Chapter Forty Five

39.4K 844 44
                                    


"Hi, Joy! I'm glad you came!" salubong sa kanya ni Aaliyah nang makarating siya sa Starbucks. Doon nila napag-usapang magkita ng mag-asawa.

Nakipag-beso pa ito sa kanya saka siya hinawakan sa magkabilang kamay.

"Hi! Glad to see you. You're glowing!" bati niya sa babae habang pinagmamasdan ito. Natutuwa siyang tignan na mukhang mas lalo pa itong gumanda nang magbuntis.

"Well..." Nagkibit ito ng balikat bago tumingin sa tiyan. Mayamaya ay bumaling sa asawa.

"Nice to see you, Joy," ani Rei sa kanya. "You look... happy," anito pa.

"Oh, I am," mabilis na sagot niya.

Itinuro sa kanya ni Rei ang upuan. "Sit down. I'll get your order. What do you want?" tanong nito.

Ibinigay niya ang order dito saka bumaling kay Aaliyah nang maka-alis ang lalaki.

Nagkamustahan lang sila sa kanya-kanyang buhay. Nai-kwento sa kanya ni Aaliyah ang mga detalye sa pagbubuntis nito. Hindi niya mapigilang maisip kung kailan niya mararanasan ang mga 'yun. At iniisip pa lang, nae-excite na siya.

"How about you? I'm sure you and your husband wants to have your kids soon," ani Aaliyah na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Tumango siya ng bahagya. "We've talked about having kids, yes. We're just waiting for it to happen."

"Oh, I hope it'll be soon."

"I hope so too," aniya.

Noon dumating si Rei at iniabot sa kanya ang order niya.

"Saan nagpunta si Ian? Bakit wala siya?" tanong ni Rei nang makaupo.

"I told you, he has to take care of some business."

"You're in your honeymoon. Can't it wait?"

Nagkibit siya ng balikat. "Matagal niya nang gustong makuha ang kliyenteng 'yun. It just happens that it's the only available time for the client. I don't mind though. It's just a day," aniya.

Totoo namang walang problema sa kanya kung pumunta man si Ian sa Maynila sa araw na 'to. Kung tutuusin nga, ayaw pang umalis ni Ian, siya lang ang nagpilit. Nanghihinayang kasi siya dahil sinabi nitong matagal na nitong gustong makuha ang kliyente na 'yun.

"Okay, you say so."

Inabot din sila ng ilang oras sa pagku-kwentuhan. Papadilim na rin ng magpasya siyang umuwi na.

"Ihahatid na kita sa inyo," ani Rei.

Dumating kasi ang pinsan ni Aaliyah na talagang kikitain nila sa Tagaytay kaya naman busy na rin ang babae sa pakikipag-usap.

"Hindi na, I'm fine. May mga tricycle naman d'yan," aniya.

Bumaling siya kay Aaliyah.

"Uhm, Aaliyah, I have to go," aniya.

"Oh! Okay, take care of yourself." Bumaling ito sa asawa. "You drive her home. I'll be fine in here," anito kay Rei.

"No need for that. I can manage," aniya.

"Oh, please. We wouldn't want you to go home by yourself at this hour. It's already dark outside. Go on, let him drive you home," anito pa.

Tumango na lang siya dahil mukhang hindi talaga ito papayag na hindi siya maihatid ni Rei pauwi.

"It was nice to see you again. Let's do it again sometime— when my husband is free," aniya.

Niyakap siya saglit ni Aaliyah para magpaalam. Nagpaalam rin siya sa pinsan nito bago sila umalis ni Rei.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon