Chapter Sixteen

43.4K 943 38
                                    


"Ready?" tanong kay Joy ni Ian.

"Yep!" excited pang sagot ni Joy at nagpatiuna na sa pagpunta sa kotse nila. Dala niya ang isang traveling bag na may lamang pang-tatlong araw na mga damit. Saktong binigyan siya ni Genna ng ilang blouse dahil mahigpit na bilin ni Ian na hindi siya magdala ng mga damit na normal niyang isinusuot.

Matagal-tagal na rin simula nang huli siyang makapunta sa Tagaytay. Inalis niya kasi 'yun sa choice ng mga pagtataguan niya noong naglayas siya dahil alam ng kapatid niya na paborito niya 'yung puntahan pag may problema siya. Saktong-sakto at doon siya dadalhin ni Ian.

Actually, may bahay na roon si Joy. Sa ngayon, pina-uupahan niya 'yun para sa mga turista na pumupunta sa Tagaytay. Tumawag pa siya kanina lang sa tagapamahala niya roon kung may bakante at nagkumpirma naman itong meron. Hindi naman kasi peak season.

"May titirahan na ba tayo roon? I know a place," tanong niya kay Ian pagkasakay pa lang nito sa kotse.

"Meron na. Everything is settled. Don't worry, just enjoy this vacation." Ngumiti pa ng malapad si Ian saka pina-andar ang sasakyan.

Habang nasa biyahe, nagt-type si Joy sa cellphone niya ng kung anu-anong pumapasok sa isip niya. Sa bawat makita niya kasing nadaraanan nila, may naiisip siyang istorya. Sayang naman kung hahayaan niyang mawala na lang basta ang mga idea niya.

Napag-isip-isip niyang tama si Ian. Hindi naman talaga lahat nagtatagumpay sa unang subok pa lang. Siguro sa ngayon bigo siya. Pero darating ang araw ng break niya. 'Yung araw na matutupad ang pangarap niya.

"Sino ba 'yang ka-text mo? Kanina ka pa d'yan a?" halata sa boses ni Ian ang pagka-inis.

Nagkibit lang ng balikat si Joy at nagpatuloy sa pagt-type.

"Mary Joy! Kapag hindi mo tinigilan ang pakikipag-text sa kung sino man 'yan, babalik tayo sa bahay!" pagbabanta ng binata.

Tinitigan niya ito saka hindi niya napigilang matawa.

"Ano bang problema mo? Kanina lang good mood ka a?"

"Ako ang kasama mo tapos iba ang inaasikaso mo. Sino namang matutuwa?"

"Ang seloso nito!"

Natigilan sandali si Ian. "Hindi ako nag-seselos, okay? Sinasabi ko lang, ako lang dapat ang asikasuhin mo simula ngayon hanggang matapos ang bakasyon natin."

"Seloso na, demanding pa," pabulong pero rinig namang sabi niya.

"Hindi nga-"

"Oo na. Titigilan na po," aniya saka ibinaba ang cellphone sa dashboard. Hinayaan niya na lang na dumaan lahat ng idea niya kesa mainis na naman ang binata.

Hindi niya mapigilang mapa-iling. Kahit kailan talaga, ang lakas ng sapak!

~*~

Nagising si Joy sa ingay ng cellphone niya. Hindi niya namalayang naka-idlip na pala siya at pagtingin niya sa labas, nasa Cavite na sila. Kinuha niya ang cellphone at sinagot.

"Joy!" masiglang sabi ng nasa kabilang linya bago pa man siya makapagsalita.

"JL?" tanong niya nang mabosesan ang babae. Ito 'yung muntik niya nang masagasaan. Nag-palitan sila ng number nang araw din na 'yun at sinabi nitong babalitaan siya.

"Hey, I need someone. Pwede ka ba?"

"Naku. Sorry, JL ha? Papunta kasi ako sa Tagaytay ngayon e. Magbabakasyon ako for three days," aniya.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon