Chapter 15: Saviour

12 0 0
                                    

Gabriella's POV

Simula nung napagdesisyonan naming magbarkada ang lumaban which is kahapon, uhmm.. Medyo sumobra.

Ang noong positive, ngayon naging comparative na. Alam niyo yun? Ang dating MASAMA napalitan tuloy ng MASMASAMA.. at si Recel ang siyang nagpasimuno ng lahat. Like nung free time namin sa subject na History, absent kasi yung teacher nun kaya as usual, ang sinusunod namin ay ang batas na 'kapag walang teacher, talk as much as you can..'

Habang nagkukuwentuhan kaming apat about sa anime, alam niyo naman na mahilig si Recel dun, may narinig kaming panibagong chismis tungkol sa'min. Grupo silang mga babae, nakaform sila ng bilog gamit ang mga upuan.

Umuusok si Recel sa galit nung narinig niya ang mga negative talks about sa'min. Inis siyang tumayo mula sa pagkakaupo tapos walang pagdadalawang-isip na lumapit sa grupo na yun.

Nagkatinginan kaming tatlo nina Len at Sham. Hindi alam kung pabayaan na lang siya o pipigilan baka magkaroon pa ng gulo.

Nasa tapat na siya nung grupong hilig mamback stab nang pinili namin na pigilan siya. Ayaw namin na makatanggap si Recel ng penalty mula sa school dahil alam namin na una pa lang, desidido na si Recel na imentain ang grades niya.

Naagapan man namin siya pero ang sakit ng tuhod ko. Sa sobrang pagmamadali ko kasi, hindi nasadyang nasagi ng tuhod ko ang isa sa mga upuang nakahanay. Ang sakit T___T

"Wag niyo na akong pigilan, dapat lang sa kanilang makatikim ng sigaw mula sa'kin! Hindi nila alam kung sino tayo!"

"Recel, hindi naming gusto mag-umpisa ng gulo, okay? Damay-damay naman kasi, Cel. Hindi ka lang nag-iisang pinag-uusapan rito." -Len

"Pero---"

"Ipalipas lang muna natin 'to." -ako

Tiningnan ni Cel si Sham at tumango rin ito. Sumuko na rin siya at umupo sa kung saan kami nakapuwesto kanina.

Teka lang, hindi pa tapos. May karugtong pa pagkatapos nung scene na yun. Ito naman nung lunch time...

Pumipila kami ng canteen dahil ang plano naming magbarkada ay this friday, hindi kami babaon ng lunch kundi bibili lamang sa canteen. So friday ngayon, kaya dito kami tutuloy. Nagbabaon kami dahil ang sikip at mapuno dito.

Si Recel talaga ang nagdecide na kakain kaming canteen this day, umangal ako dahil ayaw ko ng masyadong masikip pero syempre alam niyo na ang ugali ni Cel, napa-oo niya lang ako.

Tapos ngayon, ang grabe lang, kanina pa kami nagtatalunan kung sino ang hahanap ng mauupuan. Eh 'tong tatlo na'to ayaw talaga pumila dahil daw nakakapagod. Bakit, may pumipila bang nakakarelax?

"Ako na lang hahanap tutal mahilig akong kumain ng kalabasa!" -ako

"Ano namang kinalaman ng kalabasa?" -Shamae

"Pampalinaw ng mata."

=____________= >>>silang tatlo

"Oh! Wala namang umangal edi ako na lang! Ayaw niyo pa yun? Pagkatapos na pagkatapos niyong mag-order uupo kaagad kayo. Sure yan!"

=____________= >>>sila pa din tatlo

"O sige, pagbigyan natin. Sinabi mo yan ha? Kung bumaliktad ang sinabi mo... Alam mong mangyayari." Pananakot ni Recel.

"Oo na nga!"

Aalis na sana ako para humanap ng table nang bigla akong hinila ni Tyslen sa'king uniform. Ang amazona talaga nito!

"Teka lang Gab. Bago ka umalis, anong i-oorder mo?" -Tyslen

"Kung ano rin sa inyo." Simpleng sagot ko.

The Destiny of One Another (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon