Chapter Eleven

41.6K 1K 29
                                    

"Papunta na po kami, 'Ma. Yes, malapit na kami. Traffic lang talaga." Nakinig pa ito sandali sa sinasabi ng nasa kabilang linya bago inis na nagsalita muli. "I know that 'Ma. We'll be there in fifteen minutes. Bye!" Ibinaba na nito ang tawag bago pa makapagsalita ang nasa kabilang linya.

Napa-iling na lang na inalis ni Joy ang tingin kay Ian. Kita kasi sa mukha nito ang inis habang kausap ang ina kanina. It's actually her fault kaya sila male-late ngayon. Natagalan pa kasi sila sa pagpili ng susuotin niya. Kahit ano kasing ipasuot sa kanya ni Ian, hindi niya nagugustuhan kaya naka ilang oras sila sa mall sa pagbili lang ng damit niya. Nauwi sila sa pants at blouse. Though hindi naman siya magmumukhang out of place sa five star restaurant na pupuntahan nila dahil may class naman ang binili niyang damit.

Dalawang araw na rin silang nakauwi sa Pilipinas pero ngayon lang sila magpapakita sa mga pamilya nila. Naglipat pa sila ng gamit sa bahay na inihanda ni Ian para lang sa pag-aasawa nito. Ang totoo, na-impress talaga si Joy dahil hindi niya akalaing ganito palang klase ng lalaki si Ian.

"What are you smiling about?" Napalingon siya nang magsalita si Ian. Naka-kunot pa ang noo nito habang nakatitig sa kanya at binabasa kung anong iniisip niya.

"Nothing," aniya.

"I know I'm handsome. Just say it. You don't have to be shy."

Tinignan niya ng masama ang binata dahil sa sinabi nito. Kahit na madalas naman nito 'yung sabihin, hind pa rin siya nasasanay at naiinis sa tuwing naririnig niyang papurihan nito ang sarili.

Obvious na nga sinasabi pa! Oo na, gwapo ka na!

"O, hindi ka na nakapagsalita d'yan? Kasi totoo 'di ba?" Kumindat pa ito na lalo n'yang ikinainis. Ibinato n'ya agad dito ang nahawakan niyang box ng tissue.

"Aray ano ba 'yan! Ang pikon mo talaga!" natatawa pang sabi nito habang nakataas ang isang kamay para isanggalang sa kung ano pang gagawin niya habang nakatingin ito sa daan at pilit na nagco-concentrate sa pagd-drive.

"Manahimik ka na nga lang d'yan! 'Pag nagsalita ka pa babatukan na kita!" angil niya na ikinatawa lang ni Ian.

Saktong labinlimang minuto nang dumating sila sa restaurant. Kumpleto na ang lahat at sila na nga lang dalawa ang hinihintay. Nakangiting sinalubong siya ng Mama ni Ian pati ng Papa nito. Maging ang kapatid ng binata ay nakangiting niyakap siya. Hindi nakapunta ang isa pa nitong kapatid dahil may inaasikaso raw sa probinsya.

"I'm so glad you came. Akala ko ay iindyanin niyo na kaming dalawa e," sabi ng ginang.

Napatingin siya sa Kuya Patrick niya at nang makitang wala na sa kanya ang pansin ng ibang kasama sa mesa ay binelatan niya ito. Naiiling na lang ito habang nangingiti sa asal niya.

"Dahil kumpleto na tayo, pwede na siguro tayong kumain," ani Papa ni Ian.

Tumawag pa ito ng waiter at sinabihang ihanda na ang pagkain nila.

"How's New York?" tanong ng Kuya niya nakatingin partikular sa kanya.

Ngumiti siya nang malapad saka sumagot. "Ayun, New York pa rin, haha!"

Ngumisi rin ang Kuya niya. "Ano nakagawa na ba kayo ng pamangkin ko?" nang-aasar na tanong nito. Halatang sinadyang sabihin ang bagay na 'yun para inisin siya.

Saktong humihigop ng sabaw si Joy nang sabihin 'yun ng kapatid kaya naman nasamid siya.

Dinaluhan agad siya ni Ian at pinainom ng tubig.

"Sira ka talaga, 'pre!" ani Ian. May halong pag-aalala ang tinig nito pero natatawa naman.

Bwisit talaga 'tong magkaibigang 'to!

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon