Tumayo agad si Joy mula sa pagkakaharap sa laptop niya nang marinig ang sasakyan ni Ian.
Natatawa na lang siya pag naaalala ang nangyari kanina sa opisina nito. Ayaw siyang pauwiin ng binata at niyakap pa siya ng mahigpit kahit na nasa pinto na siya. Napagbuksan pa sila ng bagong sekretarya nito sa ganoong ayos.
Sisinghalan pa sana nito ang babae dahil hindi man lang kumatok pero pinigilan niya. Sa huli, siya rin ang nasunod at umuwi siya para tapusin ang ginagawa.
Lalabas na sana siya ng library nang may maalala. Sa mga napanood niya sa CCTV, nakakatawa ang hitsura nito sa tuwing tatambay sa harap ng pinto ng library.
Mabilis na pumunta siya sa computer sa sulok para panoorin ang mga gagawin ni Ian.
Pumasok ito sa sala at tumingin agad sa pinto ng library. Nakangiti pa ito nang una pero nang makita ang "do not disturb" sign ay inis na hinampas nito iyon. Humalukipkip ito saka tinitigan ang pinto. Pinag-iisipan siguro kung papasok sa loob o hindi.
Natatawang pumunta agad siya sa pinto at binuksan 'yun.
Papatalikod na sana si Ian nang hilahin niya ito at walang anu-anong hinalikan sa mga labi. Gulat na gulat ito sa ginawa niya pero yumakap din naman agad ng mahigpit.
"Akala ko matagal pa 'yung ritwal mo sa harap ng pinto kaya binuksan ko na," aniya nang maghiwalay ang mga labi nila.
Kumnot aad ang noo nito. Hindi maintindihan kung paanong nalaman niyang naroon ito sa harap ng pinto. Ngumit agad siya nang malapad saka itinuro ang CCTV camera sa isang sulok ng kisame.
"What the—"
Tumawa siya ng malakas saka niyakap pa itong muli.
"Pasalamat ka na lang sa mga 'yan. Kundi, baka ten years pa bago mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Rihanna," aniya.
"What exactly did she say?"
Nag-dalawang isip siya kung sasabihin dito ang mga 'yun. Sa huli, napagpasyahan niyang sabihin na rin.
"Sabi niya, you did 'it' in every corner of this house. I was so close to setting this damn house in fire, you know," aniya.
Ngumiti ito nang malapad sa sinabi niya.
"That's how much you love me, e?" anito.
"What? I didn—"
"I love you more though," ani Ian saka hinalikan siyang muli sa mga labi.
Isinandal siya nito sa nakabukas na pinto ng library. Ramdam niya pa ang pagtama nito sa pader bago idiin ni Ian ang sarili sa kanya.
Hindi niya na namalayan kung gaano katagal na magkalapat ang mga labi nila. Ang alam niya lang, mas masuyo ang bawat paggalaw ng mga labi nito.
Hindi siya pumalag nang maramdaman ang mga palad nito na pumasok sa t-shirt niya. Hinahaplos nito ang tiyan niya at hindi niya maipaliwanag ang init na naggagaling doon. Napaliyad pa siya nang dumako ang mga palad nito sa likod niya. Hindi niya mapigilan ang mapaungol habang hinahaplos nito ang likod niya.
Hinigpitan niya ang pagkakayakap kay Ian nang bumaba ang mga labi nito sa leeg niya. Napapikit na lang siya sa sensasyong nararamdaman niya.
Mayamaya ay naramdaman niyang iniangat nito ang t-shirt na suot niya. Itinaas niya ang mga braso para tulungan itong alisin iyon.
Hindi nag-aksaya ng oras ang binata at inilapat muli ang mga labi sa leeg niya. Napakapit siya sa pinto nang bumaba pang muli ang mga labi nito. Naaalala niya ang pakiramdam ng mga labi ni Ian sa dibdib niya at hindi siya makapaghintay na madamang muli iyon.

BINABASA MO ANG
He's My Bride
Romance[Completed] One True Love Series #3 NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!!NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! Paano kung ang nakatakd...