Author's Note: I do not own the photos. Credits to the rightful owner. Thanks kay google. Hahahahaha.
Zea's POV
Kinuha ko ang ballpen at planner ko nang tawagin ako ng boss ko. Pagkapasok ko ay sumalubong agad sakin ang nakakunot na noo niya. Kailan ba ngingiti ang halimaw ba to? Hmp.
Ang mahal ng ngiti niya at para malaman niya wala akong interes na bilhin ang ngiti niya. Duh. Diyosa kaya ako.
Ang mga diyosa na katulad ko ay binibigyan ng libreng ngiti. Sobrang gwapo niya naman ata para hindi ako bigyan ng libreng ngiti. Sabagay. Gwapo naman siya at hot. Pero hindi pa rin rason iyon para hindi niya ako ngitian. Nasaan ang hustisya?!
"Are you even listening to me, Ms. Montemayor?"
Gulat na napatingin ako sa boss kong mukhang halimaw--este ugaling halimaw.
"Ha?" lutang na tanong ko
"Are you listening to me? Kanina pa ako nagsasalita dito para sa iseset mong appointment!" inis na sabi nito
"Nakikinig kaya ako!" depensa ko at tinignan ang blangkong planner ko
"Then what is the last word I said?" malamig na tanong nito
"Last word, Sir? 'SAID' ang last word na sinabi niyo." nakangiting sabi ko
Mas lalong kumunot ang noo nito sakin at parang kulang nalang ay patayin ako sa tingin.
"I'm not joking around, Ms. Montemayor." matigas na sabi nito
"May sinabi ba akong nagjojoke kayo, Sir? Wala naman diba?" pilosopong sabi ko
"Wag mo akong pinipilosopo." matigas pa rin na sabi nito
"I didn't do anything! Nagsasabi lang ako ng totoo." inosenteng sabi ko
Umigting ang paa nito at kita kong naiinis na talaga siya. Awww. Nagagalit na ang pet kong lion. So adorable.
"Out now." mariin na sabi nito
"Pinapasok niyo ako dito tapos papalabasin niyo ako, Sir? Nagsayang pa ako ng effort!" sabi ko rito
Totoo naman eh. Sinayang ko yung effort ko na maglakad at pinagod ko pa ang paa ko. Hays. Kawawa naman ang slender legs ko at ang uber soft na feet ko.
"OUT!" bulyaw nito
"Tangina naman. Hindi mo kailangan sumigaw! Kala mo sakin? Bingi? Ha? Mukha ba akong bingi?! Mukha lang akong dyosa! Nakakainis ka! Tsaka wag kang sumigaw! Laway mo tumatalsik!" inis na asik ko sa kanya
Tumalikod ako sa kanya at lumabas na sa opisina niya. Kung ayaw niya akong makita edi wag! Duh. As if naman gusto siyang makita ng mga mapupungay na mata ko.
Nakakainis talaga siya minsan. Nagsasabi lang naman ako ng totoo kanina. Pero yung part na tumalsik laway niya syempre joke lang yu. Ginagalit ko lang siya lalo. Haha
Zea- 2 points
Enrique- Bokya pa rin!Isang oras nalang ay pwede na akong umuwi kaya nag-ayos na ako ng gamit ko. Tinapos ko agad ang ilang trabaho ko at nagtungo kay Julie.
"Sabay na tayong lumabas." yaya ko sa kanya
"Sige. Saglit lang."
Inayos nito ang gamit niya at tumayo agad. Habang pasakay kami ng elevator ay nagkwekwento siya.
"Ang ganda talaga sa Amaranth, Zea! Tara punta tayo dun mamaya!" masayang sabi nito
Kanina pa niya kinekwento ang Amaranth na yan. Bagong bukas na bar yung Amaranth at pang-mamayaman talaga. Maganda raw doon dahil nagpunta sila dun nung ilang kaibigan niya noong nakaraan.
BINABASA MO ANG
Taming My Monster Boss
General Fiction"You know me very well, Alexandra. I can shoot you anytime I want. I can kill you with my bare hands. I don't need to hire anyone. But I didn't kill you because I want you to feel the agony I felt before." -Enrique Van Lewis "You are the CEO but I c...