Chapter 12: Better turns out to be worse?

29 1 0
                                    


Kayne's POV

Nandito na ako sa kwarto ko, humihiga. Iniisip ko pa kasi ang mga nangyari kanina...

Nung dumating kami sa tapat ng bahay nila, kahit hindi man niya sabihin sa'kin kung saan siya nakatira, alam na alam ko. Curious pa nga siyang nagtanong sa'kin kung bakit ko daw alam, pero ang sinabi ko lang, 'Basta'... hindi naman siya umimik pagkatapos. Alangan namang sabihin ko sa kanya na binibisita ko tong bahay nila noon diba? Malulunod lang ako sa mga tanong niya kapag ganun..

Kanina, ang akala ko, matatandaan pa niya ako... Nagbigay ako ng mga clues kung ano dapat ang maipagtanto niya ngayon, nag-effort na nga ako pero hay... Mahirap nga kung pinanganak slow yung isang tao..

Totoong ako yung nag-utos sa'king best friend na si Vae na ikidnap si Mae dahil sa gusto ko isurprise siya in a brutal way... Grabe, brutal talaga? XD

Umasa akong magtatalon talaga siya sa tuwa kung makita niya ako, pero sa nakita ko kaninang walang kareak-reaksyon man lang ang nakapinta sa itsura niya teka, meron pa lang reaksyon pero imbis tuwa, lito at gulong-gulo ang nakita ko. Sabi ko, umasa lang ako sa wala. Tsk, labo talaga siya...

Dahil dito, naisipan kong magpanggap na ibang tao sa harap niya. Kaya kanina, kung napansin niyo man, 'miss' ako ng 'miss' sa kanya.

Napagdesisyunan ko na itatago ko na lang muna kung sino ako. Masgusto ko kasi na siya mismo ang tutugma, siya na mismo ang mag-aaalala. Kung kailan man yan, maghihintay ako...

Hindi ko man gustong mag-abalang pilitin siyang alalahanin ako through words dahil alam kong hindi pa siya maniniwala kaagad. Kung sabihin ko man, siguradong mabibigla siya ng todo then magsisimulang idoubt ako. Ganyan ang napepredict ko sakanya.
Kaya ang style ko, ipaalala na lang sa kanya ang mga oras kung saan nag-umpisa lahat-lahat. Unti-unti kumbaga..

Dinala ko siya sa park... Mukhang natandaan naman niya eh pero siguro sa mahabang panahon na ang nakalipas simula nung nawala ako, little by little she is starting to move on.. Siguro yun nga. Nothing is permanent naman kasi...

Habang nakaupo kami sa damuhan, nag-usap kami ng matino well except for that laughing thing, actually nakakatawa naman kasi talaga siya nun eh. Akalain mong ganun siya kaconcern sa'kin? Hahaha! Hindi lang niya alam na hindi talaga ako natatablan sa mga palusot niya, ang pinapaalam ko lang sakanya ay naniniwala ako, kunyari. Hindi naman ako bobo na mauto kaagad noh! Ang gusto ko lang naman ay para hindi na kami uuwi sa asaran, baka mapikon pa siya eh..

Hay... Hindi ko lang maitatanggi na namiss ko talaga siya sa ilang taong hindi kami nagkita... Pero siya kaya, Namiss din ba ako? Hay... Ayaw ko lang mag-assume.

Umpisa sa lumuwas kami sa ibang bansa, hindi na masaya, wala na akong kalaro. Tanging laruan lang ang nakapaligid sa akin. Kahit gaano pa yung bibilhin nina mommy at daddy, kahit ilan pa yan, hindi pa din ako nakuntento nun. Parang hindi ko siya kayang ipagpalit lang sa mga laruan kasi, siya lang kaisa-isahang kalaro ko.

Grade 4 na ako nun nang may bumully sa'kin. Lima silang magkakaibigang matatangkad. Araw-araw, binubully nila ako, dahil daw hindi ako taga rito at kakaiba ako sa kanila. Ayos din yung rason nila noh? Napagdesisyonan ko na hindi ako papatol sa limang higante na yun kahit patuloy pa nila ako pinapahiya dahil ang alam ko, hindi ko naman sila makakaya. Ang payat ko kasi nun eh tss... Hindi ko 'to pinaalam kila mommy baka masmakakaragdag lang ito sa kanilang mga problema...

Hanggang sa nakaabot ako ng Grade 6, hindi pa din nila ako tinantanan, sanay naman ako eh, walang kahit sinumang tumanggol sa'kin dahil takot na takot sila dun sa limang higante na yun. Pero sa kasamaang palad, may isang lalaki na kaedad ko ang pumatol dun sa nambubully sa'kin. Transferee siguro siya kaya hindi niya alam kung ano talaga ang usual na nangyayari dito.. Ang galing niyang umaway, talagang napabilib ako sa kanya. Ang bata-bata pa lang nya marunong nang makipagbugbugan...

The Destiny of One Another (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon