang ayaw ko kay dad eh, yung pagiging kalmado niya.
"Nasaan ang apo ko?" nakakunot noong tanong nito
BINABASA MO ANG
Taming My Monster Boss
General Fiction"You know me very well, Alexandra. I can shoot you anytime I want. I can kill you with my bare hands. I don't need to hire anyone. But I didn't kill you because I want you to feel the agony I felt before." -Enrique Van Lewis "You are the CEO but I c...