Prologue

126 5 0
                                    

Tyslen's POV

Masarap bang pakinggan ang salitang love? Na may taong nagsasabi na mahal ka? Siguro, ganun naman ang mga sinasabi ng mga tao eh dahil daw mararamdaman mo talaga kung gaano ka kaimportante, kung ano ang dahilan na nabuhay ka pa sa mundo at kung gaano kang iniingatan.

Iniisip ko, madami nga talaga ang meaning ng pag-ibig noh? Kahit icompare mo pa yan sa lahat ng words sa dictionary, hindi mo pa din makukuha ang totoong kahulugan nito. Kahit nga ang isang scientist hindi din makapag-eexplain ang meaning nito na kompleto. Lahat lahat kasi tayo may iba't ibang way sa pagdescribe ng salitang 'love'. Gumagawa pa nga ng mga motto at quotes tungkol dito eh...

Hay, tama na nga yan! Kung ano-ano na tuloy ang pinagsasabi ko. Nahawaan na siguro ako kay Shamae na puro love lng ang lumalabas sa bibig niya. Ewan ko lng . Sa araw-araw na magkasama kami, nasaulo lo na din ang mga ugali nila, haha. Sasabihin ko na din pati yung mga crushes nila, di joke lang. Ang sama ko namang bestfriend kung ipagkakalat ko pa. Kaya mga ugali na lang para malaman niyo kung bakit ko sila kinaibigan, na tinuturing ko na ding aking mga kapatid.

Si Shamae ay isa sa mga bestfriends ko mula nung elementary pa lng kami. Ang tagal noh? May pagkafangirl siya at grabe siya makilig kada nagbabasa siya ng mga love stories. Ah.. siya din ay malambing kung minsan.

Grade 2 ako nung siya ang pinakaunang tao na kusang lumapit sa'kin kaya agad kong tinuring siyang matalik na kaibigan. Nung nasa ikaapat na baitang kami, dito namin nakilala ang dal'wa. Sina Recel at Gabriella.

Si Recel, ang galing yun gumawa ng mga storya, isa siyang anime lover (mahilig sa mga anime), kaya mahilig na din siyang mag-japanese, pero basics lang. Nahahawaan na tuloy ako sa pagiging otaku niya, halos na nga niyang napanood ang lahat ng anime shows eh, haha. Pero hindi naman niya napapabayaan ang pag-aaral niya. Masipag kasi eh.

Si Gabriella naman may pagkaisip bata! Ang kulit! Kaya minsan naiinip na si Shamae at Recel sa kanya pero maliban sakin kasi natutuwa talaga ako. Mahilig siya sa music saka na din parehas sila ni Shamae na may pagkafangirl. Sasabihin kong, palagi siya nagpapa-drawing sa'kin. Magaling daw kasi ako sabi niya. Napangiti ako nung sinabi niya yun.

Meron din kaming mga common. Isa ay yung height, accurate. Mga jokers kapag trip namin, pilosopo saka na din, mga korni. At mabait lang kami sa mga taong mabait sa'min.

Kahit ang lilikot nila-- well, maliban lang siguro kay Recel, masarap pa din silang pakisamahan. Na-eenjoy talaga ako kapag kasama ko sila kasi lahat ng mga isip namin puro happiness, meaning puro biro lang, asar dyan asar dito. Hindi naman sa palagi pero nasa oras.

Kada may pasok kami, palagi na lang akong excited dahil may maasar na naman ako. Kaya kapag umabot sa panahong kami ay maghihiwalay hindi ko maisip kung ano mangyayari sa'kin. Sila lang ang mga taong makakaintindi sa'kin. Sila lang para sa'kin ay kakaiba kumpara sa lahat ng nakilala ko.

The Destiny of One Another (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon