Enrique's POVShit. Mura ko nang pabalibag na bumukas ang pintuan ng opisina ko na halos masira ito. Tinignan ko kung sino ang salarin at napabuntong-hininga nalang. It's my wife. Yeah. My wife.
Tumayo ako at lalapitan na sana siya nang samaan niya ako ng tingin. Kung nakakamatay lang ang tingin baka kanina pa ako nakabulagta dito.
"HOW DARE YOU! AT TALAGANG PUMASOK KA TALAGA SA OPISINA MO! HINDI MO MAN LANG NAISIP NA BUNTIS AKO!" galit na galit na sigaw nito
Napahilot ako sa sentido ko dahil sa sinabi niya. Kanina sinabi ko sa kanya na sasamahan ko nalang siya sa bahay pero pinilit niya akong pumasok sa opisina. Tapos ngayon na pumasok ako, galit na galit naman siya.
Damn it. She's being unreasonable again. Hindi na talaga ako makapaghintay na makapanganak siya. I just hate her mood swings.
"Wife, I'm sorry. Gusto mo bang umuwi nalang tayo?" mahinahon na tanong ko
Ayoko siyang patulan dahil alam kong dala lang yan ng pagbubuntis niya.
"Ako lang ang uuwi. Ikaw maiiwan dito. Pinapalayas na kita!" matigas na sabi nito
Fuck. I muttered silently. I really love having a child with her pero tingin ko hindi na ako uulit dahil nakakatrauma ang ugali niya.
See? She kicked me out in my own house. Damn it.
"I'm sorry. Ikaw naman kasi---" Okay. Wrong choice of words again Enrique!
"At ako pa ang sinisisi mo?! Ha?!" naiiyak na singhal nito
Nataranta ako nang magsimula na siyang umiyak. Shit. Makakasama sa kanya ang ma-stress.
"Please Alexandra. Calm down. Uuwi na tayo." pagpapakalma ko sa kanya at lumipat pero lumayo lang siya sa akin
"Yung mga damit mo nasa labas na ng bahay!" galit na sabi niya at pinunasan ang luha niya
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. She's not serious, right?
Lalabas na sana siya sa opisina ko nang humarap ulit siya sakin at inihampas sa dibdib ko ang isang folder. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.
"What's this?" takang tanong ko
"Annulment papers." malamig na sabi niya at nagmadaling lumabas ng opisina ko
Tangina. Shit. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at napatitig sa folder na iniwan niya. What the fuck?
Bumalik ako sa upuan ko at nanghihinang nilapag ang folder. She's being impulsive again! I hope she didn't mean it!
Binuksan ko ang folder kahit labag sa loob ko. Napanganga ako nang makita kung ano ang nasa loob.
May isang bond paper at may nakasulat na.
SORRY! I'M BORED, MY HANDSOME OGRE! BUT I STILL HATE YOU FOR LEAVING ME!
P.S. GO HOME AT EXACTLY 7PM OR I'LL BURN YOUR THINGS.
Nanghihina akong napasandal sa swivel chair ko. Akala ko seryoso siya sa pakikipaghiwalay sakin. Magkakatrauma ata ako sa pagbubuntis niya. Araw-araw nalang ata niya akong napapagbuntunan ng mood swings niya.
Napahilot ako sa sentido ko nang maalala ko na may hearing pala tungkol sa kaso nila Nerissa at Vincent. They want my wife to testify as well as Cara pero hindi kami pumayag ni Eugene. Kapwa sila buntis at ayaw namin silang ma-stress sa kaso lalo na't sila ang pinag-iinitan ng Nerissa na iyon.
BINABASA MO ANG
Taming My Monster Boss
General Fiction"You know me very well, Alexandra. I can shoot you anytime I want. I can kill you with my bare hands. I don't need to hire anyone. But I didn't kill you because I want you to feel the agony I felt before." -Enrique Van Lewis "You are the CEO but I c...