Chapter 9: New Arrival

58 3 0
                                    


Gabriella's POV

Wala kaming klase ngayon kasi holiday... At si Dad... Bumalik ulit siya sa bata! Pa'no ba naman hindi makukumpleto araw niya kung hindi niya mahahawakan ang mga PSP niya. (At take note, MGA psp!)

Alam niyo ba kng ilan ang binili niya?? Labing apat! Grabe noh? Kulang na nga lng bilhin niya ang store eh!

Pero hindi ko maiwasan na madisappoint dahil out of fourteen PSPs, ang ibinigay niya lng sa'kin, tatlo... Ang daya nga eh... Pero okay na yun atleast hindi sira! Kung sakaling sira yun... Hay, ewan ko lng -_-

*Facepalm

Nung first time nyang lumaro ng PSP,  malala ang nangyari sa kanya--- Pffft! Naiimagine ko na naman--- Pfft! Natatawa ako. Eto kwento ko sa inyo.

May itatanong ako sa kanya nun kaya hinanap ko siya kay Lola ang sabi niya nasa kwarto daw si Dad, bagong pasok lng daw.. sinunod ko siya at pumuntang kwarto. Pagbukas ko, nadatnan kong walang tao. Tinawag ko ulit si Lola na wala siya, sumagot siya na kung baka nandun sa banyo, nagliligo. Nagpasalamat ako kay Lola saka sinunod ang sinabi niya... kumatok ako. Sabi ko, "Dad? Dad? Nandiyan ka ba?" patuloy pa ako sa pagkatok pero wala namang may sumasagot. Sinubukan kong ikutin ang door knob upang malaman man kung lock ba o hindi. Nang namalayan kong bukas, inisip ko na wala ngang tao dito. Hindi ko pinatuloy na buksan pa ang pintuan kasi wala ngang tao diba.

Nung isasarado ko na at lalabas ng kwarto, may narinig akong sigaw mula sa banyo. Nagtaka ako at pumasok na lang dire-diretso sa CR. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Napanganga ako.

S-SI DADDY NAGLALARO NG PSP SA BANYO?!

At sumisigaw pa yan ha with matching upo sa toilet bowl! Hindi niya ata ako napansin dahil titig na titig pa rin siya sa hinahawakan niya. Napansin niya lang ako nung tumawa ako ng todo! Epic fail yung mukha niya nung nalaman ko yung SECRET niya. Kaya pala parati siyang nagmamadali dahil adik na siya sa isang PSP! Hahaha! Laftrip!

Sinigawan niya nga ako na tumahimik pero wala, hindi ko mapigilang humalakhak! Naabot pa 'to kay Lola kasi agad-agad akong tumakbo palabas at nagsumbong,  pero ang sagot niya? "Ang ama mo gumaganyan?! Jusmiya! Ano na ang nangyayari sa mga kabataan ngayon! Marunong nang magsinungaling!"
Sumagot naman ako ng, "Eh Lola! Totoo naman po eh! Hindi ako nagsisinungaling sa inyo. Kung gusto niyo ng ebidensya, dali punta ka don sa banyo ng kwarto niya!" Kaso ayaw niyang maniwala. "Hay ewan kang bata ka!" Hay, ewan ka din! Kung hindi ka naniniwala, eh di wag noh! Kitang kita naman niya na ang lalim ng eyebags nitong si Dad sa mga susunod na araw... Siya pa nga mismo yung nagtatanong kung bakit nagpupuyat si Dad eh pero magaling si Dad magpalusot... Napapaniwala! Nagmukha pa akong masama! Kung alam niyo lang na ang PSP niya ang may dahilan. Tch.

Pero naappreciate ko rin naman ang pagiging matiyaga niya sa trabaho. Nabubuhay pa rin kami kahit papaano. Bakit pa nga ako nag-aaral sa isang pribadong paaralan kung hindi maganda trabaho niya diba?

Okay, pahinga na. Pagpasensyahan niyo na lng ako kng ganito ugali ko. Kainit na kasi eh. By the way, ngayong araw may biglaang tawag na natanggap si Dad na galing kay Mommy. Si mommy pala nagtatrabaho sa ibang lugar, sa malayong lugar kaya madalas hindi ko siya nakakasama dito araw-araw, sina daddy at lola na lang. Naintindihan ko naman si mommy kung ganon, kung once a month lang siya nagbibisita sa'min.
Nung araw na bumisita siya last year, hindi mawala ang ngiti at saya sa mukha ko kasi feeling ko tuwing nakakasama namin siya kahit sa kaunting panahon, feeling ko buo na ulit kami. Sama-sama na kami at higit sa lahat hindi ko mararamdaman na wala akong ina na nag-aalaga sa'kin at nagmamahal.

Ay, anu ba yan! Nagiging madrama na naman ako. Natauhan lang ako ng may naramdaman kong basa ang kabilang pisngi ko. Umiiyak na pala ako, peste.

Balik tayo, tumawag nga si mommy kay daddy. Mga limang minuto na din ang nakalipas, binaba na niya at lumapit siya sa'kin.

The Destiny of One Another (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon