Chapter Twenty Two

37.7K 887 136
                                    

Maagang nagluto si Joy para kay Ian. Nabanggit kasi ng Kuya niya na mag-iinom ang mga ito. Madaling araw na rin nang marinig niyang dumating ang sasakyan nito. Sinilip niya pa ito mula sa bintana ng library at napansin na lasing ang binata. Gusto niya sana itong labasin nang nakaraang gabi kaya lang ay nagbago ang isip niya.

Soup ang iniluto niya. Oo na, instant 'yun pero siya pa rin ang nagsalang nun kaya technically speaking, siya ang nagluto.

Hinintay niya na lang na bumaba si Ian mula sa kwarto nito. Nagluto rin siya ng hiwalay na hotdog para kay Rihanna. 'Yun kasi ang bilin nito na gustong almusalin.

Pagkatapos ng dalawang oras na paghihintay, bumaba na rin si Ian sa kusina. Si Rihanna, sigurado siyang bandang alas-diyes na 'yun bababa tulad nang lagi nitong gising.

"Good morning!" bati niya kay Ian.

Tinanguhan lang siya nito bago nito hilutin ang sintido. Siguradong may hang-over pa ito mula sa pag-iinom kagabi.

"Iinitin ko lang 'yung sabaw." Tumayo agad siya saka isinalang uli ang soup. Bumalik siya sa tabi ni Ian kapagkuwan at inilagay sa harap nito ang gamot sa hang-over. "Inumin mo 'to pagkatapos mong kumain," aniya.

Tumango lang ulit si Ian saka tumitig sa kawalan. Gusto niya sanang kausapin ito pero mukhang wala ito sa huwisyo kaya hinayaan niya na lang muna.

Nang uminit ang sabaw, inilagay niya na ito sa harap ng binata. Hinihintay niyang mawala kahit paano ang hang-over nito at baka sakaling kausapin na siya nito. Tutal Linggo naman, balak niya sanang mag-bonding naman silang dalawa.

Pero natapos na itong kumain at uminom ng gamot, hindi pa rin siya kinibo nito. Tumayo lang ito pagkatapos at bumalik sa kwarto nito.

Pagkalipas ng isang oras, lumabas ito na nakabihis at mukhang may pupuntahan.

"Saan ang punta mo?" hindi niya napigilang itanong.

Saglit lang itong tumingin sa kanya bago sumagot.

"D'yan lang," anito.

Nagtataka man, hindi niya na lang pinansin ang inaasal nito sa kanya.

Wala pang sampung minuto, lumabas naman si Rihanna sa kwarto nila at bihis na bihis.

"Babe! Maggagala lang ako ha? Busy ka naman e. Bye!" Humalik pa ito sa pisngi niya bago nagmamadaling lumabas ng bahay. Dahil mag-isa na lang siya, nagpasya siyang ipagpatuloy na lang ang pinagkaka-abalahan niya ilang araw na.

~*~

Ilang araw niya nang napapansin na malamig ang trato sa kanya ni Ian. Hindi niya na alam kung anong isiipin dahil wala naman siyang nagawa na ikagagalit nito. Sinusubukan niya itong kausapin nang mga nakaraang araw pero madalas na malalim ang iniisip nito at palaging sinasabing busy.

Naiinis na siya pero iniintindi niya na lang. Baka nga busy lang ito. Nagkukulong na lang ulit siya sa library para mabaling naman ang isip niya.

Nasa kalagitnaan siya ng ginagawa nang maalala ang sinabi sa kanya ni Ian isang beses na kumakain sila. Kailan mo kaya ako ipagluluto ng ganito? Napangiti siya sa sarili at naka-isip ng plano para mapasaya naman ang binata. Mabilis na naligo at nagbihis siya saka inilabas ang kotse niya.

Thirty minutes lang, naroon na siya sa pupuntahan. Pinagbuksan siya ng gate ng isang katulong.

"Joy, hija!" salubong sa kanya ng ginang.

"Mama! Hello po," aniya.

Naisip niyang dahil hindi siya makapagpaturo sa yaya niya ng pagluluto dahil siguradong aasarin siya ng pasaway na kuya niya, sa Mama na lang ni Ian siya magpapaturo. Sigurado pang magugustuhan ni Ian ang timpla dahil kinalakihan nito ang luto ng ginang.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon