Pakiramdam niya ay bumagsak ang mundo niya nang tlikuran siya ni Joy. Kung anu-anong pumasok sa isip niya. Hindi mawala roon na iiwan na siya ng asawa.
Iniisip pa lang na mawawala na ito sa kanya ay nadudurog na ang puso niya. Parang may pumipiga roon at halos hindi siya makahinga.
Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha niya.
Hindi siya papayag na iwan siya nito. Hindi siya papayag na mapunta lang sa wala ang lahat.
"MJ!"
Mabilis na sinundan niya ang asawa papasok sa loob hanggang sa makarating sila sa balcony. Doon niya naabutan si Joy na hilam na sa luha.
"MJ..."
Parang mas lalo pang kumirot ang dibdib niya nang makita ito.
Siya ang mas nasasaktan habang tinitignan ang asawang hindi magkanda-ugaga sa pagpunas ng mga luha. Hindi niya na malaman kung anong gagawin niya. Lumapit siya rito pero umatras ito at pinigilan siya.
"I thought we're okay," ani Joy. May pag-aakusa sa tinig nito at nakatitig sa kanya. "Akala ko nagkaka-intindihan na tayo. Na naniniwala ka nang mahal kita. Ian, I told you like a hundred times that I love you. I love you so much that it hurts. Pakakasalan ba kita kung hindi?" anito pa kasabay ng tuloy-tuloy na pagtulo ng luha.
Gusto niya itong yakapin at punasan ang mga luha pero natulos na lang siya sa kinatatayuan niya. Mayamaya ay nagsalita na rin siya.
"Pero bakit nakipagkita ka pa rin sa kanya?" mahinang sabi niya. Halos pabulong na lang 'yun at hindi siya magtataka kung hindi 'yun narinig ni Joy.
"He's still my best friend, Ian. At kung ano man ang nararamdaman ko noon para sa kanya, matagal nang wala 'yun! Maybe, it wasn't even there at all. Dahil kung totoong mahal ko siya noon, bakit ako natutuwa sa tuwing naroon ka? Bakit minsan nagdarasal ako na sa tuwing uuwi si Kuya ay sana kasama ka? Na kahit na wala ka namang ibang ginagawa kundi inisin ako e gusto ko pa ring nakikita ka?"
Parang may bumundol sa puso ni Ian sa sinabing 'yun ni Joy. Kahit na sinabi na nito iyon nang kasal nila, iba pa rin ang pakiramdam niya na marinig uli ito sa asawa.
"Pero hindi mo masasabi kung anong nararamdaman niya, MJ. Natatakot lang akong agawin ka niya sa akin," aniya.
"He won't!"
"How can you te—"
"He's fucking married! At magkaka-anak na sila. Kung hindi ka umalis kanina, kasama ka sana namin... pati ng asawa niya. Hinatid niya lang ako rito dahil sa pagpipililit na rin ni Aaliyah dahil sa pag-aalala sa akin."
Lalo siyang natahimik sa narinig. Hindi niya alam ang bagay na 'yun.
Hanggang sa ngayon kasi, nakatatak sa utak niya ang sinabi ng lalaki nang unang beses nila itong makita sa restaurant. "I'm here to fulfill my promise."
Magsasalita na sana siya nang unahan siya ni Joy.
"He's not back here to fulfill that stupid promise," anito na parang nabasa ang nasa isip niya. "At kahit na bumalik pa siya para roon, hindi ako pakakasal dahil lang sa nangako siya. Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko dahil ikaw ang mahal ko."
Napatungo siya at tipid na napangiti. Mahal siya ni Joy. Mahal siya ng asawa.
Ilang sandali rin siyang ganun saka huminga nang malalim. Maya-maya'y nag-angat ng tingin.
"I... I'm sorry, MJ."
Nakita niyang huminga rin nang malalim ang asawa at tinalikuran siya. Humalukipkip ito at humarap sa kakaunting mga ilaw ng syudad.
BINABASA MO ANG
He's My Bride
Romance[Completed] One True Love Series #3 NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!!NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! Paano kung ang nakatakd...