Chapter 14

537 11 0
                                    

Chuck:

Ang ganda ng gising ko, simula ng nakilala ko si Nico parang ang saya ng buhay, siya lang ang may epekto na ganito sa akin.

Nung una ko pa lang siyang nakita alam kng gusto ko na siya, pero ngayung mas nakilala ko siya hindi ko na siya gusto, aaminin ko, mahal ko na si Nico, sure na ako, hindi ko alam kng bakit pero alam kong mahal ko na siya.

Lumabas ako sa room ko, hinanap ko si Daddy buti nalang wala siyang work ngayon kasi sunday.

'Manang san si Daddy?' tanong ko kay manang na nasa garden nadidilig ng mga halaman. 'Aba, ang aga gumising ng alaga ko ah. Nandun daddy mo sa room niya hijo.' sagot ni manang.

'Ahh okay po, maganda pang araw ko kaya siguro maaga akong nagising' sabi ko sa kanya na nkangisi. Ngumiti na lang si manang habang pinapatuloy ang ginagawa niya.

Pinuntahan ko si Daddy sa room niya. 'Daaaad! paki bukas po' sigaw ko sa daddy ko habang kinakatok ang door niya.

'Ano pakay mo Chuck? pag di importante yan wag mo ako guluhin nanood ako ng movie' sigaw ni daddy sa loob ng kanyang kwarto.

Aba ang arte ng taong ito, tignan natin pag di ka hihinto sa ginawa mo sa sasabihin ko.

'Buksan mo pinto, IN LOVE ANG ANAK MO!' sigaw ko sa kanya.

Narinig ko na inoff niya ang TV sa room niya. Binuksan niya ang agad ang pinto niya.

'Talaga? sino? babae o lalaki?' nararattle niyang tanong.

Ngumiti ako sa kanya, napa kamot ako sa ulo ko. 'Hehehe, lalaki po' maikli kong sagot sa kanya.

Niyakap ako ni daddy ng mahigpit. 'Masaya ako para sayo Chuck, buti naman binuksan mo na ulit ang puso mo, yan lang ang tanging gusto ko, maging masaya ka, kahit sino pa yan wala akong pakialam basta masaya ka. seryosong sabi ni Daddy sa akin.

'Pero may bad news pa daddy' sabi ko sa kanya. Kumawala siya sa yakap niya at binagyan ako ng nagtatakang mukha. 'Ano ang bad news?' tanong niya.

'Hindi pa kami, at hindi ko pa alam kung may gusto din siya sa akin' explain ko kay Daddy.

Ngumiti siya, 'Asus, hindi yan problema, sure akong magkatuluyan kayo, trust me i'm your Dad' nakangiti niyang sabi.

'mas confident ka pa sa akin ah?' sabi ko sa kanya. 'Oo naman, ako pa, basta trust me, everything will fall into place, soon' nakangiti niyang sabi sa akin.

Ang swerte ko talaga sa daddy ko, simula ng sinabihan ko siya sa totoo kong kasarian buong loob niya akong tinanggap, hindi siya nagalit, niyakap niya lang ako.

'Sana nga dad, gagawin ko lahat para maging kami, salamat sa support, sige na continue what you're doing, yun lang pakay ko.' sabi ko kay daddy.

'Okay nak, basta sabihan mo ako sa lahat ha dapat ako ang unang sasabihan mo' sabi niya sa akin. 'Yes Dad, cge kain muna ako ng breakfast.' sabi ko sa kanya habang lumabas sa room niya para pumunta sa kusina para kumain.

Kumuha ako ng cereals at gatas, hindi ko feel mag rice ngayon. 'Manang kumain na po ba si daddy?' tanong ko kay manang. 'oo hijo, kumain na siya kanina' maikling sagot ni manang na nagreready na maligo.

'May lakad po ba kayo manang?' tanong ko sa kanya. 'Ah oo, pupunta ako sa kapatid ko, alam na ng Daddy mo na may lakad ako ngayon.' explain ni manang.

'Ah okay po' maikling sagot ko. Patuloy akong kumain, naisipan kong e text si Nico.

Ako: Good Morning Nico, kumusta na?

Sana mag reply siya, sana hindi siya galit sa akin about the video, hindi ko naman talaga e upload yun, gusto ko lang mag video para pa ulit ulit kong tignan siya habang kumakanta. Ang gwapo nya lalo pag kumanta siya.

Nag vibrate agad ang phone ko.

Nico: Good Morning din, okay na ako, thank you ulit. :)

Ngumiti ako sa reply ni Nico,

Ako: Hindi ka ba galit sa akin?

Nico: Huh? hindi, ba't naman ako magagalit?

Ako: about the video, baka hindi mo gusto, don't worry i won't upload it. Sorry talaga

Nico: Hahaha, hindi naman ako galit, joke lang yun kagabi, buti naman hindi mo r uupload nakakahiya loko ka! hahaha

Hay salamat hindi talaga galit si Nico, buti nalang.

Ako: Hay salamat, akala ko galit ka. So ano ginagawa mo ngayon?

Nico: Kumakain ng breakky, ikaw?

Ako: katatapos ko lang kumain hehehe

Ang bilis mag reply ni Nico, kinikilig na ako kahit simpleng reply lang niya.

Nico: Ah okay, mabuti naman. :)

Ako: may lakad ka ba ngayon?

Nico: Ah oo, magsisimba kami family mamaya, baket?

Ako: ah okay, wala lang nagtatanong lang

Nico: ah okay, ikaw san lakad mo ngayon?

Ako: wala, stay lang sa house manood siguro ng movies.

Nico: ahh okay, sayang naman gusto ko pa naman mag movie marathon.

Ako: okay lang yan, gusto mo next week movie marathon tayo sa bahay?

Nico: oo naman, good idea yan. wait ligo muna ako lalakad na kami mamaya. Tyl!

Ako: ah okay po. :D

Ang cute namin, para na kaming magdyowa or baka ako lang nag iisip ng ganun. Hay naku Nico, mahala na talaga kita.

Binuksan ko na ang TV sa sala para manood ng random show, naghihintay akong mag text siya.
Lumabas muna ako sa bahay para maninigarilyo, ang lamig ng simoy ng hangin, iba talaga pag padating na ang pasko, pag ber months na. Ang lamig ng hangin.

Bigla kong natandaan, malapit na pala ang birthday ni Nico, two weeks nalang birthday na niya, ano kaya gagawin ko?

Nag iisip ako ng gagawin habang hinihithit ang sigarilyo.

E surprise ko kaya siya? Napaisip ako, wala na palang pasok niyan sembreak ang October 30.

Tapos na akong mag smoke at pumasok na ako ng bahay, narinig kong panay vibrate ang phone ko.

Pag tingin ko sa phone ko ang dami na palang text ni nico.

Nico: Tapos na ako maligo. :)
Nico: Chuck?
Nico: uy, ba't walang reply?
Nico: text ka lang pag gusto mo na :(

TADHANA (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon