Napatingin ako sa oras at nakita kong lunch na pala. Hindi pa lumalabas sa opisina niya si Van. Tumayo ako at pumasok sa opisina niya. Siya lang naman ang nasa loob kaya ayoko ng kumatok pa.Naabutan ko siyang nagbabasa ng papeles na lagi niyang ginagawa.
"Van, lunch na tayo." yaya ko sa kanya
"Busy ako." tipid na sagot niya habang nakatingin pa rin sa papel na hawak niya
"Sige na." pamimilit ko sa kanya at naupo ako sa mesa niya
"Busy nga ako. Kailangan ko pang tapusin 'to." sagot nanaman niya habang hindi nakatingin sakin
Isang linggo na mula nang magkabalikan kaming dalawa pero hindi pa kami nagsasama sa iisang bubong na tulad ng dati. We're taking things slowly.
"Aalis nalang akong mag-isa!" inis na sabi ko
"Sige. Isama mo yung dalawang bodyguard ko."
Inis na bumaba ako sa mesa niya at lumabas. Binagsak ko pa ang pinto para may effects. Hmp.
Pumunta ako sa table ko at kinuha ang cellphone ko. Napangisi ako nang may maisip ako. Pumasok ulit ako sa opisina ni Van kaya napatingin siya sakin.
"Akala ko umalis---" pinutol ko na yung sasabihin niya
"Nagtext pala yung ex ko." inosenteng sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko
Lihim akong napangisi nang ibagsak niya ang mga papeles na hawak niya at nakatiim bagang na nakatingin sakin.
"What did that bastard say?" inis na tanong nito
"Lunch daw." mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya
Nakagat ko ang labi ko nang ayusin niya ang gamit niya at lumapit sakin.
"Sabihin mo sa kanya kasama mo ang asawa mo. Tss. At sabihin mo wag ka niyang itext." inis na sabi niya
Napangiti ako sa sinabi niya kaya nakakunot noo siyang nakatingin sakin.
"Yun lang pala ang kailangan mong marinig para pumayag kang maglunch kasama ako eh." nakangiting sabi ko
"Tss. Bad-ass. Let's go. Baka magutom ang magiging baby natin."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya habang siya nakangisi na nakatingin sa tiyan ko. Tinakpan ko naman agad ang tiyan ko at inis na hinampas siya.
"Hindi ako buntis!" inis na sabi ko
"Sinabi ko bang buntis ka? Pwede naman kitang buntisin kung hindi ka buntis." nakangising sabi niya
"Manyak!" namumulang sabi ko at nauna nang lumabas ng opisina niya
Nahabol naman niya agad ako at narinig ko ang nakakainis na tawa niya.
"What? That's normal. You're my wife." tumatawang sabi nito
Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumigil siya sa pagtawa. Wag niya akong iniinis ngayon dahil may buwanang dalaw ako.
Sabay kaming lumabas ng private elevator kaya napatingin ang ilang empleyado sa amin. Kasi naman siya lang at mga bodyguards niya ang nakakasakay sa private elevator tapos ngayon kasama ako.
"Mom!" sabi ni Van
Gulat akong napatingin kay Tita na ngayon ay nasa harapan pala namin at nakangiti sa aming dalawa. Napayuko nalang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
"What brought you here?" tanong ni Van at hinapit niya ako sa bewang kaya mas lalo akong nailang
Tumaas ang kilay nito nang makita ang ginawa ni Van.
BINABASA MO ANG
Taming My Monster Boss
General Fiction"You know me very well, Alexandra. I can shoot you anytime I want. I can kill you with my bare hands. I don't need to hire anyone. But I didn't kill you because I want you to feel the agony I felt before." -Enrique Van Lewis "You are the CEO but I c...