Chapter 20

8.5K 60 1
                                    

HIS POV*

Naglalakad ako ngayon sa my park malapit sa office, kailangan ko kahit konting pagrerelax man lang...

Umupo ako sa may bench malapit sa my fountain, ipinikit ko ang aking mata at dinama ang ihip ng hangin...

nasa ganung sitwasyon ako ng marinig ko ang isang iyak ng bata...


Uwaaah!!!!huhuhu T_T pagmulat ko ay nakita ko ang isang batang babae, base sa itsura nito ay nadapa ito.

Patuloy parin ito sa pagiyak. asan ba ang mga magulang nito? Hindi na ako nakatiis at nilapitan ko ito.

Okay ka lang ba? tanong ko dito ng makalapit ako.

Umiling lang ito at itinuro ang tuhod nito, pagtingin ko ay meron itong sugat.

Asan ang parents mo? bakit magisa ka lang? tss asa naman akong sasagot toh sa tantiya ko nasa isang taong gulang pa lamang ito.

Anong pangalan mo? siguro naman kaya na niyang sabihin ang pangalan niya diba?

Huk* A-andleya  *huk  nahihirapang pagsasalita nito dahil patuloy pa rin ito sa paghikbi.

Andrea? ang ganda naman ng name mo… o wag ka na umiyak papanget ka gusto mo ba yun? muli ay umiling lang ito at pinunasan ang kanyang luha…

napatingin ako sa kabuuan ng mukha nito…













kahawig niya si Milo kuhang kuha nito ang mga mata niya… ang mga labi at ilong naman niya ay…









sa akin?








Tss! what am I thinking?! binalewala ko nalang ang isiping yon at binalingan muli ang bata, iginiya ko ito papunta sa bench. Kinuha ko ang panyo ko at itinali sa sugat nito.



Gusto mo ng ice cream Andrea?  tumango naman ito kaya umalis muna ako at bumili kay Manong.


Pagbalik ko ay nakaupo parin doon si Andrea at walang imik.. ang bait naman ng batang ito sa isip isip ko...


Andrea oh smile ka na… ngumiti naman ito at kinuha ang ice cream…


pagkaubos ay nagulat nalang ako sa ginawa nito… niyakap niya ako at sinabing…



Tentsu ^____^ at ngumiti ito ng sobrang lapad...


Hindi ko alam pero parang may naramdaman ako nung niyakap niya ko.. tss siguro magaan lang talaga ang loob ko dito sa batang to.




Andrea! diyos ko san ka ba nagpunta?? kanina pa kita hinahanap....lumapit sa amin ang isang may edad na babae..



Ahm excuse me po ako po yung nakakita sa bata kanina...nakita ko po siyang umiiyak kanina dahil nadapa po siya'..  panimula ko dito.




Naku iho salamat ha! diyos ko lagot ako sa amo ko kung di ko ito nakita...maraming salamat talaga... kinarga nito ang bata at tuluyan ng umalis. Bago sila umalis ay nakita kong nagwave sa akin si Andrea, ngumiti lang ako at nagwave back sa kanya..
















Kelan kaya ako magkakaron ng anghel sa buhay ko? napailing nalang ako sa isiping yon at tuluyan ng bumalik sa opisina.




























please vote and comment!

ANG LIHIM NI MILO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon