Chapter Twenty Three

38.7K 921 67
                                    

Dire-deretso lang si Joy papasok sa opisina ng kuya niya sa Lovie Patty. Pagkatapos ng isang oras na pagapaikot-ikot niya kung saan, hindi niya na alam kung saan pupunta at doon siya napadpad.

Simula pa nang umalis siya ng bahay hanggang makarating siya roon ay hindi siya tumigil sa pag-iyak. Pinagtitinginan pa siya ng mga tao nang pumasok siya sa loob ng resto.

"Joy? What happened?" tanong ni Patrick. Halata sa boses nito ang pagpa-panic dahil sa pag-iyak niya.

Tumabi ito sa kanya sa pang-isahang sofa na inupuan niya at sa armrest ito naupo.

Hindi siya sumagot. O mas tamang sabihin na hindi siya makasagot. Masakit na ang panga niya sa kaka-iyak pero ayaw pa ring tumigil ng mga luha niya. Kahit na kaninang pinipilit niyang kumalma, hindi niya pa rin magawa. Para bang may sariling utak ang mga mata niya at patuloy lang sa pag-agos ang mga luha niya.

Naramdaman niya ang pagtayo ng kuya niya mula sa tabi niya. Pagbalik nito, may bitbit na itong baso ng tubig at pilit na ipina-iinom sa kanya.

Kasabay pa ng pang-sinok sa sobrang pag-iyak ay ininom niya naman 'yun.

Nang mahimasmasan kahit paano ay mahigpit na yumakap siya sa kapatid. Matagal ding tahimik lang sila habang hinihimas nito ang likod niya.

"Ano ba talagang nangyari?" tanong ni Patrick nang maghiwalay sila ng yakap.

Tinignan niya muna ang kuya niya bago inisip kung paano sasabihin ang nakita. Nahihirapan siya lalo na't bumabalik sa isip niya ang tagpong 'yun.

"Nakita ko sila, kuya..." pagsisimula niya. Hindi niya na naman napigilan at may tumulo na namang luha sa mga mata niya. "Ang sakit. Ang sakit sakit."

Mabilis na dinaluhan siya ng kapatid nang hindi niya na naman mapigilang umiyak. Hinaplos nito ang buhok niya habang inaalo siya.

Ikinwento niya rito kung anong nakita niya. Naramdaman niya ang galit mula rito kahit na hindi ito magsalita. Hanggang sa matapos siya sa sinasabi ay tahimik lang ito na ikinatakot niya bigla. Kilala niya kung paano magalit ang kapatid. Tatahimik lang ito sa una pero pag nasa harap na ang ikinagagalit ay sumasabog ito and who knows kung anong pwede nitong gawin.

"Kuya..." tawag niya rito.

Bahagyang ngumiti ito sa kanya bago pinunasan ang mga luha niya.

"Tahan na. Umuwi ka na muna sa mansyon at magpahinga," anito.

Tinitigan niya ito sa mga mata. Alam niyang may binabalak ito pero hindi niya mabasa kung ano.

"Kuya, don't do anything—"

"I won't. Halika na, ihahatid na kita sa mansyon," anito pa.

Wala na siyang nagawa kundi ang tumango na lang.

~*~

"Hi, Joy! Kuya Pat!" bati sa kanila ni Aya nang pagbuksan sila ng pinto ng bahay nito.

Nagpumilit siya sa kapatid na dito na muna siya at magpapasundo na lang siya kinagabihan. Ayaw sana nitong pumayag pero nang sinabi niyang kailangan niya ng kasama, napilitan din itong ihatid na lang siya kina Aya.

"Ikaw muna ang bahala d'yan ha?" narinig niyang sabi ng kapatid kay Aya.

"Oo naman, kuya Pat! Susundin mo ba siya mamaya? O 'yung asawa niya ang susundo?" tanong ni Aya.

Hindi agad sumagot ang kapatid niya sa tanong nito. Ilang segundo rin ang lumipas saka ito sumagot.

"Susunduin ko siya."

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon