Tyslen's POV
Ilang minuto na lang bago pa kami pakawalan ni miss. Halos kaming lahat sa room, nabored na sa paghihintay sa oras dahil lahat kami natapos na ahead of time. Kanya-kanya, may sariling mga ginagawa, ang iba, nag-uusap ng pabulong sa tapat ko. Merong din tumutulog at merong din nakapalumbaba habang nililibang ang sarili sa paglalaro ng ballpen.
Hulaan niyo ang ginagawa namin ni Gab.
Wala kami dun sa mga binanggit ko kanina. Sa sobrang wala kaming magawa eh naglaro na lang kami ng bato-bato pick. Pero siya pa rin ang nanalo, tsk.
Nang sumaoit na ang oras para mag-recess, para lang kaming binalikan ng kaluluwa dahil sa atat na atat na talaga kaming makalabas sa room. As usual, magkasabay na naman kaming apat papuntang canteen. Habang naglalakad, nag-uusap kami tungkol sa kung gaano kahirap o kadali ang exam sa Math nang bigla na lang may humarang sa harapan namin. Hindi lang kami nagulat sa aming nadatnan, literal talaga kaming napanganga. Oo, kaming apat nina Gab, Shamae at Recel parehong hindi maipinta ang mga ekspresyon namin.
I mean sino ba kasi ang hindi magugulat kung meron lang naman limang lalaki ang nakaharang sa dinadaanan namin? At kilalang-kilala ko talaga yung isa!
"Will?!" Sigaw ko pero kaagad akong napalingon sa kanila nang narinig kong sumigaw din sila kasabay ko.
"Kayne?!" -Shamae
"Xed?!" -Gab
"Aiden?!" -Recel
"Ba't ako wala?!" Reklamo ng isa sa kanila pero ni wala ang nagsalita. Halos lahat lang kami ay mariin na nagtitigan sa isa't-isa maliban nga lang sa kay Will na nakangisi.
"Tumahimik ka lang kung wala ka namang may magandang masabi, Vae." Suway ni Kayne sa kaibigan.
Pero hindi pa dun nagtatapos ang eksena.
"Anong ginagawa niyo dito?" Sabay na naman kaming apat nito kung kaya't napasulyap ako sa kanila pero mukhang tutok na tutok sila sa mga taong katapat namin. Pero ang ipinagtataka ko lang ngayon ay kung paano nina Recel nakikilala ang mga ibang lalaki. Pakiramdam ko ay may nililihim sila sakin kaya hindi ko napigilang magtanong.
"Kilala niyo?" Pagputol ko sa namumuong katahimikan pero matapos ang ilang segundo, wala ni isa ang sumagot.
Uulitin ko pa sana yung tanong ko ngunit natuon ang pansin ko nang nakita kong lumapit ang parang maangas sa kanila kay Recel! Lahat tuloy kami ay napatingin sa kanya. Inis at irita lang siguro ang maitutugma ko base sa mukha ni Cel ngayon at ang iba ay hindi ko na maisasambit pa. Dahil doon may biglang sumagi sa ulo ko. Magkaibigan sila ng lalaki. Dagdagan pa ang pagsambit niya ng pangalan kanina sa oras nung sumabay kami sa pagtawag ng mga pangalan nila.
Sumunod naman ay si Kayne. Alam ko na kung saan ang punta niya at malamang kay Shamae lang naman.
"Vae, samahan mo ako dito." Tawag ni Kayne sa lalaking katabi niya kanina. Lumapit din ang tinatawag niyang Vae sa dal'wa. Napanganga ako.
What the? At kailan pa nagkaroon ng isa pang kaibigan si Sham na lalaki dito sa paaralan?!
Lumingon ako sa aking kaliwa at nakita ko rin dun ang isa pang lalaking ngiting-ngiti habang inaakbayan si Gab dahilan para nalaglag na ng tuluyan ang panga ko.
Nakita kong tinanggal din ni Gab ang pagkakaakbay nung lalaki at sumimangot ang lalaki na parang batang kinuhanan ng lollipop. Omg, ba't ang close nila?
Ganito na pala ang nangyayari sa kanila habang nasa likod ko? Aba. Isa ito sa mga bagay na hinding-hindi ko talagang papalagpasin. Napunta ako sa isang konklusyon.
BINABASA MO ANG
The Destiny of One Another (On-going)
RandomApat kaming mag bestfriends sina Shamae, Recel, Gabriella, at ako o tawagin niyo lang Tyslen. Mula noon, palagi na kaming magkasamang apat at puro na lang kasiyahan ang nasa isip namin, malayo-layo na din sa problema at puro na lang tawa. Pero paan...