Chuck:
Stacey: Hey, Chuck sino kasama mo sa camp, pwede ba sama ako sayo?
Madaling araw ng natanggap ko ang text ng schoolmate ko na si Stacey, Nag dalawang isip ako ng natanggap ko ang text niya.
Sino ba kasama ko, si Joem kasama ko pero alam kong may kasama din siyang Babae yun pa walang ibang kundi ang mambabae hindi rin niya ako mapapansin, siguro tatanggapin ko na lang ang invitation ni Stacey.
Ako: Ah okay Stace no problem. Maghintay ka nalang somewhere sa labas ng school susunduin kita dun.
Reply ko kay Stacey, pinatulan ko na lang para may kasama ako bahala na kung lalandi siya hindi ko naman siya papatulan basta lang may kasama ako.
Stacey: Yey! okay sa school entrance ako maghihintay. :*
Hindi na ako nag reply, alam ko na kung san patungo itong conversation na to.
Pinuntahan ko na si stacey sa school, 30 mins travel lang papunta sa school kasi madaling araw pa walang traffic at di karamihan ang sasakyan kaya dire diretso ang takbo.
Nakita ko si Stacey nakatayo sa may entrance ng school, naka denim na short shorts at muscle tee na black at mag yoyosi.
Si Stacey yung tipong babae na bitch sa school, alam na siguro niya kng ano tingin ng schoolmates namin sa kanya pero parang wala siyang pakialam kasi hindi siya nagpaapekto sa mga chismis.
Binuksan ko window ng car ko at tinawag siya, parang hindi dinadapuan ng ginaw tong babaeng to. Tinawag ko siya.
'Stace!' sigaw ko sa kanya habang kinakawayan ko siya. Ngumiti siya mg napakalaki ng makita ako, tinapon niya ang cigarrete niya at pumasok sa car ko.
'Hi Chuck' bati niya sa akin at bumeso. Amoy na amoy ko ang perfume niya na may halong amoy ng sigarilyo, maganda namn talaga si stacey, blonde girl, sexy, maputi at maalaga sa katawan kaso lang bitch.
'Hi Stace' sagot ko sa kanya. 'Tara na' sabi ko habang pinaandar ang sasakyan ko.
Nag usap lang kami ni Stacey ng random things at panay ang pagpapakita niya ng motibo na gusto niya akong linlangin, lulandi siya pero hindi ako nagpadala hindi ko siya pinatulan. Si Nico lang ang para sa akin.
Malayo ang biyahe, antok pa ako pero kailangan magising kasi nagdadrive ako, si stacey nakatulog din mayamaya siguro na bored, kasi sa kanya lang lahat ng daldal at ako tumatango lang sa mga sinasabi niya.
Matapos ang isang oras ng biyahe, sa wakas umabot din kami sa distenasyon namin, makaka langhap ma ako ng saruwang hangin.
Pagdating namin sa Camp Marina, lumabas ako at nanigarilyo, napagod ako sa pagdadrive, si stacey gumising na at nagpaiwan sa loob ng sasakyan dahil mag re retouch daw siya ng make-up niya. Haaay!
Ang lamig pa ng hangin, wala pang sunrise na makikita sa mataas na bukid, ber months na pala ngayon matagal mag sunrise, 5:30am na ng tinignan ko ang relo ko, nagsidatingan na ang ilang studyante at kanya kanyang pagre ready ang ginawa nila.
Nakatingin lng ako sa kakahoyan na kitang kita pa ang fog nito, ang ganda ng paligid, walang polusyon, malinis, payapa. Napangiti ako ng marinig ko ang huni ng mga ibon. Ang sarap pakinggan.
Lumabas na si Stacey, putok na putok ang make-up niya, san ba siya pupunta? camp ito hindi acquaintance party. Ewan ko sa kanya.
'Chuck, halika na?' tanong niya sa akin. 'Cge, tayo na. Wala ka nang nakalimutan?' tanong ko sa kanya. Sinabi naman niya na wala na kaya pumasok na kami sa camp.
Nagkagulo na ang mga tao sa registration booth, maingay, ang tabing nagtitilian at nagtatawanan na studyante.
Tahimik lang ako na pinagmasdan ang mga pangyayari sa paligid habang naglalakad patungo sa registration booth.
'Wait Chuck, punta muna ako kina Angel babalik ako ulit' biglang sabi ni Stacey sa akin. 'Okay' cold kong sagot, wag ka nang bumalik dun ka na sa barkada mo. Che.
Umalis si Stacey at pumunta sa barkada niya na nasa gilid namin, bigla silang nagtiliian, parang mga sira.
'Girl, anong ginawa mo? ba't kasama mo si Chuck, ang hirap kayang suyuin ng taong yan.' narinig ko ang bulongan nila. Ewan ko kunf bulangan ba yun kasi ang lakas.
'I don't even know, i just tried texting him na sama kami tapos he said 'Yes'. O my Gosh this is my time girls, makukuha ko na si Chuck, ang hottest guy sa school. Bow down bitches. Hahahahaha' tili ni Stacey na rinig na rinig ko habang naglilinya sa registration.
Napakunot ang noo ko sa narinig ko, ang landi talaga niya, bitch na nga fame whore pa. Sorry sa kanya hindi talaga ako papatol sa kanya.Tumawa at nagtilian ang barkada niya sa sinabi ni Stacey, 'Kainggit ka girl, ang swerte mo naman malandi ka.' tili ng isang kaibigan niya na magandang babae, morena at sexy din pero alam ko pareho sila ng abilidad ni Stacey.
Hindi ko na pinansin ang mga pinag usapan nila kasi nabibingi na ako sa mga naririnig ko, ang landi ng mga babaeng to.
Matagal pa ba to?, ang taas ng line, nagsimula nang magpakita si haring araw, nagliwanag na ng konti ang kalaingitan pero malamig pa rin ang hangin.
Buti na lang andun pa si Stacey barkada niya, nakakapagod makipagusap sa babaeng yun, daming arte, ang landi pa.
'Bro, anjan ka na pala pa insert na lang sa line, na late ako dumating.' sabi ni Joem na bigla nalang umappear sa gilid ko.
'Yan kasi, ba't ba na late ka? anong ginawa mo?' nagtataka kong tanong sa kanya.
'Hehehe, alam mo na bro pag may kasamang Chicks sa car alam mo na ano gagawin ko.' sabi niya na may ngiti sa mukha.
Isa pang malanding lalaki, pinalibutan ako ng malanding tao ngayong araw na to, hay naku!
'Ewan ko sayo bro, kailan ka pa magbabago' sabi ko sa kanya habang kinakamot ang ulo ko. Nakaka stress ang araw na to.
Tumawa lang si Joem at nag insert na sa likod ko, wala nang nagawa ang tao sa likuran ko, hindi naka angal sa laki ng katawan ni Joem.
Buti naman malapit na turn ko para mag register nakakapuyat na tumayo dito gusto ko na mag relax.
Hindi pa rin natapos mag chikahan ang barkada ni Stacey, hindi ba sila napupyat?
'Basta bahala ka girl, maghahanap ako ng partner ko, hindi ako pakabog sa'yo, kung may Chuck ka may...' sabi ni Angela na tumigil sa pagsasalit at tumili ng malakas.
'sa'yo na yang si Chuck, Oh my Gosh, nandito na si dreamboy, kasali pala siya sa camp na to.' tili ni Angela. Lumingon lahat ng barkada niya sa Entrance gate.
'Andito si Nico, Oh my goooosh!!!' nagtilian na ang mga barkada ni Stacey.
Totoo ba narinig ko? Andito si Nico? Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko na narinig ang tilian ng mga babae, fvck andito si Nico, ba't siga nandito, alam kong hindi niya trip ang mga ganitong evenn pero bakig nandito siya?
'Si Nico na ang biktima ko ngayon, May Chuck ka? May Nico ako noh' sabi ni Angela kay Stacey.
Subukan mong lapitan si Nico, ako makakalaban mo. Sabi ng utak ko. Ako lang pwede kay Nico. Akin lang siya.
Hindi ako lumingon sa kinaroroonan ni Nico, ayokong makita niya ako.
'Ay sorry girl, hindi mi malalapitan si Nico, anjan barkada niya, at anjan pa si Kim. sorry ka. Hahahaha' sabi ni stacey kay Angela.
Buti naman anjan si Kim. Salamat walang makakalapit kay Nico.
Sana hindi niya ako makita. Ayoko pa siyang makita, hindi ko alam ano gagawin ko.
BINABASA MO ANG
TADHANA (BoyXBoy)
RomanceSi Nico isang gwapong dancer na isang university heartthrob. Nasa kanya na lahat na hinahanap ng mga babae pero hindi pa siya ready magmahal ulit dahil sa past niya sa ex-gf nya na niloko siya. Si Chuck naman na isang campus badboy at kagaya din ni...