Tyslen's POVKinabukasan, Sabado na at wala na naman akong malibangan sa mahabang araw na 'to. Naisipan ko lang na gumuhit since natatamad akong mag-cell phone at sa nasawa na akong magbasa sa Wattpad--
*boogsh!
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya saglit akong napatalon sa kama. Hindi ko na sana papansinin yun at ilolock na sana ang pinto, kung hindi lang sa pagkatingin ko sa drawing ko, ayun sira na! Ugh, Sino ba kasi yung asungot na nagbukas ng pinto?! Hindi ba marunong kumatok?! Hanggang sa may biglaang tumatakbong pumasok sa kwarto, tumungo sa lalagyan ng mga sapatos ko, may kinuha dun ta's mabilis na kumaripas palabas habang tumatawa.
Hay.. Alam ko na talaga kung sino may pakana nito. Ito na naman ulit kami.
"Simon! Ibalik mo yan!" Hinabol ko siya hanggang nakarating na kami palabas ng bahay pero ni isang metro, hindi ko siya naabutan.
Apat kaming magkakapatid, dalawang babae at dalawang lalaki. Ako ang panganay, sunod ay si Charles (12 years old), tapos si Simon (8 years old) at ang bunsong si Cassy (4 years old). Kaya ang magkakasunod na dal'wang lalaki, sila yung halos may problema sa'kin kahit hindi ko naman alam kung may nagagawa ba ako sa kanila para mangulit sila sa'kin.
"Kuya! Kuya! Eto na! Nakuha ko!"
"Dito, Mon!" Tawag ni Charles kay Simon. Eh di magsama sila! Pambihira, ako na lang parati ang kawawa sa kanila eh. Sawang-sawa na akong makipagbiruan sa kanila lalo't na at senior na ako! Ugh.
Mabilis siyang tumakbo papunta sa kuya niya at binigay ang napakagandang sapatos ko at ayun, huminto sila. Malapit ko na lang sila maabutan, konting-konti na lang pero-- tumakbo na naman sila. Ang ganda.
"Hoy! Kayong dal'wa!"
"Len! Wag nga kayong maghabulan ano ba! Madapa yang si Simon, sermonan na naman abot niyo sa daddy niyo!" Suway ng yaya, pero parang walang may nakarinig.
"Ibalik niyo na nga yan! Ang kukulit niyo!" -ako
Pero wala, hindi pa din nila binibigay.
At dahil dun, bigla na lang may sumulpot sa'king ideya. Subukan ko kaya sila palaruin ng 'Simon says', susunod naman siguro sila noh? Uto-uto din naman yung mga yun eh.
"Lumaro kaya tayo ng Simon says?" Tanong ko sa kanila. Huminto naman sila pagkatapos ay humarap sa'kin.
"Hindi kami ganun kabobo ate kung yun ang inaakala mo sa'min. Gagawin mo lang yan palusot para mabigay namin 'to eh." -Charles sabay taas ng sapatos ko. "Kung gusto mo 'to makuha, eh di habulin mo kami. O kung hindi, susuko ka na at magliligpit ng kalat namin at ibibigay ko tong sapatos mo." At tumakbo na naman ulit sila.
At talagang! Okay. Wala na ako.. Suko na talaga ako. Ito kasing Charles, may pagkaisang abogado eh, napakagaling.
"Ayaw ko na!" Pagsusuko ko habang hinahabol ang aking hininga. Shucks, baka aatakihin ako ng aking asthma nito eh. Ugh, hindi ko talaga magugustuhan ang aking pipiliin nito.
"Ano na ate? Sumusuko ka na ba?"
"Oo na! Oo na! Ako na yung magliligpit ng kalat niyo! Ugh, mga tamad." Naglakad ako pabalik ng pintuan, palapit sa kanila kasi nasa likod naman nila yun pero bago ko pa sila malagpasan, may iniwan akong salita para maisuot nila yun, kung willing naman nilang yun ipasok sa kanilang mga kokote. "Palibhasa kasi marunong kayong maglikot, pero hindi marunong magligpit. Dapat hindi na lang kayo binigyan ng Diyos ng pag-asang mabuhay kapag ganyan kayo, walang magagawa ang pagiging tamad."
Hindi lang man sila natinag kahit isang saglit. Kasalanan ni mhe ang lahat kung bakit sila ganun eh! Palibhasa kasi araw-araw na lang binibigyan ng vitamin C eh kaya ang aktibo. Psh!
![](https://img.wattpad.com/cover/54159745-288-k107326.jpg)
BINABASA MO ANG
The Destiny of One Another (On-going)
RandomApat kaming mag bestfriends sina Shamae, Recel, Gabriella, at ako o tawagin niyo lang Tyslen. Mula noon, palagi na kaming magkasamang apat at puro na lang kasiyahan ang nasa isip namin, malayo-layo na din sa problema at puro na lang tawa. Pero paan...