Chapter Thirty Four

37.7K 918 34
                                    

Alas-syete nang magising si Joy at wala na sa tabi niya si Ian. Malamang, madaling araw nga ito bumalik sa sariling kwarto. Mahirap nang mahuli ng Mama nito.

Nag-ayos agad siya at bumaba para sa almusal. Sila na lang ni Christine ang hinihintay at nakahanda na ang almusal sa hapag.

"Sweetie! Good morning!" Tumayo pa ang binata at ipinaghila siya ng upuan.

Ngiti lang ang isinagot niya kay Ian bago siya na-upo roon. Alanganing tumingin naman siya sa mga magulang ni Ian saka binati ang mga ito.

"Good morning po," aniya.

"Good morning naman, hija," magkapanabay pang sabi nang dalawang matanda.

Ilang saglit lang din, dumating na si Christine at naupo sa tapat niya. Ngumiti pa ito sa kanya saka siya binati.

Sumasandok na sila ng pagkain nang magsalita si Christine.

"Ma, Pa, naggagala 'ata 'yung pusa ng kapitbahay natin. Nakita ko kagabi dumaan sa may balcony," anito. Tumingin pang saglit ang dalaga sa kapatid habang sinasabi ang "pusa".

Napatingin siya kay Ian nang bigla itong masamid. Hindi naman 'yun nahalata ng iba dahil nakatingin ang mga ito kay Christine.

"Naku Ma, Pa. Baka mamaya niyan mang-gulo 'yun dito. Mahirap na."

"Hayaan mo na lang muna. Baka naman napadaan lang," sabi ng ama nito.

Nagkibit ng balikat si Christine. "Well, baka nga nakidaan lang. Baka may nililigawang pusa sa kabila," walang anu-anong sabi nito.

Pinigilan niyang matawa ng malakas nang makita niya ang pananaway na tingin ni Ian sa kapatid. Alam naman nilang pareho na hindi pusa ang tinutukoy nito kundi ang binata na dumaan sa balcony para puntahan siya sa kabilang kwarto.

Tahimik lang na nagsikain sila ng ilang minuto hanggang sa bigla na namang nagsalita si Christine.

"Saan ka natulog kagabi, kuya?"

Halatang nagulat si Ian sa tanong ng kapatid. Pati ang mga magulang nito, napatingin kay Ian.

"Sa kwarto ko. Saan pa ba?" ani Ian.

"Oh, I thought you went outside. Akala ko hindi ka umuwi kagabi. Wel..."

Nagkibit lang ng balikat ang mga magulang ni Ian. Si Joy naman, nagpipigil ng tawa. Masama na kasi ang tingin ni Ian sa kapatid. Si Christine naman, nagawa pang mang-asar sa pamamagitan ng pag-belat sa kapatid.

"Ate Joy, pwede ka ba later? Labas tayo?" baling sa kanya ni Christine.

O-Oo na sana si Joy nang maalala si JL.

"Naku, sorry Christine. Naka-oo na kasi ako sa kaibigan ko. Bukas pwede ako," aniya.

Ngumiti agad si Christine. "Sure! Sige, bukas na lang," anito.

"Kung nagt-trabaho ka na, mas may magagawa ka sanang mabuti sa oras mo," singit ni Ian.

Pina-ikot lang ni Christine ang mga mata niya.

Sinaway naman ni Joy si Ian dahil sa sinabi nito.

"It's okay Ate Joy. Sanay na ako. Besides, wala namang effect sa'kin 'yan," ani Christine sabay tawa.


~*~


"Uhm, Mama..." pagsisismula ni Joy nang maiwan sila ng ginang sa sala. Pumasok na sa opisina si Ian at umalis na rin si Christine at ang ama nito.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon