Chapter 5: New classmate

38 6 1
                                    

Tyslen's POV

*Tock, tock, tock

"Len! Gising na! May pasok ka pa hoy!" Alam kong kay mhe galing yung boses at sa ikasampung beses na niya ako ginigising na hindi ko lang binigyan ng paki at pinokus ang pagyakap ng paborito kong unan. Kahit rinding-rindi na talaga ako sa katok niya ang ginagawa ko lang ay isipin na kunwari ang bawat katok niya ay isang maganda at nakakaantok na music na tumutugtog kaya kahit ganun mapayapa pa din ang pagpikit ng mga mata ko.

Hanggang lang sa..

"HOY BABAE KA! PINAPLANO MO BANG MAG-ABSENT HA?! WAG MO AKONG PAGPILITAN DIYAN KASI MAGANDA YUNG GISING KO AT AYOKONG MAGING DAHILAN LANG ITO SA PAGSIRA NUN! TUMAYO KA NA DIYAN AT TARA NA LUMABAS!"

Bigla na lang akong napabangon ng kama. Bwisit. Anong ibig sabihin ni mhe? Sa kanya lang yung may magandang umaga tapos sa'kin wala? Ano kaya yun?! Tsk.

Ayoko nang ulit pagsigawan ng ganitong kalala kaya bumangon na nga ako. Masmabuti na lang na maghanda kesa ipagpatuloy yung tulog kong sira na din naman.

"Bumabangon na nga oh! Ito na po!" Padabog akong kumuha ng damit sa cabinet. "Haay.. badtrip. Sobrang badtrip talaga ako ngayon."

Pagkatapos kong kunin yung underwears ko, mabilis akong lumabas ng kwarto.

"Aba, aba.. Ano 'tong nakikita ko? Ang init ng ulo natin ah? Umagang-umaga nakabusangot yang mukha mo. Alam ko na kung bakit ang unang impresyon ng mga kaklase mo eh na isa kang maldita ayon sa sinumbong mo kaya kung ayaw mong yun ang iisipin nila sa'yo, ngumiti ka lagi!" Ang bungad sa'kin ng ama ko habang nakaupo sa mesa na may hawak-hawak ang basong may kape.

"Masmabuti siguro kung tanungin niyo po muna si mommy kung bakit gan'to itsura ko." -ako at dumiretso nang banyo. Wala na kung walang respeto, naiintindihan naman ni daddy na ayaw kong buksan yung topic na yun, ewan ko basta naiirita lang talaga ako.

Hindi nakaabot ng limang minuto nagtagal, nakaahon na ako mula sa pagliligo at nakapagbihis. Kumakain ako ngayon sa inihandang masarap na pagkain na pinaka, pinakapaborito kong niluto ni Yaya Elen. Ipagkakalat ko lang sa inyo ang ilang detalye tungkol sa simulang araw kung kailan niya kami inalagaan at pinagtiyagaan ng todo. Karapat-dapat talaga siyang ipakilala sa inyo. Grade 2 pa lang ako nun nang kinuha siya ni mhe kaya nagsilbing tagahatid sundo ko siya sa school. Unang araw pa lang, ayoko na sa kanya dahil na rin sa bata pa ako nun at masyadong mababaw pero madali naman naglaho yun at pinalitan ng isang mabahaw na pakiramdam. Ngayong taong tumatayo ako bilang isang senior, ang mga kapatid ko na rin ang inaasikaso niya at bilang isang kapalit ng kanyang pagmamahal sa'min though palagi siyang inaaway nung dal'wang lalaking yun na tiniis niya talaga ang lahat para lang kami ay mapalaki ng maayos, kinokonsidera na namin siyang aming pangalawang ina sa kada oras na busy sina mhe at dhe sa pagtatrabaho. Minahal talaga namin siya.

"Ano na po bang araw ngayon, Ya?" -ako. Natanong ko lang 'to dahil ako yung secretary ng classroom kaya malamang isusulat ko pa sa board mamaya kung anong date ngayon.

"13 na ngayon, Len.." Tumango na lang ako at bumalik uli sa pagkain. "Nakakalimutan mo na ba?"

Napabaling ako ng tingin sa kanya. "Huh? Ang ano po?"

"Na 13 ngayon! Lunes! Talaga naman 'tong bata 'to, matanda na nga ako eh oh, ikaw pa tong malilimutin sa'tin." Nakalimutan ko rin bang sabihing may pagkapilosopo rin pala siya? Hay nako =___=.

"Ha ha, benta talaga yang biro niyo po. Natawa ako dun =__=." Naiilang na sagot ko pero hindi na niya yun pinalawak pa.

"O siya, bilisan mo nang kumain at baka late ka na naman uli." Tumango na lang ako pagkatapos nun tumungo na siyang kusina at kung ano nang ginawa dun.

The Destiny of One Another (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon