"Anong tipo mong babae?" tanong ni Joy kay Ian.
Naglalakad sila ngayon sa Central Park at naghahanap ng matatambayan.
"Tipo ko?"
"Oo, tipo mo, alangan namang ako di ba? E ako yung nagtatanong."
"Bakit mo tinatanong?"
"Tsk! Dami namang arte! Sasabihin lang eh." Humalukipkip pa si ang dalaga pero sumagot naman. "Well, napansin ko kasing wala kang girlfriend. Kahit noon pa, wala kang ipinapakilala. Mapili ka siguro 'no?"
Nagkibit-balikat siya. "Ang gusto ko sa babae? Yung simple lang. Walang arte sa katawan. Yung pagsisilibihan ako at iintindihin lahat ng topak ko. Maganda pero hindi siya aware. Matalino pero hindi niya pinangangalandakan. Yung ganun," aniya.
Tumawa si Joy sa sinabi niya. "Kaya naman pala wala kang girlfriend eh! Sa panaginip lang nag-eexist yang gusto mong babae!"
"Hindi din. Nag-eexist siya, hindi niya lang alam," sabi ni Ian.
Naiiling na lang na lumingon sa harapan si Joy. Tila may naisip ito at itinuro kay Ian ang babae sa unahan.
"Ayan, type mo ba? Ang sexy o! Hayahay ka d'yan!"
Natawa si Ian. "Parang ang perv naman ng dating nung sinabi mo!" Tumingin siya sa babae, "hindi ganyan ang type ko. Saka nakatalikod yan o! Hindi ko naman nakikita ang mukha," aniya.
"Choosy talaga! Paano ka magkaka-girlfriend n'yan?"
"Meron na. May asawa na nga ako di ba?"
Umirap lang si Joy, hindi pinansin ang sinabi ni Ian. Napakapit pa ang dalaga kay Ian nang unti-unting humaharap ang babae sa unahan nila.
Bahagyang tumingin sa kanila ang babae at lumingon-lingon pa sa paligid.
"Ay! Sana tumalikod na lang siya! Leche!" ani Joy.
Hindi napigilan ni Ian ang matawa ng malakas. Pinagtitinginan na siya ng mga tao pero wala siyang pakialam. Hindi kasi siya makapaniwala sa sinabing yun ni Joy.
Well, maganda naman talaga ang katawan ng babae na nasa harapan nila. Sumablay lang talaga sa mukha.
Nagpatuloy lang sila sa paglalakad, si Joy tahimik na lang at naniningkit ang mga mata. Si Ian naman, hindi pa rin maka-get-over. Tatahimik sandali, tapos tatawa na lang bigla.
"Wala namang nakakatawa! Baliw talaga!" pabulong na sabi ni Joy. Nang matanaw niya ang Bethesda Fountain, nagpatiuna na siya at lumapit doon.
"Ang ganda!" ani Joy.
"Yes, it is," sabi naman ni Ian.
Nakatitig lang sila sa angel statue sa gitna nang foutnain nang may marinig silang sigaw sa di kalayuan.
"Everyone, stop what you're doing and look at us! Black guys dancing!"
Sabay na napalingon ang dalawa. Si Ian, walang interes at lilingon na sana ulit sa fountain nang hilahin siya ni Joy.
"Uy, saan tayo pupunta?" tanong niya.
"Manonood!" exited pang sabi ni Joy.
"Huh? Ayokong manood n'yan!"
"Tsk! Gusto ko!"
Hindi na lang pumalag si Ian at nakiupo sila sa hagdan na naroon kung saan nakaupo ang iba pang tao para manood. May tarpaulin na nakasabit sa gitna na nakasulat "Afrobats".
"Kailan ka pa nahilig manood ng ganito?" tanong ni Ian.
"Ngayon lang," sagot naman ni Joy. "Mag-enjoy na lang tayo. Ngayon lang tayo makakarating dito."
BINABASA MO ANG
He's My Bride
Romance[Completed] One True Love Series #3 NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!!NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! Paano kung ang nakatakd...