Aiden's POVPumwesto agad ako sa likod niya bago pa niya basahin yung sulat sa loob ng sobre.
Ako naman ang mangtrip sa'yo Will..
Napangisi ako habang suot-suot ko yung super-duper-scary-monster mask ko na talagang pinaghirapan kong tapusin kagabi..
Medyo natagalan siya sa pag-intindi kung ano ang nakasulat sa papel na nilagay ko sa loob ng locker niya. Nakakunot na siguro yung noo niya ngayon, perfect.
.
.
.
*talikod
"BOO!"
"WAAAAAAAH!" Sigaw niya at nabitawan yung sobreng hinahawakan niya kanina. Napasandal pa siya sa locker at hindi talaga mapinta ang mukha niya ngayon. ^___^
Na-eenjoy na ata ako, haha!
Hindi ako kumibo kung hindi, sinubukan ko pang gawin ang napanood kong video sa youtube.. 5 ways to scare a human-being.
Hehe..Pero..
Alam ko namang takot si pareng Will sa mga multo at sa mga nakakatakot na creatures kada inaaya ko siyang manood pero parang mastumindi ata ngayon? Kasi, hindi ko pa nga na-try yung 5 ways to scare a human-being moves ko eh..
Kumaripas na siyang tumakbo palayo -___-
Napakamot na lamang ako sa batok ko.. Maslumala nga yung phobia niya. Minsan, nasasabi ko na ang duwag niya eh.
Nag-iba na lang ako ng direksyon. Uuwi na ako. Bahala na siya sa buhay niya kung maniniwala talaga siya na nag-eexist ang mga multo at kung ano-ano pa yun. Ang importante lang eh nagawa ko na yung ganti ko sakanya.
Tawa na lang ako ^__^
--------------------------------------------------------------------------------------------
Will's POV
Bwisit! Bwisit! Hindi ko alam na may mga multo pala dito sa school na 'to! Bakit pa kasi nandito pa ako pinaaral ni Ate eh! Naman oh!
*takbo *takbo
Minsan napapalingon ako sa likod ko dahil malay mo sinusundan pa din ako ng multong yun pero..
*boogsh
"Ay sor--ikaw?!" Nakita ko naman kasi yung amasonang babae -__-
"Anong ako?! Ikaw ang hindi tumitingin-tingin d'yan, may gana ka pang manigaw ng tao?! Grabe ka ah, ni hindi ka lang man humingi ng pasensya sa mga nakakabangga m--" tinakpan ko yung bunganga niya at tumingin sa paligid. Ayan na naman, sh*t.
Tinanggal ko na yung kamay kong nakatakip sa bibig niya. Aakma pa sana siyang magsalita pero inunahan ko na.
"Pwede ba? Tumahimik ka muna? Puro lang kasi bunganga mo ang maririnig ko eh!" Pabulong kong sigaw.
Nakita kong umirap siya at bumuntong hininga. "Dapat kasi sa kabila na lang ako dumaan eh." bulong niya pero narinig ko naman.
"Eh dapat dun ka lang dumaan para hindi din kita mabanggaan!" Sigaw ko. Naiirita na talaga ako. "Kung sinasabi mo na ang malas ko, dapat gamitin mo muna yung lintik mong isip bago gawin ang nais mo!"
Natihimik naman siya dun at parang nabigla. Humarap na ako saka naunang naglakad. Ramdam ko namang sumunod siya sa likuran ko. Tss..
"Hoy Tyslen, sumusunod ka ba sa'kin?" Sambit ko sabay humarap sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Destiny of One Another (On-going)
DiversosApat kaming mag bestfriends sina Shamae, Recel, Gabriella, at ako o tawagin niyo lang Tyslen. Mula noon, palagi na kaming magkasamang apat at puro na lang kasiyahan ang nasa isip namin, malayo-layo na din sa problema at puro na lang tawa. Pero paan...