Chapter 35

103K 2K 142
                                    


Zea's POV

Naiinis nanaman ako kay Van dahil umalis nanaman siya. Lagi nalang siyang umaalis at laging may inaasikaso. Bukas makakalabas na ng ospital si Adonis at maayos na rin ang lagay niya. Ngayon ang last therapy niya kaya okay na okay na siya pero wala pa rin siyang natatandaan. Pati ang aksidente na nangyari sa kanya ay hindi niya maalala.

Wala namang pagbabago sa kanya bukod sa nagsusungit siya kay Mikaela pero minsan naman pag uuwi na ito, ang dami ng masakit sa kanya at ang dami na niyang reklamo.

Sa nakalipas na mga araw maraming nagbago, tulad nalang ng pagsabi sakin ni Jaxon na kasal na siya at ang asawa niya ay si Reina. Remember her? Yung babysitter ni Devon. Pero sinabi niya na wag ko munang ipaalam sa iba. Nainis ako sa kanya dahil sinabi niya sakin ang rason ng pagpapakasal niya but it's his life, anyway. Binalaan ko lang siya na wag niyang sasaktan si Reina. She's still young, innocent and she's so kind.

May kumatok sa pinto kaya sabay kaming napatingin doon nila nanay, Mikaela at Adonis.

"Ako na magbubukas, anak." sabi ni nanay nang tumayo ako para pagbuksan sana ng pinto ang kumatok

Tumango nalang ako kay nanay at pinagpatuloy ang paghaplos ng tiyan ko. May maliit na akong baby bump kaya gustong-gusto kong hinahaplos ito.

"Anak, si Aidan..." Napaangat ako ng ulo sa sinabi ni nanay at nakita sa likuran niya si Aidan. Nagulat ako sa biglang pagsulpot niya dahil ilang buwan ko rin siyang hindi nakita.

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko

"I just want to visit Adonis. At gusto ko sanang makausap ka kahit sandali lang." sinserong sabi nito

Pumayag nalang ako sa sinabi niya. Gusto kong maayos na ang buhay ko lalo na at magkakababy na kami ni Van. Ayoko ng magulong buhay para sa anak namin.

"Sino siya ate?" tanong ni Adonis na nasa tabi ko na pala at nakaakbay sakin

Kumunot ang noo ni Aidan at taka akong tinignan.

"He has amnesia." sabi ko kay Aidan nang makita ko ang pagtataka sa ekspresyon ng mukha nito

"Oh. Musta naman siya?" tanong nito at nilapag sa mesa ang dala niyang prutas

"Ayos na siya at nakapag-therapy na kaya makakalabas na kami bukas." sagot ko rito

Tumango tango naman siya sa sinabi ko. Nagtanong pa siya tungkol sa aksidente na sinagot ko ng makatotohanan. Kalaunan ay niyaya ako nito na mag-usap kami. Oras na ng therapy ni Adonis kaya umalis na sila Mikaela at Adonis pati si nanay para samahan siya.

Saglit kaming natahimik at nagpakiramdaman. Hanggang sa siya na ang bumasag ng katahimikan.

"I'm sorry for everything, Zea." Nagulat ako sa sinabi niya dahil akala ko pipilitin niya na balikan ko siya.

"Yung nakita mo na nakikipagtalik ako sa kotse ko, sinadya ko yun. I planned it." pagpapatuloy nito

Tuluyan na akong humarap sa kanya at nanlalaki ang mata na nakatingin sa kanya.

"W-Why Aidan?" utal na tanong ko sa kanya

Humarap din siya sakin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Namumula ang mata nito tanda na naiiyak na siya. Sinsero ang mata niya na nakatingin sakin.

"I know how much you love Enrique, Zea. Alam kong minahal mo rin ako pero hindi mo ako mahal tulad ng pagmamahal mo sa asawa mo. I've seen you crying while looking at your picture with him a lot of times. Matagal ko ng alam na mahal na mahal mo siya. Hindi ka naglalagay ng password sa cellphone mo kaya nang pakialaman ko yung cellphone mo, nakita ko yung pictures niyo. I can see how much you love him. Naramdaman ko yun nang makita ko ang mga litrato niyo. I can see how happy you are with him. Yung mga ngiti na hinding-hindi ko nakita noonng tayo pa. Ngiti na hindi ko kayang gawin sa'yo." pumipiyok na ang boses nito kaya napahinto siya sa pagsasalita at huminga ng malalim bago nagpatuloy habang ako gulat sa mga naririnig ko mula sa kanya

Taming My Monster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon