Chapter 1

180K 3.4K 372
                                    

(Zea on the side. I don't own the picture. Got it from google! Haha)

Zea's POV

Napairap akong muli nang maisip ko na ang magiging bagong amo ko kung sakali ay mas grabe ang ugali kaysa sa dati. Wala akong mahanap na trabaho at dito lang palagi ang may vacancy lalo na sa pagiging secretary dahil ang kanilang boss ay halimaw.

Halimaw sa kagwapuhan. Halimaw sa kamachohan. Halimaw sa kapangyarihan. Halimaw sa katalinuhan. Halimaw sa kayamanan. At higit sa lahat, halimaw sa kama--este halimaw sa ugali.

Malamang na kilala ko siya at kilala siya ng lahat lalo na ng mga kababaihan na nabibighani sa pagiging halimaw niya. Pero ayon sa iba, napakalambing daw nito sa nag-iisa niyang kapatid. Hay. Bahala na dyan.

Malaki rin ang sahod dito kaya gusto ko talagang mag-apply.

"Ate! Hindi ka pa ba magbibihis? Ngayon ang interview mo diba?"

Tinignan ko ng masama si Adonis dahil pinaalala nanaman niya ang interview na yan. Nagdadabog na umakyat ako sa taas para magbihis.

Kung dati ay plain ko manamit, ngayon, hindi na. Sinigurado ko na lahat ng isusuot ko ay nagmumukha akong sexy at sopistikada. Huh! Ipapakita ko sa hayop na yun kung gaano ako kaganda at pinagtaksilan pa niya ako.

Ang lakas ng loob ng hayop na yun. Tss.

Tinali ko ng mataas ang buhok ko at napangiti ako nang makita ang repleksyon ko sa salamin. May igaganda pa pala ako.

Duh. Wala pa akong make up niyan. Polbo at lipgloss lang.

"Hoy! Alis na ako!" paalam ko sa kapatid ko

"Sige, ate. Ako na bahala kay nanay at dito sa gawaing bahay."

Tumango ako sa kanya at humalik muna ito sa pisngi ko bago ako umalis ng bahay. Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive patungo sa Lewis Incorporation.

Pinilit kong kalimutan ang nangyari samin ni Aidan dahil mas importante na makahanap ako ng trabaho. At isa pa, a guy like him is not worth my tears.

Huminga ako ng malalim bago ako bumaba sa kotse ko. Pagkababa ko ng kotse ay napansin ko ang lalaki na medyo malapit sakin. Nakatitig ito sakin habang naglalakad ako sa direksyon niya.

Madadaanan ko talaga yun dahil nasa likuran niya yung elevator. Gwapo siya at mukhang mabait pero di dapat magtiwala sa mga mukhang ganyan.

"Stop staring. It's rude. I know I'm pretty." sabi ko at inirapan ito

Narinig ko itong tumawa kaya nilingon ko siyang muli at tinaasan ng kilay.

"What?!" inis na tanong ko

"Miss, yung zipper kasi ng palda mo nasa harap. Diba nasa likod yan dapat?" natatawang sabi nito

Nanlaki ang mata ko at tinignan ang palda ko. Nalihis na pala ito kaya napunta sa harap ang zipper.

"Hindi mo ba alam? Ito ang bagong style ngayon. You know, fashion." mabilis na depensa ko

Mabilis na inayos ko ito at tumalikod na ng tuluyan.

Pahiya kaya ako. Tsk.

Iniwan ko nalang siya doon at nagpunta na ako sa kung saan ako dapat pupunta. Napalingon ako sa paligid nang makababa ako sa elevator. Hindi ko kasi alam kung saan yun.

"Miss, saan yung interview para sa nag-a-apply na secretary?" tanong ko sa babae na nakita ko

Tumingin ito sakin at bahagyang tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Mag-a-apply kang secretary ni Sir Enrique?" tanong nito

Pinigilan ko ang sarili kong mapairap pero hindi ko napigilan ang bibig kong magsalita.

"Hindi. Mag-a-apply akong janitress. Kakasabi ko lang diba? Secretary nga. Bingi ka ba, Miss?" inis na tanong ko rito

"Anong sabi mo?!" inis na sabi nito

"Bingi nga." sabi ko at napairap nalang

Ano bang problema ng mga to at nakatingin sila sakin? Alam kong maganda ako pero hindi na nakalihis sa harapan ang zipper ng palda ko.

May nakita akong babae na mukhang may interview rin kaya sumunod nalang ako sa kanya. Buti nalang at tama ang sinundan ko.

Nasa pito kami na ma-iinterview at ang masasabi ko lang, kinulang sila sa tela. Yung mukha nila makakapal ang make-up. May ilan naman na desente na tignan pero maikli ang palda nila at nakabukas ang butones ng blouse nila.

Hindi na ako magtataka na ganyan sila manamit. Gwapo naman talaga ang Enrique Van Lewis na iyon.

Naupo ako ng tahimik at hinintay na matawag ang pangalan ko.

"Montemayor, Zea Alexandra." tawag ng babae sa pangalan ko

Huminga ako ng malalim bago tumayo at magtungo sa isang opisina. Hindi ko alam kung sino ang mag-iinterview samin. Sana hindi si Mr. Enrique.

"Good morning Ms. Montemayor." bati sakin ng isang lalaki sa loob

Nanlaki ang mata ko nang makilala ang lalaking iyon. Ang daddy ni Mr. Enrique.

"G-Good morning po." bati ko

"Hija, maupo ka. How are you?" tanong nito

"Ayos lang po, Mr. Lewis." sabi ko pagkaupo ko

"So let's talk about business. What happened on your last job?" tanong nito

"They fired me. Lagi po kasi akong nalelate sa trabaho this past few days. Nagkasakit kasi yung kapatid at yung nanay ko naman po nagmild heart attack. Pero pinapangako ko po na hindi na iyon mangyayari." sagot ko

"To tell you honestly, ikaw lang ang qualified na maging secretary ni Enrique dahil yung mga naunang nainterview ko, alam ko na ang habol nila ay anak ko. Lagi rin siyang nagpapalit ng sekretarya at hindi ko na alam ang gagawin sa kanya."

"Hired na po ako?" tanong ko sa kanya

"Bakit kita ihahire Ms. Montemayor? Give me a valid reason."

Naupo ako ng maayos at mabilis na nag-isip sa sinabi niya.

"Kasi Sir sinisiguro ko po na hindi ko susukuan ang anak niyo. Malaki pong tulong sakin kung magiging sekretarya niya ako at hindi ko alam kung saan ako pupulutin pag sinisante niya ako o pag nagresign ako. May paninindigan din po ako Sir. Gagawin ko po ang lahat para manatiling sekretarya niya."

"Sigurado ka Ms. Montemayor?"

"Oo naman po!" sabi ko sabay lunok

"Kung ganoon magkasundo tayo. Baguhin mo ang anak ko. Hindi ka niya masisisante dahil ako lang may karapatan na sisantehin ka. Hindi ka rin pwedeng basta nalang mag-resign."

Napaisip ako sa sinabi niya. Baguhin ang anak niya? Magagawa ko kaya?

Magagawa ko kayang baguhin ang lalaking iyon? Ang lalaki na bumago rin sa akin? Ang lalaking aking unang minahal? Ang lalaking--echos lang! Hahaha

Para naman kila nanay ito. Ayokong mawala sakin si nanay dahil baka hindi ko iyon kayanin. Wala na ang tatay at sila nalang ni Adonis ang meron ako.

"Makakaasa po kayo Sir. Ako na po ang bahala sa anak niyo. Isisiksik ko po siya sa muscle ko." sabi ko sabay pakita ng muscle ko

Natawa naman ito sa ginawa ko.

"It's settled then. Bukas ka na mag-uumpisa. Ikaw na ang bahala sa kanya."

"Makakaasa po kayo." nakangiting sabi ko

This is it. I will be the secretary of Mr. Enrique Van Lewis.

***********************

I hope you like this story guys. I'll be gone for awhile but I will post the next chapter next week, I guess.

Love you all :-*

-LadyCode

Taming My Monster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon