Kayne's POV"Vae, ano na? Sunduin mo na lang ako?" Tanong ko sa kanya sa kabilang linya.
[Oo. Antay ka lang ng mga 5 minutes.]
"Pwede namang ako na lang yung pumunta diyan eh.. Nagmukha tuloy akong bading -___-"
Narinig kong tumawa siya ng malakas. [Porke't sinusundo ka lang, bading kaagad? Kasalanan mo namang natalo ka sa pustahan natin eh. Tanggapin mo lang kasi na mabilis pa akong magpatakbo ng kotse kaysa sa'yo.]
"Tsk, fine.. Sige, hihintayin na kita." Binaba ko na yung telepono at inayos na ang mga gamit ko para mamaya. Ulol talaga. Hula ko, dinaya lang niya ako sa race naming dal'wa eh. Hindi ki lang masabi dahil alam ko namang tatanggi yun. Isa pa, tinatamad na akong magsalita.
Umupo ako sa mahabang sofa namin. Hindi ako mapakali, ano bang magiging reaksyon niya kapag malaman niyang ngayon na ako papasok?
Surprise ata 'to, hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya eh pero siguro alam naman niya yun.
.
.
10 minutes..
Sabi niya limang minuto lang, pero sampu na eh! Ngayon lang talaga siya nahuli ng mga limang minuto base sa mga hinuha ko.
Dapat ako na lang sabi ang mag-drive eh. Dami pa kasing kalokohang nalalaman yung ugok na yun.
------------------------------------------------------------------------------------------------
Vae's POV
"Ma, nakita mo ba ang isang pares ng sapatos ko?" Tawag ko kay mama habang hinahalungkat ang mga gamit ko.
"Ano Nak?" -mama na galing sa labas at kakapasok pa lang sa kwarto ko. "Anong hinahanap mo diyan? May daga ba sa ilalim ng kama mo?"
"Wala. Hindi ko lang mahanap ang pares nit---aray!" Agad akong napahawak sa ulo ko. Bwisit, nakalimutan ko nga pala sa ilalim pa ako ng kama. Potek, may panibagong bukol na ata ako.
"Ayos ka lang ba?" Hindi pa ako nakakasagot eh niyakap na ako ni mama at hinimas-himas pa yung likod ko. NO!
Dali-dali kong kinuha yung dalawang braso niya at lumayo sa kanya ng konti.
"Ano ba ma, hindi na ako bata." Angal ko. Biglang uminit yung mga pisngi ko. "Nakakahiya eh."
Ngumiti siya ng maamo. "Sus, 'wag ka nang mahiya sa akin. Mama mo ako at ako ang nagpalaki sa'yo hanggang sa naging gwapo ka nang binata. Kaya kahit may mga anak ka na at may mga apo, ikaw pa din ang tinuturing namin ng papa mo na babylove namin." Yayakapin pa sana niya ako ulit pero umisog ako lalo. Yung feeling kasi kakaiba eh.. Nagiging uncomfortable..
"Ma, pwede ba? Tigilan mo na ako sa mga wordings mong 'yan." Reklamo ko.
"Eh totoo naman kasi, Nak.. You're our babylo--"
"Oo na, oo na kaya 'wag mo nang ulitin, okay? Iba na kasi ang nararamdaman ko eh." Nakakahiya kung may ibang tao ang makarinig -__-..
Napasulyap ako sa labas. Bukas naman kasi yung pinto kaya kita ko yung wall clock namin.
At pagkakita ko.. Napasapo ako sa noo.
Papasok pala kami ni Kayne ngayon! 10 minutes na ang nakalipas at huli na ako sa usapan namin. Potek na sapatos kasi yun! Saan-saan na kasi sumusuot.Kaagad akong napatayo. Sinundan ako ng tingin ni mama. "Aalis ka na ba?" Tanong niya.
"Hinahanap ko pa yung isang pares ng sapatos ko, ma." Sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
The Destiny of One Another (On-going)
RandomApat kaming mag bestfriends sina Shamae, Recel, Gabriella, at ako o tawagin niyo lang Tyslen. Mula noon, palagi na kaming magkasamang apat at puro na lang kasiyahan ang nasa isip namin, malayo-layo na din sa problema at puro na lang tawa. Pero paan...