Chapter Thirty

47.4K 1K 73
                                    

"Bakit kailangang dito pa tayo mag-breakfast?" tanong ni Joy kay Ian.

Narito sila ngayon sa Lovie Patty para raw mag-breakfast ayon kay Ian.

"Ayaw mo ba ng luto ko?" kunwa'y nagtatampong sabi niya at ngumuso pa.

Lumingon agad sa kanya si Ian saka hinawakan siya sa magkabilang pisngi.

"Sweetie, alam mo namang mahal ko ang luto mo 'di ba? 'Wag ka nang magtampo d'yan. Kailangan ko lang talagang kausapin si Pat. Importante e," sabi ni Ian.

"Importante na hindi pwedeng mamaya na lang?" aniya pa.

Ngumiti si Ian saka siya pa-smack na hinalikan sa mga labi.

"Trust me, kailangan ko na siyang makausap ngayon bago pa ako dagain," natatawang sabi ni Ian saka siya inalalayan papasok sa loob ng resto.

Ngumiti na siya saka ikinapit pa ang isang kamay sa braso ni Ian.

"Okay, sabi mo e," aniya.

Um-order lang ng pagkain si Ian at pumasok na rin agad ito sa loob ng opisina ni Patrick. Naiwan siya roong mag-isa at pinagmasdan niya lang ang mga halaman sa labas. Napansin niyang parang dumami ang mga 'yun at mas gumanda. Nagkaroon din ng iba't-ibang klase ng bulaklak.

"Joy?"

Napalingon siya agad nang marinig ang pangalan niya. Nagulat siya pero napangiti rin agad nang makita ang binata.

"Hey, long time no see!" aniya.

~*~

Kanina pa tawa nang tawa si Patrick dahil lang sa sinabi niya. Masama na ang tingin niya rito pero wala itong paki-alam at patuloy pa rin sa pagtawa.

"Pat, minsan lang ako mag-seryoso..." aniya sa seryoso pang tono.

"Pfft! Gago! Tigilan mo nga ako! Hindi bagay sa'yo!" anito pa sabay tawa nang malakas. Halos hindi na ito magkanda-ugaga sa pagsapo sa tiyan nito dahil mukhang sumasakit na sa katatawa.

"Wala naman akong makitang nakakatawa sa sinabi ko a!" pagmamaktol niya pa.

"'Tol, walang nakakatawa sa sinabi mo. Ang nakakatawa, 'yung hitsura mo nung sinabi mo 'yun!" anito pa uli sabay tawa.

Pagkatapos niya pa lang sa unang sentence ng sinasabi niya rito kanina, bumunghalit na ito ng tawa. Seryosong-seryoso kasi siya. Ganun naman talaga dapat kapag nagsasabi ng ganoong bagay e. Hindi naman kasi 'yun biro.

"Anyway, pumapayag ako," ani Patrick. "Kahit hindi ka na magsabi pa," anito pa sabay tawa na naman.

"Tss. Mamaya niyan hindi ka na makahinga sa katatawa mo! Tigilan mo na nga! Napapahiya na nga ako e!" aniya sabay tayo. "Pero walang bawian ha! Pumayag ka na!" Tumalikod na siya at naglakad palabas ng pinto.

"Oo na! Wala naman akong choice!" sabi ni Patrick bago siya tuluyang makalabas ng opisina nito.

Naiiling na isinara ni Ian ang pinto ng opisina ni Patrick. Nakangiti pang lumingon siya sa mesang pinag-iwanan kay Joy para mapasimangot lang din.

Naroon pa rin si Joy pero may kausap itong lalaki. Tumatawa pa ang dalaga dahil sa kung anong sinasabi ng binata.

Naikuyom niya agad ang kamao at inis na lumapit sa mga ito.

"Sweetie," aniya at pinilit na ngumiti.

Tumingin agad sa kanya si Joy. Tumayo pa ang huli at kumapit sa braso niya.

"This is my husband—I mean future husband, Christian Lim."

~*~

Papalapit pa lang si Ian, nakita na agad ni Joy na madilim ang mukha nito. At sa pagakakatingin pa lang nito sa likod ng kausap niya, alam niya na kung bakit.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon