Chapter 9

674 15 0
                                    

Nag e exist ba talaga tong lugar na to? Sa mga pilekula ko lang to nakikita eh, ang ganda dito, nilibot ng mga mata ko ang paligid.

Ang lawak ng paligid na puno mg grass at pinalibutan ito ng mga punong kahoy, madilim ang paligid tanging ang mga bituin lang ang sumisindi sa kadiliman, mahangin at nakakagaan ng loob. Pano ba nalaman ni Chuck ang lugar na to.

'Ehem, hi may kasama pa ba ako?' natatawang tanong ni Chuck sa akin. Siguro kanina pa siya sa likod ko habang ako ay nabibihani sa kagandahan ng tanawin.

'Sorry, nagagandahan lang sa nakita ko.' paumanhin ko sa kanya, hindi ko na siya napansin.
'Hahaha, so ano? okay lang ba dito tayo tatambay?' tanong nya.

'Sobra pa sa okay, pano mo ba nalaman lugar na to?' tanong ko sa kanya.

Hindi nya sinagot tanong ko. 'Wait may kukunin lang ako sa car' sabi nya habang papunta sa car nya na naka park sa ilalim ng puno.

Kinuha nya sa bagage nya ang banig at isang Ice bucket, ang plastic bag na may lamang chichirya.

Bumili pala siya, boy scout tong batang to ah.

'Wow, boy scout laging handa.' pangangalaska ko sa kanya.

'Loko, pinag planuhan ko na talaga to kanina bago ako pumunta sa inyu bumili na ako ng beer at chichirya para naman hindi boring ang pag tambay natin dito.' explain ni Chuck

Nilatag nya ang banig sa damuhan habang ako nakatingin lang sa kanya. 'Halika na dito umupo na tayo, picnic to. Hahaha' pabiro nyang sabi

Umupo ako at tumabi ako sa kanya. Ang bango talaga niya.

Tumahimik kaming dalawa habang nakatingin lang sa langit na puno ng bituin, ang lamig ng hangin na humahampas sa mga katawan namin at sa mga puno.

'Madalas na ako pumunta dito mag isa' biglang sabi ni Chuck. 'Huh?' maikli kong sagot.

'Natanong mo kasi kanina pano ko nalaman lugar na to, madalas na ako pumupunta dito, amin tong lugar na to binili to ni daddy matagal na. Magtatayo sana kami ng rest house dito.' explain nya sa akin na obvious na parang malungkot ang tono ng boses nya.

'Ahh kaya pala, eh bakit hindi natuloy?' tanong ko sa kanya.

'Uy bago ko pa makalimutan, paki abot nga ng beer siyan sa loob ng ice bucket' binaling nya ang usapan ahh.

Inabot ko sa kanya ang isang malamig na beer in can at kumuha din ako para sa akin.

'so ano nga? bakit hindi natuloy ang rest house?' pangungulit ko sa kanya, umiba ang mukha nya nawala yung ngiti nya at lumungkot bigla mukha nya.

'Hindi na tinuloy ni Daddy eh' napa bugtong hininga sya. 'Kasi namatay Mommy ko last last year.' mahinang sagot ni Chuck na halatang nalungkot, kita ko sa mga mata nya ang emosyon, para na siyang naluluha na.

'Sorry to hear about that Chuck, hindi ko sinasadya. Sige change topic na tayo.' sabi ko sa kanya habang nakangiti para umiba ang timpla ng usapan na guilty tuloy ako.

'Okay lang Nico, sorry naging emotional ako fresh pa kasi sa memory ko eh' sabi nya habang umiinum ng beer nya.

'Walang problema yun, lahat naman tayo naging emotional eh tao lang tayo.' sabi ko sa kanya para ma comfort siya.

'Oo nga pala maiba tayo, pano ba nalaman pangalan ko?' nagtataka kong tanong sa kanya dahil curious ako kng pano niya nalaman name ko.

Tumahimik siya ng saglit at uminum ulit ng beer.

'Ahh kasi ganito yun, diba naalala mo yung araw na nagkita tayo sa canteen?' sabi nya sa akin. Tumango naman ako. 'Diba yun din yung araw na nag practice kayo sa lobby ng building natin? habang nanunuod ako sa inyu sa 2nd floor kasi wala akong class nung time na yun, yung mga babae sa tabi ko panay chismi sila sayo, ang gwapo mo raw kasi at ang hot pang sumayaw' explain nya sa akin.

Namula ako sa sinabi nya sana hindi nya nakita ang pamumula ng mukha ko buti nalang madilim. Hindi ko pinahalata sa kanya. 'Ahh okay, kaya pala' simpleng sagot ko sa kanya.

'Totoo din naman sinabi ng mga babae gwapo ka nga at magaling sumayaw, turuan mo ako ha.' pangangalaska ni Chuck habang tumatawa siya.

'Nangangalaska ka ba?' kunot noo kong sagot sa kanya. 'Chill lang pare joke lang naman e, ikaw talaga' tawa nyang sabi. 'Ewan ko sayo' maikling sagot ko.
Kinuha ni Chuck ang Clover Chips sa plastic at binuksan at kumain siya. Wow ang takaw niya pero cute pa din.

'May question ako Nico' tanong nya habang inabot sa akin ang clover chips. 'Ano yun?' maikli kong sagot.

'Ano first impression mo sa akin?' tanong niya. Ang random ng taong to, bat umabot siya sa first impression.

'Hmmm... To be honest Chuck, wag kang magalit ha, first impression ko sayo, nung una kitang nakit, naangasan talaga ako sayo sa porma mo sa mukha mo at lalo na yung kinausap mo si kim sa canteen, halos sinumpa kita sa langit mg panahong iyon' Explain ko sa kanya.

Tumawa ng tumawa si chuck at bigla siyang tumahimik. Parang baliw lang siya.

'Oh bakit tumahimik ka?' tanong ko sa kanya.

'I knew na talaga na yan isasagot mo, pero Nico sayo lang ko to sasabihin ha, sa totoo lang maskara lang lahat ng ito, itong kaangasan ko, porma ko, mukha ko? maskara lang to' seryosong sabi ni Chuck.

Ano daw? 'Maskara? so maskot ka lang? yun ba yun?' pabiro kong tanong sa kanya.

'Loko! hindi, what i mean is, Make believe lang lahat ng ito' sa bi nya habang tinuturo niya sarila niya. 'Hindi talaga ako maangas Nico, sinadya ko lang maging ganito para lahat ng tao ma intimidate sa akin.' Explain nya.

'Bakit kailangan mo pang mag panggap at gusto mo pa ma intimidate ang tao sayo?' tanong ko sa kanya.

'Ayoko kasing ma attach sa kahit na sino, takot ako na baka pag na attach ako sa tao at bigla silang mawala sa akin kagaya ng nanay ko namatay, ayoko na maulit yun, masakit eh.' seryosong sagot ni Chuck na kita ko sa mukha nya na bumalik ang lungkot sa mga mukha nya.

Sinabayan ko nalang ang mood nya sabagay mas mabuti to para makilala ko siya ng lubusan.

'You know Chuck, Ganun talaga ang buhay, may mawawala may darating, That's how life works, walang permanent mundo Change lang ang permanente, Pero don't get me wrong, hindi ko nama alam ang pinagdaanan mo, pero trust me Chuck, you'll feel true happiness kapag itatapon mo yang burden sa puso mo, Let go of the past open your heart. Isipin mo na lang masaya na Mommy mo sa itaas and I'm sure of that.' sabi ko sa kanya habang hinimas ko balikat nya.

Tinignan ko si Chuck at nakatitig lang siya sa kalangitan, bigla umagos ang luha galing sa kanyang mga mata.

Naintindihan ko na lahat kung bakit siya ganun, napaka judgemental ko palang tao. Hindi ko inisip ang side niya. Na guilty ako dun.

'And by the way, sorry for judging agad2.' sabi ko sa kanya.

Hinayaan ko na lang siyang umiyak at sinabayan siyang tumitingin sa mga bituin sa langit.

'Nico?' sambit ni Chuck na nakatingin pa rin sa kalangitan. 'Yes?' sagot ko sa kanya.

'Thank you,' sabi nya. 'For what?' tanong ko. 'For this, hindi ako nagkamaling dalhin ka dito, pinagaan mo loob ko, minulat mo ako sa katotohanan. Simula ngayon, i will take your advice, Saksi ang mga bituin sa pangako ko. Simula bukas magbabago na ang buhay ko, masaya ako dahil ikaw ang unang tao sa bagong buhay ko. Thank you talaga.' sabi mya sa akin habang nakatitig siya sa akin.

Fudge, Chuck wag mo ako titigan ng ganyan baka matunaw ako, yumuko nalang ako para hindi nya makita ang mukha ko. Nakakahiya ito.

'Wow naman, ako pa talaga ang unang tao. No problem pare, tutulungan kita, Promise yan.' sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang siya at alam mo na ang ngiti na iyon ay isang napakasayang ngiti. Masaya ako na handa siyang magbago. Para din naman yun sa kanya eh.

Bilib na ako sa taong to may soft side pala siya. ang cute.

Untiunti na kaming nagligpit kasi lumalalim na ang gabi at malayo pa uuwian namin.

ala una na ng hating gabi na ng nagpasya kaming umuwi, buti nalang konti lang ininum namin kasi mahabang byahe pa pauwi.

TADHANA (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon