Chapter 13

108K 2.2K 128
                                    


Nanatili akong nakatingin sa ceiling habang nakahiga sa kama. Gusto ko ng matulog pero hindi ako makatulog dahil sa sinabi niya kanina.

He's doing it again.

Inaangkin nanaman niya ako. Pinakawalan na niya ako noon kaya wala siyang karapatan na angkinin ako. Pero ayokong ipagkaila sa sarili ko na nakaramdam ako ng tuwa dahil sa sinabi niya kanina.

Naiisip ko rin na paano kung siya ang pinili ko noon at hindi ko siya iniwan noong gabing yun?

May part sakin na nagsisisi na iniwan ko siya pero kung mauulit man iyon, hindi ko babaguhin ang desisyon ko. Kung may pinagsisihan man ako, iyon ay nang mawala sakin ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

Nawala ang naririnig kong lagaslas ng tubig na nagsasabing tapos na siyang maligo. Umayos ako ng higa at naglagay ng unan sa gitna. Malaki naman itong kama kaya ayos lang.

Napapikit ako nang bumukas ang pintuan ng banyo. Ilang sandali pa ay naramdaman kong lumundo ang kama.

"Xandra..."

Napamulat ako dahil sa pagtawag niya sakin. Tinatawag nanaman niya ako sa nickname na binigay niya sa akin noon.

"Let's talk, please."

Mariin akong napapikit. Hindi ko alam kung anong gusto niyang mangyari. Sabi niya gusto niyang maghiganti pero bakit iba ang ikinikilos niya? Ganito ba siya gaganti sakin?

Yung tipong papatayin niya ako emotionally? Yung tipong ipapaalala niya lahat ng nangyari sakin?

Sabi nila, time heals. Pero hindi sa lahat ng panahon, panahon ang gagamot dahil madalas kailangan ng mga sagot.

Alam kong gusto niyang tanungin kung anong nangyari noon. Kung bakit mas pinili ko siyang iwan para sa propesyon ko. Pero maibabalik ba ng mga sagot na yun ang mga mga bagay na tapos na? Maibabalik ba noon ang buhay na nawala?

Maibabalik ba niya ang taong pinanghawakan ko nang piliin niyang sumuko? Sapat na ang tatlong taon para masira ang relasyon na meron kami.

"I just want explanations, Xandra. Pati ba iyon hindi mo maibigay sakin?" halata sa boses nito na nasasaktan siya

Ayokong ipaalam sa kanya dahil alam kong masasaktan din siya. Masasaktan ko siya ulit sa malalaman niya.

"Please Xandra. I just need a damn answers to my questions."

Hindi ko naiwasan ang kumawalang luha sa mata ko. He's begging. Damn.

Nagkakasakitan lang kaming dalawa. Ang nangyari noon ay nasa nakaraan na at hindi na dapat pang balikan.

"You know that I can use my connections to know every single detail, Alexandra. Pero hindi ko ginawa dahil gusto ko ikaw mismo ang magsabi sakin. Dahil kahit anong pag-iimbestiga ang gawin nila, hinding-hindi nila malalaman ang nasa isip at puso mo noon. Ikaw lang ang nakakaalam lahat."

Kinagat ko ang labi ko para mapigil ang hikbi na gustong kumawala sa bibig ko. Gusto kong bumangon at tignan ang itsura niya pero wala akong tiwala sa sarili ko dahil alam kong ipagkakanulo ko nanaman ang sarili ko sa kanya.

Tatlong taon ang nawala samin. I am broken. He is broken.

Magkakasakitan lang kami sa huli.

"Maghihintay ako hanggang sa maging handa ka pero sana wag mong tagalan, dahil baka mainip ako at tuluyan na akong sumuko."

Narinig ko nalang ang pagbukas at pagsarado ng pinto. Tuluyan ko ng pinakawalan ang hikbi ko nang masiguro kong nakalabas na siya.

Napatakip nalang ako sa mukha ko nang maalala ko ang nangyari.

Taming My Monster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon