Chapter 22: Thinking about you

31 3 0
                                    


Recel's POV

"I mean whuuut?!" Napasigaw na lang ako.

"I know right? Haay, mabuti ka pa wala kang pinoproblemahan sa buhay."

"Ano ka ba Len! Wag ka nga diyan mastress! Papangit ka lang eh. Sa totoo lang may problema din ako pero hindi ko lang yun sinasambit sa inyo." Saad ko. Kung kanina ay down na down siya pero nung sinabi kong may problema ako, na-lighten up kaagad? Parang insulto lang eh. Gusto may karamay.

"Talaga? Tungkol yan sa love life mo noh! ikaw Cel ha, unti-unti na atang tumitibok yang puso mo." ngiting aso siya oh!

"Wag ka nga! Hindi ito tungkol sa love thingy what so ever na yan. Tsk.. Never in my life hahanapin ako ng tadhana.." Tumingin ako sa kanya. "Ikaw, lakas mo atang mang-asar ngayon."

Ngumiti siya dahilan na napataas yung kanang kilay ko. "Kasi nandito ka sa teritoryo ko."

"Ay ganun? Porket bahay mo susulitin mo na?"

"Ganun na nga."

"Kaya pala," pagputol ko sa aking sasabihin. Agad siyang napatingin sa'kin na nakakunot noo.

"Kaya pala ano?" Tanong niya.

"Kaya pala pinilit mo akong papuntahin sa bahay para magawa mo yung gusto mo noh." Ngumisi ako, ngumiti lang siya. Ang lakas talaga ng babaeng 'to.

Natahimik kami ng mga ilang segundo. Saglit akong sumulyap sa bintana, hanggang sa nagsalita ako.

"So.. paano na pala? Yung sa inyo. Mapapadalas na yung pagsasama niyong dalawa ni Wi--"

"Hindi." Putol niya. "Kahit nakipagdeal ako sa kanya, hinding-hindi mangyayari ang sinasabi mong alone time together ng Will na yun." Masungit niyang sabi. Hindi ko din siya masisisi. Ang sarap talaga lintikin yung lintik eh.

"Eh paano niyo naman magagawa yung pustahan niyo kapag ayaw mo namang sumama sa kanya?"

"Simple lang. Wag niyo akong pabayaan."

"Ano?" Didikit na lang ako palagi sa kanya, ganun?

"Walang may maghiwalay sa'tin apat. Maliban lang kung sinadya niyo akong iwanan sa lalaking yun. Mapapatay ko talaga kayo kapag 'yun nangyari." Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Kung obserbahan mo naman sa klase, ang tahimik kaya akala ng iba kung sinong mabait. Hay nako, Len. Anong nangyari sa'yo at gusto mong makulong?"

"Makulong? Pa'no nangyari 'yun? Wala pa nga akong may ginagawa eh."

"Oo, wala ka pang ginagawa. Pero parang alam ko na yata kung ano." Tiningnan ko siya ng mariin. Tumawa lang siya.

"Grabeng manghusga 'to. Kahit ganun, mabait naman ako ah. Nakakainis lang kasi yung lalaking yun. Ang laki-laki ng binubuhat ng sako ng pride."

"Bareta?" Napangiti ako pero agad din natanggal nang hampasin niya ako ng kung ano. Teka, libro ba yung tumama sa mukha ko?

"Hoy Len, 'wag ka nga diyang umastang kaya mo na akong ganituhin ah! Ako pa rin 'to!" Saad ko. May awtoridad sa boses.

"Ikaw kasi, imbis na pakalmahin ako maspinalala mo pa yung problema ko eh. O siya, umalis ka na nga."

"Teka, teka. Tama ba yung narinig ko? Ako? Pinapalayas mo? Hoy, bisita mo pa rin ako noh."

"Hehe, hindi naman mabiro 'to."

"Talaga."

At tuloy-tuloy na rin kami ng kuwentuhan. Labas na nga ang aming pinag-uusapan na dapat ang pinoproblema namin ay kung paano gumawa ng paraan tungkol kay Tyslen. Sa totoo lang, mabuti pa kapag ganito para kahit papaano, mapapayapa rin ang pakiramdam niya.

The Destiny of One Another (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon