Nang makarating ako sa ospital ay agad kong binayaran ang bill ni nanay...
papunta na ko ngayon sa kwarto ni nanay...
pagkarating ko ay agad kong hinawakan ang kanyang kamay...
Nay patawarin nyo po ako... hindi po ako isang mabuting anak... ang baba na po ng pagkatao ko ... sana po kung dumating man po ang oras na malaman nyo po ang totoo tungkol sakin ay maintindihan nyo po ako...
pangako po... kapag nakalabas na po kayo dito sa ospital ititigil ko na po ang mga ginagawa ko...
umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makatulog na naman ako...
Nagising ako ng maramdaman kong may nagpopoke sa pisngi ko...
anu ba?! natutulog yung tao e! at pinalis ko yung kamay na istorbo...
ate giching ka na po...
huh?
dahan dahan akong nagmulat ng mata...
nagulat ako ng makita ko si Max na halos magkadikit na ang mga mukha namin...
Oh baby bakit ka andito? sinong kasama mo...? si Max ay 4 years old pa laman habang si Margo ay 6yrs old naman...
chila ate Mica pow chaka chi kuya Marco... lumabash lang pow chila pawa bumili ng pagkaen...haha kahit bulol at nahihirapang magsalita ay pinilit nya parin...
Ang cute naman talaga ng baby ko oh... lika nga hug mo si ate...
lumapit naman siya at niyakap ako...ang sarap talaga sa pakiramdam kapag niyayakap ka ng kapamilya mo...
nawawala lahat ng pagod at problema ko...
Ate ang tagal aman pow gumiching ni nanay...kelan kayo uuwi'?>3 nagpout pa ang loko...
Malapit ng gumising si nanay baby...medyo napapatagal lang tulog nya kasi di ba lagi siyang pagod? hay naku Max patawad kung nagsisinungaling sayo si ate... ang alam kasi nila ni Margo ay natutulog lang si nanay...
Naputol ang paguusap naming dalawang magkapatid ng pumasok ang doktor...
Dok kumusta na po ang lagay ng nanay ko?
I'm happy to say that she's okay now...pwede na natin syang ilipat ng kwarto...
tila nagliwanag ang paligid ko ng marinig ko yon... okay na si nanay...kahit papano pala pinapakinggan ng panginoon ang mga dalangin ng katulad kong makasalanan...
Thank you po Dok... ngumiti lang siya sakin...
pagkatapos ay pumasok na ang mga nurse na may dalang stretcher...
tinanggal na nila isa isa ang mga tubong nakakabit sa katawan ng aking ina...
pagkalipat ng kwarto ay siya ding dating nila Mica...
Ate mabuti naman at mabuti na ang lagay ni nanay...si Mica
Oo nga e... pinakinggan ang mga dasal natin...nakangiti kong sabi sa kanya...
E ate magpahinga ka kaya muna...kagabi ka pa andito e... si Marco
Oo nga ate kami muna ang bhala dito...si Mica
Sigurado ba kayo? kailangan ko din ng pahinga dahil kakayod na naman ako mamayang gabi... naibayad ko na lahat ng kinita ko kagabi e...
Opo ate...sige na magpahinga kna po muna...sabay na sabi ng dalawa...
O sige... hey Max dito ka muna kila ate Mica ha? uuwi muna si ate para magpahinga... wag pasaway ha? tumango lang sya sakin at bumalik na sa paglalaro...
O sige una na ko ha...tawagan nyo nalang ako kapag nagkaproblema...
Opo ate...ingat ka...
ngumiti lng ako at lumabas na ng ospital...
Please vote and comment!
BINABASA MO ANG
ANG LIHIM NI MILO (COMPLETED)
RomanceRated SPG., kung di mo feel magbasa ng mga maiinit na eksena just ignore this story,. wag nang magcomment ng hindi maganda.. inuulit ko RATED SPG.