Tyslen's POV
Wag na kayong magtaka kung bakit ganito ako makareact.. at sana wag niyo ng lalo ipalala ang isang bagay kasi sapat na talaga itong ako lang ang gagawa nito, gets?? Gets. Dahil kung sakaling hindi kayo susunod eh baka magkakabingian pa tayo at baka ano pang iba ang...
Di biro lang. Masyado na ata akong paranoid sa mga nangyayari kaya kung ano-ano nang pinagsasabi ko. Huhu bakit kasi ang tagal-tagal mag-ring yung nakakairitang tunog ng bell?! Gusto kong matapos na tong HORROR na to!
Patuloy pa din sa pagpapalakpak ang halos lahat ng mga kaklase ko. Parang wala na ata silang planong ipahinga ang kanilang mga kamay eh, kung hindi lang sila pinatigil ni miss.
"Okay William-- 'W' rather, I think we're quitely satisfied of your unique introduction." Again, pumalakpak naman ang buong klase sabay cheer na parang mga ulol. I mean, seriously? Ang bababaw. "Okay okay.. quiet everyone." Saway niya sa'min pagkatapos ay humarap kay W.
"You can seat beside Ms. Espinosa for now since Ash is absent. We currently are lacking of vacant chairs so if you wouldn't mind sitting there for a while? I'll just inform Ash that you'll be switching sits today when he'll be present later in the afternoon, okay?" -miss sabay ngiti sa kanya. "Oh! I almost forgot.."
Lumundag yung puso ko nang biglang lumingon sakin si miss na parang merong gustong sabihin ng mga mata niya. Ano kaya yun? Tae, nagsisimula na akong kabahan kahit wala pa naman siyang may ginagawa! Pero hindi yun tumagal at iniwas yun. O..kay?
"Since I thought that ms. Espinosa here seems to be capable of handling the job, then I will let you. From now on, sit right beside her okay? Besides, there are still many lessons you'll need to cope up with and gladly, don't hesitate to ask her about it, am I clear?
W-what the what?!
Tama ba 'tong naririnig ko? So ang ibig niyang sabihin, magiging tutor na ako ganun kahit wala naman as in wala naman talaga akong intensyon para pumasok sa-- Hay takte!
Umpisa na rin akong maging hindi kumportable sa puntong 'to. Paano? Paano pa ako mabubuhay ng matagal kung nasa tabi ko pa siya uupo? Pero ang tanong, buhay pa ba ako nun? Waah! Hindi ko talaga alam!
Nagsimula na siya humakbang patungo sa kinaroroonan ko.. Parang naging slow motion ang lahat ng nasa paligid.. at.. unti-unti na rin akong makaramdam ng tinding takot! Pag sinasabi kong tindi, hindi lang sa O.A nga ako o ano dahil totoong ganito talaga ang pakiramdam sa loob-looban ko.
Ang fact na sapat na yung maging kaklase ko siya in the same subject halos masira na ulo ko sa sobrang uneasy, pero ito? ITO??? Magiging kaklase ko plus seatmate ko pa! See? Ang hirap talaga! Bwisit ka Ash! Kung hindi ka lang sana nag-absent! Ugh, kakatayin talaga kita pagbalik mo.
Nakarinig ako ng tunog mula sa isang upuang hinila saka bag na tamad nilagay sa sahig.
Okay, so nandito na siya sa tabi ko.. Nasa tabi ko na siya ngayon. Kalma Tyslen.. Kumalma ka talaga dahil kapag kung ano pang kagagahan ang magagawa mo, sasapakin talaga kit--
"Uy,"
"Ay sapakin kita!" Napatakip ako ng bibig. Basi sa mukha niya ngayon, naguguluhan na ata siya sa'kin. Ugh.. ano ba kasing nasabi ko? Wala na.. Wala na talaga.
"Sasapakin mo ako? Bakit, ano bang nagawa ko?" -siya. Agad na lang akong napaiwas ng tingin mula sa kanya at pilit pinokus ang atensyon sa board. Hindi nagtagal ay nagsalita ulit siya.
"Uy paheram ballpen.. Naubos na kasi yung ink ng sakin bago lang." Ballpen raw? Palibhasa estudyante pero wala naman dalang ballpen? Psh.
Hindi ko lang siya pinansin at nagsulat sa notebook para lang sa hindi niya uli ako kakausapin, nagbabasakaling sa iba lang humiram at atleast may konting respeto man lang siyang nalalaman...
BINABASA MO ANG
The Destiny of One Another (On-going)
RandomApat kaming mag bestfriends sina Shamae, Recel, Gabriella, at ako o tawagin niyo lang Tyslen. Mula noon, palagi na kaming magkasamang apat at puro na lang kasiyahan ang nasa isip namin, malayo-layo na din sa problema at puro na lang tawa. Pero paan...