Chapter 19: Sakit sa puso

18 0 1
                                    


Shamae's POV

2 days passed...

Paggising sa umaga, mag-unat.. Sabi kasi sa'kin ni mama, kapag ginagawa ko daw yun, may pag-asa na maging matangkad ako dahil daw ini-istretch nito ang katawan natin kaya eto, ginagawa ko.

.

.

"Kuya, ano ba?! Kahit maligo man lang, ang tagal pa! Mag-iisang oras ka na ata diyan eh!" -ako at pinaghahampas na yung pintuan ng CR. Mabuti nga 'to para mairita siya at bilis-bilisan din niyang kumilos! Hay, kahit kelan talaga -___-

"Shamae, naman! Pwede namang maghintay ah? Mahirap bang gawin yun?" -kuya, tapos narinig ko ang pagbuhos ng shower. Bumabanlaw na siguro siya ngayon.. Dapat lang! Baka masusian ko pa tong CR na 'to at ako pa ang magkuskos ng katawan niya eh! Siguradong puputi talaga siya!

"Shamae mong mukha mo! Oo, marunong akong maghintay pero kung aabutin ng ganito? Hintayin mo, sa sobrang inip ko eh buksan ko talaga 'tong pinto na 'to! Sige ka, gusto mong maexpose ang hubad mong katawan?!"

"Oo na! Oo na! Bibilisan na! Tsk, kainis 'tong bata."

"Tumahimik ka na lang nga! Dami pang sinasabi eh! Rinig ko naman!"

"Ikaw yung tumahimik! Pasalamat ka, pinutol ko pa ang pagligo ko para sa nakakairita mong bunganga na hindi alam kung paano humintay!"

"Eh ikaw.. anu.. uhm.. ugh! Basta bilisan mo na lang! Ako naman yung sisihin mo kapag mahuli ako eh!"

5 minutes...

*bukas pinto

O____O!

Hay salamat! Nakaraos naman mula sa kahirapan..

Magsasalita pa sana ako nang..

*paaak!

"ARAY KO!! PARA SAAN YUN?!" Pinalo niya kasi yung bibig ko T___T

"Para yan sa hindi marunong magrespeto sa mga nakakatanda sa kanya.. Oh, bilisan mo rin ha?"

+_________+ sinamaan ko lang siya ng tingin pero tinawanan lang niya ako. Bilisan daw, eh siya? Binilisan ba niya? Tsk!

.

.

Hay.. pustahan pa, ako yung unang biktimahan ng dalawang yun sa pagtatampo ni Gab sa'min. Hindi ko naman kasi inaakala na magtatampo siya ng ganun dahil sa pagkakilala namin sa kanya, hindi siya madaling mapikon na tipong mag-walk out siya at hindi na kami papansinin pagkatapos!

May problema ba siya kaya ang bilis niyang mapikon? Pero wala naman ata siyang may nababanggit sa amin eh.. o tinatago niya lang? Hindi ko talaga alam.
Ewan ko sa babaeng yun, hmm... sabihin lang kaya natin na dumating yung sa kanya para makasigurado tayo. Hindi din naman siya magtatagal eh.. alam niyang magbestfriends ang trato namin sa isa't isa kaya hindi niya kami matitiis na ganito yung set-up.

Bagong dating lang kami ng school at hindi ko na makikita yung kuya kong daming alam. Nandito din pala siya nag-aaral, sorry kung ngayon ko lang binanggit sa tagal na nakilala niyo siya, haha. So first year college nga siya at.. uhmm.. nakalimutan ko kung anong kurso yung kinuha niya hehe, ang haba kasi ng pangalan. Mahirap ipronounce pero ang alam ko, matalino siya. Medyo. Hay ewan ko.

"Maging malikot ka naman sa klase niyo at mapapunta ka ulit sa detention ah? Tatawagan na naman ako ng adviser niyo dahil sa kalokohan mo." Sabi niya, pagkababa na pagkababa namin ng kotse.

"Ano bang sinasabi mo diyan? For your information, most behave ang award ko nung kindergarten ako!"

"Most behave daw.. Sigurado ka? Eh nung Grade one ka, may natanggap ka bang award kahit isa?"

The Destiny of One Another (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon