Chapter Twenty

42.7K 953 52
                                    

Hindi maipaliwanag ni Ian ang naramdaman nang makita niya si Joy na nakikipag-usap sa ilang empleyado niya. 'Yung kaninang sobrang bad trip niya, nawala na lang na parang bula. Hindi niya na napigilan ang sarili at nilapitan ito, niyakap at hinalikan sa mga labi. Wala siyang pakialam kung nasa harap man sila ng ibang tao.

Natuwa rin siya nang marinig ang pagpapakilala ni Joy. Joy Lim. Para sa kanya, ang sarap nung pakinggan.

Sa tuwa niya dahil ipinag-bake uli siya nito ng cookies, mabilis niyang nilantakan 'yun. Kahit kasi hindi naman marunong magluto ang dalaga, pagdating sa cookies nito, sarap na sarap siya. Talo pa nun ang cookies na ginagawa ng Mama niya. Kaya naman, hindi niya napansin nang pagsubo niya, nabulunan siya.

Nang daluhan siya ni Joy dahil sa nangyari, hinila niya ito para iupo sa kandungan niya. Gusto niya lang masigurong totoo ang nangyayari. Na naroon nga ang dalaga sa tabi niya at ipinag-bake siya ng cookies.

Nang maramdaman ang init ng katawan nito na pamilyar sa kanya, ngumiti siya at nagpasalamat.

"Thank you," aniya.

Naramdaman niya ang pagkailang ng dalaga dahil sa pwesto nila pero nay sigla pa ring sumagot ito.

"Wala 'yun. Bumabawi lang naman kasi hindi ako nakasipot kanina," anito.

Napangiti siya nang maalala ang pakiramdam niya kanina nang hindi ito sumipot sa usapan nila. Sobrang inis niya na lahat na lang napag-buntunan niya. Pero ngayon, nawalang lahat ng inis na 'yun at sobrang saya niya na.

"I love you," wala sa sariling sabi niya.

Naramdaman niyang natigilan si Joy. Kahit siya, nagulat sa nasabi niya. Oo, 'yun ang nararamdaman niya pero hindi naman siya ang tipo na basta na lang magsasabi ng ganoong mga salita. Sa tanang buhay niya, si Joy pa lang ang sinabihan niya nun. At ito mismong oras na ito ang kauna-unahang beses na sinabi niya ang mga salitang 'yun.

Inakala niyang aalis na lang si Joy sa kandungan niya at lalabas ng opisina niya pero hindi 'yun nangyari. Bagkus, niyakap pa siya nito at hinalikan sa buhok. Bolta-boltaheng kuryente ang naramdaman niyang dumaloy sa katawan niya dahil lang sa halik na 'yun. To think na sa buhok niya pa lang 'yun.

Hindi niya na napigil ang sarili at niyakap ito ng mahigpit. Hinalikan niya ito sa pinakamalapit na maaabot ng mga labi niya.

Hindi siya nakuntento at hinalikan pa itong muli pataas sa panga nito hanggang sa pisngi. Tumigil siyang sandali at tinitigan ito. Nakapikit ang dalaga habang hinihintay ang susunod niyang gagawin. Ngumiti siyang sandali bago ito hinalikan sa noo pababa sa mata at sa ilong nito. Narinig niya pa ang mahinang pagsinghap ng dalaga nang maglapat ang mga labi nila.

Tulad ng mga naunang beses, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman habang hinahalikan ang dalaga. Para siyang nalalasing sa mga labi nito. Napa-ungol siya nang maramdaman ang mga kamay nitong humaplos sa mga pisngi niya bago 'yun sumuklay sa buhok niya.

Nagsimula siyang haplusin ang likod nito habang patuloy ang mas lumalalim pa nilang halik. Hindi na siya nag-isip at mabilis na ipinasok ang kamay sa blouse ng dalaga. Hinaplos niya ang makinis nitong likod bago na-abot ng kamay niya ang suot nitong panloob.

Ibinaba niya ang halik sa leeg nito bago niya inalis ang pagkaka-sara ng bra nito. Tumigil siya sandali para alamin ang reaksyon ng dalaga at nang wala naman itong ginawa, nagpatuloy siya sa paghalik sa leeg nito habang hinahaplos ang likod nito papunta sa dibdib. Malakas na pagsinghap ang isinalubong ng dalaga sa paglapat ng kamay niya sa hubad nitong dibdib. He played with her peak habang pababa ang mga labi niya sa dibdib nito.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon