Gabriella's POV
"Ang clumsy mo naman miss.. Para lang makatakas sa'kin, nagkakasugat ka na? Ganun nga ba talaga ako kalakas sa'yo?" Tumawa siya saglit sa sinabi niya.
Nakaupo ako ngayon sa isang bench, tahimik.. Sa ibang direksyon nakatingin.. Ayokong pansinin siya, ang feeling masyado.
Pagkatapos ng mga ilang minuto, namalayan ko na lang na nakatayo na siya sa harapan ko. Kanina kasi, umuupo siya sa tabi ko kaya nung tumayo siya, napatingin ako sa kanya ng 'di oras.
"Ayos ka na ba? Wala ng may sakit sa'yo?" Tanong niya pero hindi ako makasagot sa tanong niyang 'yun kahit simple lang naman ang magiging sagot ko. "Hay ewan ko na lang miss.. Mukhang wala na akong magagawa kung hindi mo ako pinapansin, pero patanong lang..." Nakatingin lang ako sa kanya na parang nadidismaya na sa inaasal ko.
Tiningnan niya ako ng seryoso at nailang ako bigla sa tingin nyang yun. "...May galit ka ba sa'kin?"Shucks, pa'no na 'to? Gusto kong sabihin na oo dahil sa pagyayakap niya sa'kin pero siguro, kung hindi niya yun ginawa, malamang sa malamang, hindi pa ako humihinga ngayon..
"A-ah.. W-wala! B-bakit naman ako magagalit s-sa'yo na ang ginawa mo lang n-naman ay iligtas ako? K-kaya w-walang rason na m-magalit ako." Ang haba naman ng sinabi ko. Psh..
Pero teka lang.. Tama ba yung nakita ko? Nag-yes siya tapos ngumiti?! Tama ba?!.. O imahinasyon ko lang?
"Akala ko may galit ka na sa'kin eh.." -siya na parang nakahinga ng maluwag sa nalaman niya. "Pero kung talagang may galit ka sa'kin, hindi ko yun matatanggap. Babalikan kita hanggang sa mapatawad mo ako. Kahit saan ka man, hahanapin kita.. Hindi kasi ako yung tipong tao na kayang ibalewala ang kasalanan na hindi man lang pinatawad ng taong sinaktan n'ya..."
"Ha?" Gusto ko lang ulitin kung anong sinabi niya... Parang hindi ako makapaniwala eh.
"Sabi ko, tantanan na kita dahil napatawad mo na 'ko.." Napatingin siya sa paligid tapos sa'kin. "Sige, mukhang okay ka na. Alis na ako ha, tinatawag na kasi ako eh... Bye na lang.... Gabriella..." Huling sabi niya bago na siya naglakad palayo at iniwan akong tulala sa kawalan.
A-alam niya pangalan ko???
P-paano???
Paano???... T____T???
Paano niya ko kilala? Sa school ba?? Sa village?? HA??? Ah ewan! Ikukuwento ko na lang 'to sa tatlo at sure ako na rereact talaga yung si Shamae.. Ay, oo nga pala! Ang gamot ni dad! Lagot ako nun.. Isang oras na akong nandito, pero hanggang ngayon, hindi pa din ako nakabili. Inip na inip na siguro yun..
.
.
.
Pabalik na ako sa aming bahay at kakatapos ko lang bumili ng gamot. Pagkapasok ko pa lang sa village namin, yun ay sa may gate, biglang nahagip ng mga mata ko si dad na papunta din dito. Teka, lalabas siya? Akala ko may may sakit siya?
Mabilis akong sumugod sa kanya, nag-aalala ako na baka lumala ang lagay n'ya. Pero kung akala ko na ako lang ang mag-alala, mali pala ako kasi pagkakita niya sa'kin...
"RIEEL!! HALIKA RITO!!" Mabilis akong pumunta sa harapan niya.. Shet.. "KANINA PA KITA HINIHINTAY SA BAHAY AH!! MAG-AALAS DOSE NA NG HAPON, WALA KA PA?! SAGUTIN MO AKO, ANO BANG GINAWA MO SA KALSADA HUH?!" Napayuko na lang ako rito. Ang sakit sa tenga ng sigaw ni dad grabe.. Noon, ako ang palaging nagsesermon sa kanya ng dahil ang adik niya sa PSP, pero ngayon? Ako na.
Napansin niya siguro na hindi na ako makakasagot kaya siya na yung nagsalita. "Hindi mo talaga alam na kung gaano mo akong pinag-aalala.. O siya, balik na tayong bahay." Sumunod ako sa sinabi niya at nagpahuli, bale sa likuran niya ako.
BINABASA MO ANG
The Destiny of One Another (On-going)
RandomApat kaming mag bestfriends sina Shamae, Recel, Gabriella, at ako o tawagin niyo lang Tyslen. Mula noon, palagi na kaming magkasamang apat at puro na lang kasiyahan ang nasa isip namin, malayo-layo na din sa problema at puro na lang tawa. Pero paan...