Chapter 22

356 7 6
                                    

Nico

Tangina! Kaya pala hindi nya ako magawang mapatawad kasi enjoy na enjoy siya sa Stacy na yun, yong babaeng wala nang ibang alam gawin kundi lumandi.

Ang saya na siguro nilang dalawa dun sa halikan nila sa camp. Ang bobo ko talaga, naniwala pa ako na mahal ako ng Chuck na 'yon pero hindi pala. ANG BOBO KO!

Patuloy lang akong humagulhul sa pag iyak sa ilalim ng kagubtyan na punong puno nga malalaking kahoy. Hindi ko na alam na napunta na pala ako dito. Gago si Chuck siya lang ang nakagawa ng ganito sa akin, kahit ex girlfriend ko hindi ganito kasakit ang naramdaman ko nung iniwan ako.

Sinakripisyo ko pa identity ko, nag come out pa ako sa kuya ko pero sa ganito lang pala aabot lahat. Tangina.

'Lord, lagi nalang bang ganito, pag palapit na kaarawan ko palagi akong nasasaktan?' Sabi ko sa sarili ko habang nakaupo sa isang malaking bato sa gubat.

Umiyak na lang ako ng umiyak habang pinipicture out ang halikan ni Stacey at Chuck kanina sa camp.

Napagpasyahan ko na tumayo na, inayos ko sarili ko, pinahiran ko ang luha ko para bumalik na sa camp baka magtataka si Ms. Molina na ang tagal kong bumalik sa camp.

'Nico'

Nanigas ako sa narinig ko, may halong takot kasi nasa loob ako ng madilim na kagubatan at gulat dahil alam na alam ko ang tinig na tumawag sa akin.

Hindi talaga ako lumingon kasi pag si Chuck talaga to babasagin ko talaga mukha niya. Nanigas lang ako at nakatingin sa mga puno na sabay sumasayaw sa ihip ng hangin.

'Nico, ba't ka nandito? Halika na nga, bumalik na tayo sa camp. Pinatawag ka sa akin ni Ms. Molina' mahinahon na sabi ni Chuck.

'Leave me alone, alam ko ang daan pabalik sa camp hindi mo na kailangan pumunta pa dito.' Galit kong sabi sa kanya. Hindi pa rin ako tumingin sa kanya.

'Alam ko naman yun, pinuntahan lang kita dito para tignan kung okay ka lang ba. Ano ba kasing nangyari sayo? Ba't ka pumunta dito, dilekado dito, Nico' Nag alalang sabi ni Chuck.

'Okay lang ako, bumalik ka na dun, susunod na ako' maikling sagot ko.

'Pwede namang sabay tayo bumalik sa camp, Halika na' pangungulit ni Chuck sa akin.

'Naintindihan mo ba ang salitang "leave me alone"?' Sigaw ko kay Chuck habang humarap ako sa kanya.

Kitang kita ko na lumaki mga mata nya sa gulat ng sigaw ko. Di ko rin alam ba't ko nagawa yun.

'Ano bang problema mo? Ba't galit ka? Ikaw na nga pinuntahan dito kasi dilekado dito ikaw pa 'tong galit' Pasigaw na sabi ni Chuck na halatang galit na din siya.

Tumahimik lang ako. Hindi ko na alam ang sasabihin ko.

'Ano? Sagot! Ano ba problema mo?' Tinanong nya ulit na halatang nagalit na siya.

'Ayan, wala ka na namang sasabihin? Ganito nalang ba parati? Bigla ka na lang tatahimik, bigla ka na lang aalis, bigla ka nalang mawawala. Ganito na lang ba, Nico?' Sigaw nya sa akin, klarong klaro na sa boses nya ang galit and may halong sakit.

Parang alam ko na saan papunta ang usapan na ito.

'Nico, SAGOT!' Nagagalit na sigaw ni Chuck sa akin.

Nabigla ako sa lakas ng boses nya, hindi ko na namalayan na tumulo na mga luha ko. Alam ko kasalanan ko 'to. I deserve his rage.

Umiyak na lang ako at walang pag-aalangan, lumuhod ako sa harap nya at humagulhol ng iyak.

'Chuck, I'm very sorry, hindi ko sinasadya ang lahat ng nangyari. Hindi ko lang talaga alam kung tama ba itong naramdaman ko.' Naiiyak kong sabi sa kanya habang nakaluhod sa harap nya.

'Ano ka ba Nicolo, tumaya ka nga jan.' Nag alalang sabi ni Chuck habang hinawakan niya ang braso ko at pinatayo.

'I'm really sorry, I was so stupid doing all those things to you, Ilang araw ko pinagisipan ang lahat ng nangyari, hindi ako nag text o nagpakita sa'yo kasi hindi ko na talaga alam ano gagawin ko.' Sabi ko kay Chuck

'I was very happy sa lahat ng nangyari sa atin last week, masaya kang kasama, iba ang saya na nararamdaman ko pag kasama ka at yan ang dahilan ng confusions ko kaya bigla nalang hindi ako nag text' patuloy ako nag explain kay Chuck habang nakatingin sa baba.

Tahimik lang si Chuck habang nakahawak pa rin sa braso ko. Nakikinig lang siya sa akin at naghintay na matapos akong magsalita

'I don't know Chuck, why do I feel like this, sa isip ko hindi talaga pwede 'to, alam mo naman siguro, pareho tayong lalake pero bakit iba ang nararamdaman ng puso ko? Nalilito na talaga ako' sabi ko kay Chuck

'Buti nalang kinausap ko ang kuya ko about this and he adviced me to talk to you to say sorry and I've decided to do it dito sa camp. Pero ang hirap mong suyuin at naiintindihan kita. Masakit din naman kasi ginawa ko.' Patuloy kong sabi kay Chuck

Tahimik pa rin si Chuck, kahit isang salita wala siyang binitawan.

Tinignan ko siya, at kita ko sa kanyang mga mata ang mga luha na pilit kumawala sa kanyang mga mata.

'Chuck, I'm very sorry. Please, patawarin mo ako. Ayokong mawala ka sa akin, kaya pumunta ako dito kasi nung nakita ko kayong naghalikan ni Stacey, ang sakit talaga.' Sabi ko sa kanya habang humagulhol

'Dapat akin lang yang labi mo, akin lang yang puso mo. Akin ka lang Chuck, wala na akong pakialam kung ano ang mali o tama ang alam ko lang Mahal Ki-' hindi na natapos ang sinabi ko.

Ang sunod ko na lang namalayan, nakapikit na ako at dumampi na ang mga labi ng taong pinakamamahal ko sa aking mga labi.

Nanigas ako sa ginawa ni Chuck, tahimik lang siya kanina, walang sinasabi pero nung hinalikan na niya ako, parang alam na alam ko na anong sasabihin niya.

Isang malakas na kuryente ang naramdaman ko sa buong katawan ko. Ang lambot ng mga labi ni Chuck, ang bango-bango niya, ang sarap niyang humalik. Yung tipong halik na kay tagal na niyang gustong gawin. Ganun ang feeling

Hindi na ako nag hesitate, hinalikan ko rin siya pabalik, naglalaro ang aming mga labi habang dahan dahan niya hinawakan ang mga kamay ko.

Parang huminto ang oras sa kinalalagyan namin. Ayokong huminto sa pag halik, ayokong matapos ang moment na ito.

This is a strange but a very good feeling. Sana hindi na matapos. Sa wakas nangyari na din ang halik na hindi ko alam na ito pala ang pinakahihintay kong halik sa buong buhay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TADHANA (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon