Chapter 32

95.4K 2.1K 170
                                    


Zea's POV

Mag-iisang linggo na kami dito sa hospital at naging maayos na ang vital signs ni Adonis sabi ng doktor. Isang linggo ko na rin mula nang malaman ko na kapatid ko pala si Cara. Napakasama talaga nilang dalawa para saktan si Cara.

Nakadalaw na rin si nanay sa hospital at madalas dito siya natutulog lalo na pag kailangan naming pumasok ni Van sa opisina. Technically, secretary pa rin niya ako.

At kasalukuyan kaming nag-aaway dahil sa punyetang bagong secretary niya. Kumuha siya ng bago para daw mabawasan ang trabaho ko. Shit lang. Nagegets niyo ba ako? Ayoko ng may iba siyang secretary lalo na pag BABAE! Hindi lang basta BABAE! BABAENG PUGITA NA MALANDI!

"Fire her." madiin na sabi ko

"Alexandra, she's my secretary." seryosong sabi niya

"Dati naman lagi kang nagpapalit ng secretary ah! I am still your secretary!" inis na sabi ko sa kanya

"Listen Alexandra. Alam kong busy ak kay Adonis at busy din ako sa kompanya at sa imbistigasyon na hanggang ngayon wala pang pinapatunguhan dahil nagkukulang sa ebidensya." naiinis na sabi niya

Kita niyo na! Siya pa ang naiinis sakin samantalang siya ang may kasalanan!

"Tangina naman Van! Pwede namang lalaki ang kunin mo bilang secretary mo!" pagpipilit ko pa rin dahil ayoko talaga sa babaeng iyon, MALANDI

Napahilot siya sa sentido niya na parang sumasakit na ang ulo niya sakin. Siya pa ang sumasakit ang ulo, eh ako nga ang napeperwisyo dahil dyan sa secretary niyang higad!

"Your language Alexandra." nagbabantang sabi niya

Kinunutan ko siya ng noo at humalukipkip sa harap niya. Naiirita talaga ako sa kanya!

"Ano nanamang problema mo?!" inis na tanong ko

Pati pananalita ko sinisita niya. Lahat anlang napapansin niya.

"Alexandra, magpalamig ka muna ng ulo. Please. I have a lot of works to do." nakukunsuming sabi niya

Sinasabi ba niya na distraction ako sa trabaho niya? Na nakakaabala ako sa kanya?!

"So nakakaabala pala ako sa TRABAHO mo? Hiyang hiya naman ako!" mataray na sabi ko

Bumuntong-hininga siya at tinignan ako ng seryoso.

"Alexandra, that's not what I meant. Why are you so mad at me?" seryosong tanong niya pero halata sa boses niya ang pagtataka

Hindi ko sinagot ang tanong niya nang may mapansin ako sa kanya na mas lalong ikanainis ko.

"You're not calling me 'Witch' anymore!" inis na sabi ko sa kanya

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at kitang-kita ko kung paano unti-unting nauubos ang pasensya niya.

"Last time I called you 'Witch', you yelled at me and didn't talk to me all day. Please Alexandra. Ayokong mag-away tayo. Umuwi ka na muna." nagtitimping sabi niya

Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya at naiiyak na tinignan siya. Pinapauwi nanaman niya ako!

"Ayaw mong mag-away tayo? Inaaway mo na nga ako eh! T-Tapos pinapauwi mo pa ako!" naiiyak na sumbat ko sa kanya

Lumambot ang ekspresyon niya nang makita na naiiyak na ako at marahas siyang napabuga ng hangin.

"Don't misunderstood the words I said--"

"Sinasabi mo bang hindi ako makaintindi?! Ha?! Yun naman ang pinupunto mo eh! Bakit hindi mo nalang diretsuhin?!" galit na sabi ko sa kanya

Napasabunot siya sa buhok niya sa inis at napahilamos ng mukha kaya mas naiyak ako. Galit nanaman siya sakin!

Taming My Monster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon