Chapter 19

109K 2.4K 119
                                    


Napapikit ako nang hawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako ng mariin sa labi. Hindi ko pala talaga kaya na tuluyan siyang iwan. Tama si Eugene. Ako ang asawa niya kaya mananatili ako sa tabi niya.

"Damn. You scared the hell out of me. I thought I will lose you." mahinang sabi nito at niyakap ako ng mahigpit

Mas lalo akong naiyak sa ginawa niya dahil kahit pilit na pinagtatabuyan ko siya, nandyan pa rin siya para hilain ako pabalik sa kanya. Humiwalay siya sakin at pinunasan ang luha ko. May malaking ngiti siya sa labi habang nakatingin sakin kaya napangiti rin ako.

Kailan ko ba huling nakita ang ngiti niya?

"Thank you, my witch. I'm so happy." ngiting-ngiti na sabi nito at hinalikan ulit ako sa labi

Hindi ko mapigilang mapatawa sa kanya lalo na nang maalala ko ang sinabi niya kanina.

"Saan mo naman natutunan ang mga banat mo kanina?" natatawang sabi ko

"Kay Ethan. Gagong yun. Sabi niya kikiligin ka raw." nakaismid na sabi nito

Hinawakan ko ang pisngi niya at nginitian ko siya. Sa totoo lang, ngayon ko lang siya narinig na bumanat.

"Kinilig ako. Hindi lang halata. Tara?" pagyaya ko sa kanya

"Saan tayo pupunta?" kunot noong tanong nito

"May ipapakilala ako sa'yo." Nakangiting sabi ko at hinila siya palabas ng opisina niya. May mga empleyado na nakatingin samin at sa kamay namin na magkahawak.

Tahimik na nagbiyahe kami papunta sa sementeryo. Naalala ko kasi na hindi pa niya nakita ang puntod ng anak namin. Nakita ko sa mata niya na kinakabahan siya at halata rin ang lungkot doon. Nasa isang private cementry kami dahil dito ko pinalibing ang anak namin. I want the best for him kahit na wala na siya.

"Let's go." yaya ko sa kanya nang nanatili siyang nakaupo at nakatingin sa malayo

Tahimik siyang sumunod sakin hanggang sa makarating kami sa puntod niya. Naupo ako at ganoon din si Van na nanatiling nakatitig sa puntod ng anak namin.

"V-Vaughn Lewis..." basa nito sa nasa lapida at hinaplos ito

Pinunasan niya ang pisngi niya nang may maglandas na luha. Alam ko kung gaano siya kalungkot.

"Son, hey. Daddy is here. I'm sure you're handsome like me." nakangiting sabi nito at mapait na tumawa

Mas lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Alam ko na may kasalanan din ako dahil kung sana ginawa ko ang lahat para ma-contact noon si Van baka hindi nawala samin ang anak namin.

"We will face them and I will make them pay. Fuck them for killing my son." puno ng galit na sabi niya

Hindi ko maiwasan ang kabahan dahil halang ang kaluluwa ng mga iyon at baka may masaktan nanaman. Ayokong may mawala ulit.

"Van, can we just forget it?" malumanay na tanong ko

Umiling siya sakin at tinignan ako sa mata. Kita ko na determinado siya sa gagawin niya.

"No, Alexandra. I will not let them off the hook just like that."

Napabuntong hininga nalang ako dahil alam ko na wala akong magagawa at isa pa, ito rin naman ang gusto ko dati. Ang pagbayaran nila ang ginawa nila sa amin.

Maaga kaming umuwi ni Van at napagdesisyonan namin na wag na munang magsama sa condo dahil ayokong maiwan si nanay. Kakarecover lang niya at sobrang apektado siya sa pagpapakita ng hayop na yun.

Taming My Monster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon