Alas-dose na ng tanghali pero hindi pa rin dumarating si Joy. Nag-iinit na ang ulo ni Ian dahil hindi rin ito sumasagot sa mga tawag niya. Nag-aalala na siya at gusto niya na itong puntahan sa bahay.
Nangako ito sa kanya na sabay silang magla-lunch ngayong araw. Ipina-cancel niya pa ang isang meeting niya para lang sa lunch na 'yun.
Sa hindi niya malaman kung pang-ilang beses, sinubukan niya muling tawagan ang dalaga. Pagkatapos ang ilang ring, sumagot din sa wakas si Joy.
"Ian? I'm really sorry. Hindi ko napansin ang oras—"
"It's okay. At least you're fine," putol niya agad sa sinasabi nito.
Nakaramdam siya ng relief pero sa isang banda, nagtatampo siya. Dahil ba siya lang naman ang pupuntahan nito kaya hindi na nito pinagtuunan ng pansin ang oras?
"Sorry talaga. Babawi na lang ako."
"Okay lang. Sige, kumain ka na d'yan," aniya saka ibinaba ang tawag.
Inis na lumabas siya ng opisina niya. Sakto namang nakatayo si Louie, ang assistant niya, at mukhang maglu-lunch na.
"Loiue!" pasigaw na tawag niya rito.
"Yes, boss?" anito, halatang kinabahan sa tono niya.
"Ibili mo ako ng lunch. Kahit na ano!" aniya pa saka malakas na isinara ang pinto. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga empleyado niya. Sanay naman na siya na sinasabihan ng kung anu-ano.
Hindi niya tuloy malimutan ang nakarinigan niya kanina. Sabi ng isang empleyado niya, malaki na raw ang ipinagbago niya simula noong mag-"asawa" siya. Buti na lang daw, nakilala niya si Joy. Nahanap niya na raw ang katapat niya.
Para sa kanya, may point naman ang mga ito. Nang mga nakaraang linggo kasi, madalas na maganda ang mood niya. Kahit na nariyan kasi si Rihanna, malaking oras ni Joy ang nakukuha niya. At sobrang ikinatutuwa niya 'yun kaya isang beses, nagpa-pizza pa siya sa opisina.
Kinuha niya ang cellphone niya nang tumunog 'yun.
From: MJ
Sorry talaga, Ian :(
Napagiti siya pero hindi na nireplyan ang dalaga. Ibinaba niya na lang ang cellphone at hinarap ang laptop niya.
~*~
Kanina pa nakatitig si Joy sa cellphone niya pero wala pa ring reply mula kay Ian. Hindi niya namalayan ang oras kanina dahil subsob siya sa pagsusulat kaya hindi siya nakasipot sa usapan nila nito.
"Hoy, Ian-tot! Tampururot ka na naman! 'Di ko naman talaga sinasadya!" inis na kausap niya sa cellphone niya. Napasimangot na lang siya sa huli at ibinulsa ang cellphone. "Ayaw mo 'di 'wag!" aniya pa na ang tinutukoy ay ang hindi pagre-reply ng binata.
Nagluto na lang siya ng instant pancit kanton para sa tanghalian niya dahil gutom na talaga siya. Actually, kung hindi pa kumulo ang tiyan niya, hindi niya pa mapapansin ang oras. Inis pa ring nilantakan niya 'yun at iniulam sa kanin. Paminsan-minsan, tinitignan niya pa rin ang cellphone dahil baka hindi niya lang narinig na may nag-text.
Mag-aala-una na at hindi siya mapakali. Dapat, susunduin niya na si Rihanna sa bus station ng alas-tres pero nagbago ang isip niya. Napagpasyahan niyang mag-bake na lang muna ng cookies at pupuntahan niya na lang si Ian sa opisina nito. Nagtampo kasi ang hudyo. Para na lang din makabawi siya sa hindi pagsipot ng tanghali.
"Hello, babe?"
"Hey, babe! Papunta ka na ba sa bus station?" tanong ni Rihanna.
"Uhm, babe... sorry pero hindi kita masusundo. May emergency kasi—"
BINABASA MO ANG
He's My Bride
عاطفية[Completed] One True Love Series #3 NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!!NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! Paano kung ang nakatakd...