Chapter 10

115K 2.3K 106
                                    

LadyCode's Nagmamagandang Note:

Ang mga nakaraan na chapter at susunod pang mga chapter ay may mga salita na hindi naaangkop sa mga batang mambabasa.

Pero dahil pasaway ang ilang bata, okay lang yan. I already warned everyone.

May mga mature content at hindi ko ipaprivate dahil wala na akong time at isa lang iyong hassle para sa ibang readers na gustong basahin ang part na iyon.

Ang mga ayaw makabasa ng bed scenes or mature scenes, skip nalang po ninyo.

~~~~~~~~~~~~~~

Zea's POV

Sinusubukan kong buksan ang pinto pero ayaw niyang bumukas. Kaya ayoko sa kotseng magagara eh!

"Ibaba mo ako! Sisigaw ako ng rape!" banta ko sa kanya

"You can scream whatever you like but I like it more if you scream my name." balewalang sabi nito

"Tangina mo, Van!" inis na sabi

"Shut up and stop swearing." naiiling na sabi nito

"Sisigaw talaga ako ng Rape!" banta ko ulit

"Sige, sumigaw ka para totohanin ko yan." hamon nito sakin

"Kakasuhan kita ng kidnapping at rape!"

"You're not a kid anymore and you can't consider it rape if you like it." bored na sabi nito

Ang yabang nito ah! Hindi ako matanda at isa pa, paano niya nasabing gusto ko? Duh. Ayoko kaya. Over my dead yummy body.

"Edi ladynapped!" asik ko

"Yeah." bored na sabi ulit nito

Sa inis ko ay ginulo ko ang buhok ko at tinignan siya ng masama kahit alam kong hindi niya nakikita dahil nakatuon sa daan ang mata niya.

"Fuck you!"

"When?" nakangising sabi nito

"Asshole!" galit na sabi ko

Mas lumawak ang ngisi nito at mabilis na sumulyap sakin.

"I asked When not Where." manyak na sabi nito

"Pervert!" inis na sabi ko at inirapan siya

Napatitig ako sa kanya nang tumawa siya. Gaano na ba katagal mula nang marinig ko ang tawa niya?

Potek. Gwapo niya.

"You should stop staring at me." nakangising sabi nito

"Duh! Tinititigan ko lang kung gaano ka kapangit. Hihingi sana ako ng kapangitan mo para mabawasan naman ang pagiging dyosa ko. Alam mo na, dyosa problems 101." sabi ko sabay flip ng hair

Aba. Hindi ako papatalo sa kanya no.

Natahimik naman siya at hindi na kami nag-usap ulit. Saan ba ako dadalhin ng freak na 'to? Hindi naman niya ako isasalvage diba? Ayokong mabawasan ang dyosa sa mundong ibabaw.

"Saan mo ba ako dadalhin? Baka hanapin ako ni Adonis at nanay."

Saglit na tumingin siya sakin at agad na binalik ang tingin sa daan.

"Ang tatay mo hindi ka ba hahanapin?" tanong nito

Natahimik ako sa tanong niya. Hindi pala niya alam ang nangyari kay tatay. Hindi ako hahanapin ng lalaking yun at mas mapapanatag ako kung hindi niya talaga ako hahanapin. Ayoko siyang makita dahil maaalala ko lang ang ginawa niya.

Taming My Monster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon