Chapter 5

885 13 0
                                    

Chuck:

Namulat ako at ang nakikita ko lang ay mga pula at asul na ilaw na kumukurap at ito lang nagliwanag sa paligid. Hindi ko ma igalaw ang katawan ko mga mata ko lang ang tanging gumagalaw.

Narinig ko may umiiyak sa gilid ko 'Ina, gumising ka.' maiya iyak na sigaw ni daddy, mahala please gumising ka wag mo akong iwan.

Nakita ko mommy ko na duguan ang walang malay, anong nangyari sa mommy ko? Pilit kong tinawag ang parents ko pero walang lumalabas na boses sa bibig ko.

'Sir, gising na anak nyo.' sabi nang isang lalaki na naka uniporme ng pulis.

'Chuck, Thank God you're awake, just relax anak, wag kang mag alala andito lang si daddy' maiyak iyak na sabi ni daddy, kitang kita ko sa kanyang mga mata ang hinagpis, at pagkatakot.

Ano ba ang nangyari? Ang naalala ko lang papunta kami sa restaurant para mag dinner.

'Sir, ikinalulungkot ko pang sabihin, ginawa na namin ang lahat para isave ang asawa nyo pero hindi na nya nakaya. Dead on the spot siya. We're very sorry for your loss sir.' sabi ng pulis.

Narinig ko ang mga sinabi ng pulis, gusto ko mag wala pero hindi ako makagalaw, gusto ko yakapin si mommy, hindi pwede mamatay siya, hindi ko kayang mawala nanay ko.

Tumulo ang luha ko na yun na lang ang munting magagawa ko. Gusto ko sumigaw pero walang boses.

Hindi ako makahinga, ano ba talaga nangyari. Dad! ano ba nangyari pero walang nakakarinig sa akin.

Riiiiiiing.... Riiiiiiing... Riiiiiing....

Nagising ako sa alarm ng phone ko. Hinihabol ko ang hininga ko hangang sa na relax ako. Pawis na pawis ako kahit malamig ang room ko.

Binangungot na naman ako, ilang gabi na akong binabangungot, hindi pa mawawala sa isipan ko ang pagkamatay ni mommy.

Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko, na miss ko na mommy ko, bakit ang aga nya kami iniwan ni daddy?

'mommy i miss you so much, I love you.' bulong ko sa sarili ko. Huminto akong umiyak at napasyahan kong maligo na para mawala tong dinadama ko.

Pinilit kong kalimutan ang bangungot ko.

Ako nga pala si Chuck De Guzman, 20 na ako, taking up Fine Arts sa isang university sa cebu. Sabi nila bad boy daw ako pero pakitang tao ko lang talaga to, sinadya ko maging bad boy ang porma ko para ma intimidate lahat ng tao sa akin, ayoko ma attach ni kahit na sino, takot na akong ma ulit ang nangyari kay mama. Hindi ko na kaya mawalan ng mahal sa buhay, enough na ang pagkawala ni mommy.

Marami sa school namin ang nag attempt na pumasok sa buhay ko pero binabara ko sila.

Para sa akin dinadaan ko sa laro lahat, kaya napagkamalan akong chickboy sa school pero sa totoo lang hindi ako naniniwala sa pag-ibig. Walang forever!

Speaking of pag-ibig, na alala ko bigla si Nico, Simula nang makita ko siya sa canteen kahapon which is weird kasi patapos na ang sem pero ngayung ko lang siya nakita, san ba siya galing, sa kuweba? Ba't ngayon ko lang siya nakita?

.......

Habang papunta ako sa isang stall sa canteen, kitang kita ang mga girls at mga beki na nagkakagulo, hindi ko nalang pinansin sanay na ako, hindi naman maipagkaila na matameme sila sa akin, gwapo naman ako at maganda ang katawa, maputi at badboy style pa.

'BABY AGAD?' narinig ko na may sumigaw na lalaking nakatalikod, kasama nya isang kaibigan nyang lalaki at si kim, kilala ko si kim kasi nag classmates kami sa isang subject last semester.

'Sinong baby?' sabi ko sa likuran ng isang lalaking kasama ni kim, nanigas siya, ewan ko pero may something sa kanya kaya tumungo ako sa harap nila para makita ko ang lalaki.

'Hi kim, ako ba baby mo?' sambit ko kay kim na may halong pa cute at angas. Ginamit ko lang si kim para makita ko ang mystery guy di ko alam pero may something sa kanya.

Nang nakita ko ang lalaki na nakatalikod kanina, shit, ang gwapo nya, maputi, fit na fit ang katawan mas maganda katawan nya kaysa sa akin, ang kapal ng kilay, mataas ang ilong ang pula ng lips, diyos ko po ang gwapo talaga, bumilis ang tibok ng dibdib ko pero hindi ako nagpapahalata binaling ko nalang focus ko kay kim.

'Ahmmm... Hi chuck, joke lang naman yun. Narinig mo ba?' Nahihiyang tanong ni kim kay sa akin.

'Wag kang mag-alala kim, pag gusto mong maging baby kita, mag apply ka.' pilyo kong sagot sa kanya, pinanatali ko ang angas ko para hindi ma halata ang paghang ko sa lalaking ito.

Nakita kong kumunot ang noo ni gwapong lalaki, parang hindi nya nagustuhan sinabi ko, pero bahala na basta nakita ko na siya okay na yun. Bahala na si batman kung ano maisip niya na maangas ako.

Lumayo na ako sa kanila bago ko pa masungaban at halikan ang lalaking iyon. Naku! ewan ko lang pag nagawa ko yun.

.........

Natapos na akong maligo, binuksan ko cabinet ko at namili ng isusuot ko sa school, kinuha ko ang black jeans at isang plain white t-shirt. Ganito lang ako manamit, simple lang pero maganda din naman kahit papano.

Lumabas ako ng room ko at diretsong pumunta sa labas para lumakad na, nakita ko si daddy sa kitchen umiinum ng kape at nagbabasa ng news.

'Dad, alis na ako' maikling sabi ko sa kanya. 'Okay nak, hindi ka ba kakain?' tanong ni daddy.

'Hindi na po, busog ako sa school nalang ako kakain pag nagutom ako.' explain ko sa kanya.

'Ok cge ikaw bahala, may pera ka pa ba? sabihin mo lang kng wala na bibigyan kita' tanong ni daddy.

'Meron pa naman po kasya pa to. Cge po dad alis na ako baka ma traffic pa ako.' sabi ko kay dad habang kinuha ko susi ng sasakyan ko sa TV stand.

'Bye dad.' maikling sambit ko sa daddy ko. 'Bye anak, ingat ka' sagot naman ng daddy ko.

Lumabas na ko ng bahay at pumunta sa garage, binuksan ng guard namin ang gate. Pina andar ko na ang sasakyan at pinatakbo.

'Salamat guard.' sabi ko sa guard.
'Walang ano man sir. Ingat po kayo sa byahe' sagot ng guard

Umalis na ako sa bahay na may ngiti sa mga labi ko, parang maganda ang araw ko ngayon ah, kahit binangungot ako nawala yun dahil lang kay Nico.

TADHANA (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon