Tyslen's POVTumakbo ako at binagalan din nang malapit na ako sa puwesto namin. Diretso lang ang tingin ko dahil nangangati na ang bibig kong ipagkalat ang epic fail na nagawa ko sa araw na 'to.
Sa sobrang lutang sa pag-iisip sa kahihiyaang aking pinasukan, hindi ko na namalayan na may nakabangga na pala ako.
"Ay, sorry! Sorry! Sandali lang tutulungan kita." Natataranta kong sambit at kaagad yumuko para pulutin ang basong nahulog.
"Hoy babae, kung tumitingin ka sa dinadaanan mo eh di hindi pa sana 'to nangyari! Wala pa naman akong pampalit!"
Ay, ang sungit pala 'to. Pero tinanggap ko na lang dahil karapat dapat ko namang masigawan.
Kinuha niya ang tissue mula sa tray niya at yun ang ginamit niyang pantrapo sa madumi na niyang uniform. Ugh, kasalanan ko 'to.
Hindi na ako nabigyan ng tsansang tulungan siya dahil kaagad siyang umaalis.
Napako ako sa kinatatayuan ko na parang tanga. Pagbalik ko sa wisyo, tumalikod ako at tumungo sa puwesto namin na may dalang mabigat na kasalanan. Bakit ba kasi ako nagkaganito?.
"Uy pare, ano nangyari sa damit mo?"
"Wala, may nakabangga lang ako.. Nga pala, sorry na lang sa juice mo, natapon."
"Natapon? Yan ba yung nasa damit mo?"
"Sinabi mo pa."
"Sayang lang pala pera ko."
"Sus, ang kuripot mo. Simpleng juice lang, pinagsisihan mo na?"
"Bakit ba? Mahal na kaya ang isang piso."
Ito yung mga narinig ko sa lalaking nabanggaan bago pa ako makarating sa aming mesa. So para sa katropa niya pala ang juice na natapon ko. Ugh.
"Tyslen, sa'n ka ba galing? Hindi mo man lang kami tinulungan magbuhat." Tanong ni Gab pagkasulpot ko sa kanila.
"Oo nga." Dagdag ni Shamae.
"Hindi ko na sigurong dapat sabihin yung ginawa ko sa CR di ba?" Sagot ko.
Tumingin ako sa table at nagulat dahil ang daming pagkain! Magkano ba lahat ng to? Ang sobra naman yata manlibre ni Sham.
"Ang bait ng girl na yun kanina."
"Sang-ayon ako sa'yo, Cel. Natanong mo ba kung sino siya?"
"Parehas lang naman tayong nandun, Gab. Alam mo naman yata na walang may nagtanong nun."
"Sabi ko nga."
"Eh sa'min, hindi ka nababaitan?" Pagsasali ni Sham.
"Hindi."
"Oh talaga?"
"Eh ba't tinanong mo pa kung ayaw mo namang maniwala?"
"Kasi hindi naman katotohanan."
"Haha joke lang. Syempre, mababait naman kayo.. sort of. Ang kukulit niyo kasi."
"Babaw mo naman. Ikaw din naman eh, sumasabay sa mga trip namin." sabi ko sabay kuha ng cupcake.
"Nasa mood ako yun."
"Kahit na."
**
Patuloy pa din kami sa pagchichikahan hanggang sa napansin kong konti na lang ang mga tao dito saka ang mga janitors naglilinis na. Huh? Parang 3 minutes pa lang kaming nakaupo dito ah.
"Recel, ano na ba oras?" sabi ko.
"Nagmamadali ka ba Len?"
"Hindi."
BINABASA MO ANG
The Destiny of One Another (On-going)
AléatoireApat kaming mag bestfriends sina Shamae, Recel, Gabriella, at ako o tawagin niyo lang Tyslen. Mula noon, palagi na kaming magkasamang apat at puro na lang kasiyahan ang nasa isip namin, malayo-layo na din sa problema at puro na lang tawa. Pero paan...