Napatulala na lang siya sa gitna ng hagdan. Hindi niya malaman kung anong gagawin. Nakatitig lang siya sa kinatatayuan ni Ian nang sabihin nito ang mga salitang 'yun.
Masakit ang marinig mula sa taong mahal mo na hindi ka niya pala gustong pakasalan. Na umaatras na siya sa kasal niyo. Lalo na't binibilang mo ang bawat araw, oras, minuto at segundo sa pagdating ng araw na 'yun.
Ang mga kamay ng Mama ni Ian ang nagpalingon sa kanya. At unti-unti, naramdaman niya ang pagtulo ng mga luha niya.
"Anak..."
Kahit ang Mama ni Ian ay hindi malaman ang gagawin. Mahigpit na yakap na lang ang ibinigay nito sa kanya.
Matagal ring tahimik ang lahat. Tanging ang paghikbi niya lang ang maririnig sa paligid.
"Hello awesome family! I'm home!"
Napatigil siya dahil doon at napatingin silang lahat sa may pinto ng mansyon. Naroon, ang pangalawang kapatid ni Ian na si Catherine, dala pa ang ilang maleta.
"What's wrong?" biglang tanong ng bagong dating. Naramdaman ata ang tensyon sa paligid.
Isa-isa sila nitong tinignan. Nag-iwas agad siya ng tingin para hindi nito makita ang pag-iyak niya. Pagkatapos ay pinunasan niya agad ang mga luha niya.
"What? Pinutol ko 'yung vacation ko sa Paris para sa kasal tapos hindi tuloy?" anito bigla maya-maya. Sa tantya niya, pabulong na sinabi ni Christine dito kung anong nangyayari.
Walang sumagot sa sinabi nito. Napapikit siya ng mariin. Hindi siya papayag na hindi matuloy ang kasal. Gagawa siya ng paraan para lang matuloy 'yun.
"Tuloy ang kasal," pinal na sabi niya.
Alam niyang nakatingin sa kanya ang lahat pero nag-iwas siya ng tingin sa mga ito.
"Hindi po natin ica-cancel ang kasal," sabi niya pa sa Mama ni Ian.
Nakita niya pa ang paghinga nito ng malalim. Nang mag-angat siya ng tingin sa mukha nito, nakangiti ito sa kanya pero may simpatya sa mga mata nito. Hinaplos nito ang mukha niya bago siya niyakap muli.
"Great! Tuloy pala ang kasal e! Maayos ba 'yung dating kwarto ko? Dito muna ako ha?" ani Catherine bago umakyat ng hagdan.
Nang mapadaan ito sa gilid niya, ngumiti ito ng malapad bago siya hinila at niyakap.
"Welcome to the family! I knew you'll be my sister in law! Paano, matutulog na ako! May jet-lag pa ako e. Good night everyone!" anito pa bago nagtuloy-tuloy ng akyat at pumasok sa kwarto nito na katabi ng kay Ian. Pinapagitnaan ng dalawang babae ang kwarto ng Kuya nila.
"Get some sleep, hija. I'm sure bukas kakausapin ka rin ni Ian," ani Mama.
"Yes, 'ma," aniya saka umakyat at nagpunta sa guest room.
~*~
"Paano kung hindi nga ituloy ni Kuya ang kasal?" narinig niyang sabi ni Christine.
Nasa labas siya ng dining roon nang marinig ang boses nito. Papasok na sana siya roon nang mapatigil.
"Itutuloy niya 'yun," sabi naman ni Catherine.
"At paano ka nakasiguro, ate? Hindi mo kasi nakita kung gaano ka-determinado si kuya nung sinabi niya kagabing ica-cancel ang kasal," sagot naman si Christine.
"Alam mo, parang hindi ikaw ang mas madalas na nakakasama ni kuya. Hanggang ngayon hindi mo pa rin siya kilala!"
"Wow ha? At paano mo nasabi, aber?"
BINABASA MO ANG
He's My Bride
Romance[Completed] One True Love Series #3 NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!!NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! NOT BL!!! Paano kung ang nakatakd...