Chapter Four

49.1K 1.1K 67
                                    

"Okay, makikinig ako. Pwede bang bumitaw ka na?" ani Joy dahil hanggang ngayon ay nakayakap pa rin si Ian sa kanya.

"Mangako ka munang hindi ka mananakit," sabi ni Ian.

Bumuga ng hangin si Joy saka mabilis na tumango. "Okay, okay. Pangako!" aniya pa.

Nakahinga naman ng maluwag si Ian at umalis sa pagkakayakap sa likod niya. Pero hindi pa man nakakalayo si Ian, sinapok na agad siya ni Joy.

"Aray! Nangako ka ah!" inis na sabi nito.

"Promises are made to be broken. Di ka na-inform?" sabi ni Joy saka naupo sa upuan na nasa harap ng mesa ni Ian.

Wala nang nagawa ang huli kundi ang mapa-iling na lang at maupo sa swivel chair niya.

"So, here's my proposition," pagsisimula ni Ian. Nakinig lang ng maigi si Joy at tumitig kay Ian. "Next week, pupunta tayo sa States. Papalabasin natin na nagpakasal tayo doon."

Napukaw ang atensyon ni Joy kaya naman napa-deretso siya ng upo, interesado na sa sinasabi ng binata.

"Pagkabalik natin dito sa Pilipinas, magsasama na tayo sa iisang bahay. Not in the same room dahil alam kong irereklamo mo na yun. The arrangement will last for six months. And after that period of time, we'll decide if we will get married for real or not. Though I know you'll choose the first."

"Wow! Saang pocketbook mo nabasa yan? Ganda ng plot ha? Kaso masyadong clichè. Ano 'to naisip mo nang mai-in-love ako sayo? Yung ang ending mo? Ha-ha-ha!"

"Wag kang tumawa dahil kakainin mo rin ang sinasabi mong yan. Sinisigurado ko sayo, wala pang six months in-love ka na sakin." Si Ian naman ang tumawa ngayon.

"Joke yun?"

Itinuro ni Ian ang mukha niya saka ipinakita ang seryoso niyang mukha. "Seryoso ako, oh. Di mo ba nakikita?"

"Sige, mukhang gusto kong maging cast niyang palabas mo. Kaso may gusto akong isama sa cast bago ako pumayag."

Napakunot ang noo ni Ian. "Sino naman?" tanong niya.

"Nagtanong pa. Malamang yung girlfriend ko, si Rihanna! Dapat kasama siya sa bahay."

Naningkit ang mata ni Ian saka tumitig kay Joy. "May antagonist agad?" bulong nito sa sarili.

Napangiti ng malapad si Joy. "Bakit, threatened ka kay Rihanna? Alam mong hindi ako mai-in-love sayo lalo na't naroon ang mahal ko di ba? Di ba?" Tumawa pa lalo si Joy. "Saka as if naman na ma-in-love talaga ako sayo! Ano ako, bakla? Ha-ha-ha!"

"Oras na halikan kita, kakainin mo lahat ng sinasabi mong yan," nakasimangot nang sabi ni Ian.

"Weh? Di nga?" sabi pa rin ni Joy sabay tawa.

"Aish! Basta next week pupunta tayong States! Ibigay mo sakin yung passport mo, ako nang bahala sa lahat!"

Noon lang tumigil sa pagtawa si Joy saka humarap kay Ian. "Yes, Sir! Pero, may kailangan nga pala ako," aniya.

"Ano yun?" nakasimangot pa ring sabi ni Ian.

"Wala kaming matirahan ni Rihanna. Patira naman sa condo mo habang hindi pa tayo kasal." Pinagdiinan niya yung kasal na para bang nakakatawang bagay yun.

Nag-isip lang sandali si Ian saka tumango. Nag-tsk pa siya saka kinuha ang susi ng condo niya. Iniabot niya yun kay Joy pati ang papel kung saan nakasulat ang eksaktong address nun.

"Salamat, sweetie! Ha-ha-ha!" sabi pa ni Joy saka umalis ng opisina ni Ian.

Naiwan na lang ang huling inis na inis at nakatitig sa nilabasang pinto ng kunwaring mapapangasawa.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon