Kanina pang nakatitig si Joy sa salamin pero hindi pa rin siya makapag-desiyon kung kakausapin niya ang Mama ni Ian o hindi. Kinakabahan kasi siya at baka ma-offend ito.
"Pero hindi ko talaga gusto," maktol niya pang uli habang tinititigan ang sarili sa full length mirror.
Isinama siya ngayon ng Mama ni Ian para i-fit ang wedding gown niya. May kabigatan 'yun at eleganteng-elegante tignan. Aminado naman siyang maganda ang gown, pero hindi niya makita ang sarili niya sa gown na 'yun. Hindi 'yun babagay sa personality niya.
Well, yeah. Bukod pa sa natatakot siyang hindi na makatuloy sa paglalakad sa altar dahil mabigat pa ata sa kanya ang suot niya.
"Are you ready hija?" tanong ng ginang na nasa labas ng fitting room.
"Uhm, opo 'Ma," aniya.
Atras abante pa rin siya kung sasabihin sa ginang na hindi niya gusto ang gown. Pinaghirapan kasi nito ang pagpili sa gown niya tapos aayawan lang niya. Kung tutuusin naman kasi, wala siyang partisipasyon sa pag-aayos ng kasal nila ni Ian.
"You look gorgeous, hija!" sabi ng ina ni Ian nang makita siya.
Tingin niya rin naman nagmukha siyang diyosa sa suot niya pero may mali pa rin e. Saka may naiisip rin siyang design sana ng gown niya.
"Bakit hija? Hindi mo ba nagustuhan?" tanong nito nang mapansin ang pananahimik niya.
"Ano po kasi... 'Ma... Maganda naman po. Gusto ko po ito pero... M-may n-nai-imagine po kasi akong wedding gown para sa kasal ko," lakas loob na sabi niya.
Hindi tulad ng ine-expect niya na maiinis ito o makikitaan niya man lang ito ng ano mang emosyon na hindi maganda, nagulat siyang ngumiti ito nang malapad saka lumapit sa kanya.
"Okay then, sabihin mo sa designer kung anong design ang gusto mo. We still have almost three weeks. Siguradong aabot 'yun sa kasal mo."
Napangiti agad siya nang malapad. "Thank you po, Mama!"
Tumango ito saka hinaplos ang pisngi niya.
"I do understand. I know all girls have their own dream wedding. And we'll make yours come true."
~*~
"Saan po tayo pupunta?" tanong niya sa ginang nang paalis na sila sa boutique na pinagpapagawan ng gown niya.
"Sa venue. Para ma-check niyo naman kung ayos na ba ang magiging enue ng kasal niyo."
Alam niyang "niyo" ang sinabi ng ginang pero hindi niya na itinanong kung kasama si Ian. Nagulat na lang siya nang may yumakap sa kanya mula sa likod at halikan siya sa pisngi.
"Let's go?" tanong ni Ian.
"Hey!" nakangiting bati niya rito. Agad naman siya nitong inakbayan saka hinalikan sa sintido.
"Tara na. At baka gabihin pa tayo sa pag-uwi," sabi ng Mama ni Ian na may mapang-asar na ngiti habang tinitignan silang dalawa.
"Yup! We should go," ani Ian saka siya inalalayan papuntang sasakyan nila.
Sa Tagaytay ang punta nila para tignan ang magiging venue ng kasal nila pati na rin ang reception.
"Papunta na raw roon si Anne. Kitain na lang natin sa mismong venue," ani Mama ni Ian nang matapos nitong kausapin ang wedding coordinator nila sa cellphone.
~*~
Malawak ang magiging venue ng kasal nila at maganda pa ang tanawin. Naiisip na ni Joy kung gaano kaganda ang magiging kasal niya.

BINABASA MO ANG
He's My Bride
Romance[Completed] One True Love Series #3 NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!!NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! Paano kung ang nakatakd...