'Nico! ano ba? buksan mo pinto kanina ka pang nagkulong diyan sa room mo.' sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko.
Hindi ko pinansin si mama, ayokong harapin silang lahat. Lalabas na ako pag handa na ako. Pag uwi ko galing sa school dumiretso na ako dito sa room ko, wala akong gana, wala lahat. Blangko ang utak ko, gusto ko mapag isa.
Tinignan ko phone ko, 6pm na pala, maaga akong umuwi kasi dalawa lang ang test ko ngayon kasi finals na.
Ba't ba pag malapit na kaarawan ko ay dumadami ang problema ko. Lintik na buhah to.
Lumipas ang isang oras at wala pa rin akong ginagawa, nakatulala lang sa bed ko. Narinig kong may kumatok ulit sa pintuan.
'Nico?' boses ni kuya yun, kinabahan ako, wala na akong kawala nito, si kuya na ang kumatok. Hindi talaga ako makaka angal sa kuya ko.
'Nicolo, buksan mo pinto, ngayon din' striktong sabi ni kuya.
Binuksan ko ang pinto, nakita ko si kuya at ang concern niyang mukha. Pumasok siya agad sa room ko at umupo sa higaan ko.
Sinenyasan ako ni kuya Niall na tumabi sa kanya at ginawa ko yun. Nakatingin lang ako sa sahig, hindi ko kayang tumingin sa kaniya.
'Bumabalik ka na naman sa dating gawi mo Nico, alam kong may problema ka. Ano ba yang tinatago mo?' pag alalang tanong ni kuya.
Tumahimik lang ako, hindi ko alam kung sasabihin ko o hindi, hindi ko kaya.
'Hindi kita uurongan hanggat hindi mo sinasabi sa akin Nico, please, sabihin mo sa akin lahat handa akong makinig.' sabi ni kuya habang inakbayan ako.
Tumulo na ang mga luha ko, ayoko nang umiyak pero hindi ko ma control, ang sakit.
'Kuya?' sambit ko sa kanya. 'O?' maikling sagot ni kuya. 'Dapat ba talagang masaktan tayo pag umiibig?' naiiyak kong tanong sa kanya.
'Nico, walang bagay sa mundong ito na hindi ka mahihirap at masaktan. Lahat dapat may katumbas na sakripisyo, nasa sayo na yun kung ano ang e sasakripisyo mo.' sabi ni kuya sa akin.
'Hindi mo makukuha o makakamit ang tunay kaligayahan kung hindi ka nasasaktan, balanse ang lahat Nico, Pain makes us feel alive. Natural lang sa tao ang masaktan tandaan mo yan.' sabi ni kuya sa akin.
Panay na ang tulo ng mga luha ko malayo na na mapigilan ko pa ang pag agos nito. Sasabihin ko na sa kuya ko, bahala na kung hindi niya ako matanggap basta sasabihin ko sa kanya ang katotohanan.
'Kuya?' sambit ko ulit sa kanya. Nag ipon ako ng lakas para masabi ko sa kanya kung ano talaga ako. Huminga ako ng malalim.
'Kuya, ma... mahal ko...mahal ko si Chuck' at yun nasabi ko sa wakas. Pumikit lang ang habanv umiiyak at naghahanda na sa suntok ng kuya ko.
Bumagal ang pananaw ko sa mundo, wala na akong maisip, ayoko tignan ang kuya ko alam kong galit na siya. Ito na ang katapusan ng buhay ko.
Pero mali ang inexpect ko, naramdaman kong niyakap ako ng kuya ng mahigpit, naguguluhan ako, bakit hindi siya galit? Bakit niyakap ako ni Kuya?
'I Love you Nico, wag mong isipin na hindi kita tanggap, tanggap na tanggap kita, kapatid kita at hindi magbabago yun kahit ano pang kasarian mo.'
Para akong nabunutan ng tinik sa bawat salita na sinabi ni kuya, hindi ko lubos maisip na tanggap niya ako.
'Salamat kuya' ang tanging salita na binitawan ko. Napangiti siya at ramdam ko ang kaligayahan ko.
'Pero kuya, wag mo sanang sabihin kina mama' sabi ko sa kanya. 'makakaasa ka Nico, pero kailangan mo sabihin sa kanila soon. Alam kong maiintindihan ka nila.' nakangiting sabi ni kuya at niyakap niya ulit ako.
'At one thing, hindi na ako manghimasok sa inyong dalawa ni Chuck, but whatever it is. Simple advice, minsan lang tayo makahanap ng tao para sa atin, Fight for it'
Nagising ako sa sinabi ni kuya, tama siya, dapat kong ipaglaban si Chuck. Ngumiti lang ako sa kuya ko.
'Tama na yan, bumaba ka na at kumain, ayokong mawalan ng kapatid na gwapo and at the same time... gwapo din ang gusto' pangangalaska ni kuya.
Sinuntok ko siya sa ng pabiro, loko tong kapatid ko. 'Aray! bakla ka ba talaga? ang lakas mong sumuntok' natatawa niyang sabi.
'Loko! tayo na nga. Ewan ko sa yo.' sabi ko sa kanya habang lumabas sa kwarto ko.Bumaba na kami at nakahanda na ang dinner. I Smell adobo! yey! love talaga ako ng pamilya ko alam kong adobo ang pinaluto nila dahil nag dadrama na naman ako.
'Oh, anjan na pala kayo, kain na tayo. Pinagluto ko si manang ng adobo Nico dahil alam kong confort food mo yan' Nakangiti sabi ni mama sa akin.
'Buti naman ma, ang hirap pa naman suyuin nitong anak mo pag nagdadrama' pabirong sabi ni kuya Niall.
'Kuya naman!' naiinis kos sagot sa kanya. 'Joke lang, ang cute talaga ng baby ko' niyakap niya ako at hinalikan sa noo. I know nakakadiri talaga. Perp wala na akong magagwa OA talaga ang kuya ko.
'O asan na pala yung maliit na bata? nagcocomputer na naman?' biglang tanong ni kuya kay mama na tinutukoy si Nathan.
'Hindi pa kayo nasanay sa batang yun, jowa nya na siguro yung computer niya di niya maiwaniwan.' pagbibiro ko.
'Hayaan niyo na, bata naman yun eh kesa sa gumagala yan at hindi umuuwi sa bahay.' sabi ni mama.
Nagtinginan nalang kami ni kuya, alam naming wala kaming magagawa. Bunso eh.'Kain na tayo, hindi na tayo maghihintay sa papa niyo may meeting siya sa client niya, siguro matagal pa umuwi yun.
Tinawag ko na si Nathan sa room niya at kumain na kami. Maswerte ako dahil anjan palagi ang pamilya ko. Sila ang lakas ko.
BINABASA MO ANG
TADHANA (BoyXBoy)
RomanceSi Nico isang gwapong dancer na isang university heartthrob. Nasa kanya na lahat na hinahanap ng mga babae pero hindi pa siya ready magmahal ulit dahil sa past niya sa ex-gf nya na niloko siya. Si Chuck naman na isang campus badboy at kagaya din ni...